Weston Vega
"Weston, isa siyang pipi."
I let out a heavy sigh when I heard Isandro's voice. Ipinatong ko ang mga palad sa kitchen counter at mariin na pumikit. Mukhang kanina pa siya andito at nakita niya ang nangyari. Pakiramdam ko ay naubusan ako ng enerhiya sa naging pag-uusap naming dalawa ni Indie. When I closed my eyes, Indie's downhearted face flashed through my mind.
"She's my wife now," I blurted. I don't care if she's mute or not. I don't hold any grudges about that. The moment she wrote something into that board, I've already accepted what she'll gonna say about her condition. It doesn't matter to me.
"And you went overboard, you moron!"
"Your mouth, Isandro. I'm older than you," sita ko sa kanya.
Umismid siya. "I don't care about that age, two years lang naman. What you did was wrong. Indirectly accusing her of what? Having an affair? Kung meron man, edi sana hindi siya pumayag dito," aniya.
I just looked at him intently. Gano'n din siya, kapag ganito masasabi kong inis na talaga si Isandro. I know him for ages kaya kilala ko na ang buong siya kahit na mas bata siya sa akin ng dalawang taon.
"It looks like she's struggling and yet... you insulted her. She's mute and too fragile, you should be careful around her," he added.
Tinanguan ko siya at napatingin sa nilabasan ni Indie. "I know and I'm sorry. It's just that..." Naalala ko naman 'yong mga linggo na hindi niya ako pinapansin at bihira ko lang siya makita rito sa penthouse. "Mag-asawa na kami, Isandro." I said instead of stating the past weeks with her.
"And she was distant, right? And you're affected with that. Gano'n ba?" sunod-sunod niyang tanong.
Hindi ako sumagot at itinuloy ang ginagawa. I am now married and I want this marriage to work out. The moment that I signed those papers, the moment I accepted the changes may occur in my life. I don't want to disappoint my mom and myself. Hindi biro para sa akin ang kasal, kung nasabi ko sa kanya na after a year or two ay tutulungan ko siyang makawala rito... I didn't mean that.
"She's different from the girls you've met, Weston."
I know. She built so many walls around herself. Ang hirap niyang basahin, ang hirap niyang kausapin kahit na kaya ko naman siyang intindihin sa sign language at basahin ang labi niya. Ang hirap niyang amuhin. I also ignored her for weeks dahil naiinis ako sa inaasta niya. Siguro nasanay ako na babae ang lumalapit sa akin. Nasanay ako na ang dali-dali nilang amuhin at kausapin.
I want to break down her walls. Alam ko naman na kaya siya gano'n ay dahil pinoprotektahan niya ang sarili at nabigla siya sa mga nangyari sa amin, but I want to understand why she needed to build them up so f*****g high.
Araw-araw ko siyang inaalala dahil hindi ko siya nadadatnan na lumalabas ng kwarto niya. Pinapanuod ko 'yong review ng cctv for the past weeks ng penthouse at mukhang natsambahan na niya ang oras kung kailan dapat siya lalabas. Lagi ko siyang iniiwanan ng breakfast, kapag maaga akong nakauwi, dinner naman. Gano'n lagi ang routine namin dalawa. 8 in the morning, gising na siya.
Ilang beses ko na rin siyang tinatawagan at tinext dahil hiningi ko sa Mama niya ang phone number niya pero hindi talaga siya sumasagot o reply man lang. Halos namuti na mata ko kakatingin sa phone pero wala pa rin. Kakaiba rin talaga. Aalis siya minsan ng nine or ten ng umaga. Malaki ang crossbody bag na dala-dala niya. Balot na balot lagi ang suot niya, very different from the liberated girls I know.
"I'm not accusing her, I'm just confused and worried about her whereabouts. Paano kung pagtripan siya sa labas? Maraming loko-loko ngayon, Isandro."
He chuckled. "At isa ka na ro'n."
"Damn you."
"But seriously, mali talaga 'yong mga nasabi mo sa kanya kanina. I don't know what she's signing but I can see to her face that she's really upset and hurt," he said.
"Ikaw ba talaga 'yan?" bigla kong hirit sa kanya.
He raised his middle finger. "Oo at hindi tayo pinalaking gago ng mga magulang natin kaya umayos ka at baka sumbong kita kay Tita. Huwag mo rin akong daanin sa ganyan. Marami ka pang ipapaliwanag sa 'kin. I was so shocked when you declared that she's your wife. Parang kahapon single ka pa."
I laugh. "Now you know," tipid kong sabi.
"Kailan pa?" he asked.
"I need to talk to her," hindi ko sinagot ang tanong niya. Indie needs to eat kasi mukhang gutom na siya. Masama ang magpalipas at baka sumakit ang tiyan niya. Hindi siguro kakayanin ng konsenya ko kapag may nangyari sa kanya habang nasa puder ko siya.
"Of course, but you need to reflect first kaya hayaan mo muna siya. Mukhang naaalibadbaran ang asawa mo sa 'yo."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Ang gwapo-gwapo ng asawa niya. Saan pa siya?" nakangisi kong bulalas. "Chief Police na, Chef pa, maalaga at mabait na anak."
Lumakas ang tawa ni Isandro. "Never thought you will end up like this. You looked like a whipped lover."
Nailing ako sa narinig. "I'm just concern 'coz she's my wife."
"Wife. I know that you loathed that word but look at you, you're now comfortable saying that. Kapag tumatawag lagi si Tita para sabihin na may irereto sa 'yo or kapag she'll joke around about marriage para mong isusumpa 'yong magulang mo. Ngayon, wala na lang sa 'yo."
Napangiti ako habang pinagtutuunan ng pansin ang mga rekados para sa ulam. "I want this thing to work out, Isandro."
"What?!" Halos mapapikit ako nang sumigaw siya. "Seryoso ka ba diyan? Tang'na, may sumunod na kay Ambrose. Paano na ako niyan?" bulalas niya.
Itinaas ko ang kamay ko para mas palapitin siya, ginawa naman niya. I tapped his shoulder before tapping his head. Isandro pouted like a kid kaya natawa ako.
"My two brothers are now happily married. I include yours dahil alam kong seryoso ka kahit binigla ka ni Tita," aniya, umikot pa ang mata niya.
"Ligawan mo na kasi si Mona," sambit ko.
Umakto naman siyang parang nasusuka. "It's a no! Yes, she's gorgeous, but she's too loud!"
"And she makes you smile," hirit ko.
Umikot na naman ang mata niya. "I can't deny that," he said.
Naiiling na natatawa ang isinukli ko sa kanya at tinulungan na lang ako ni Isandro sa mga lulutuin. Habang nagluluto ay hindi ko maiwasan ang hindi maisip si Indie. That night, hindi na lumabas si Indie sa kwarto niya. Hindi ko na rin siya nagawang katukin dahil para akong nahiya sa mga sinabi. We're back at zero again. Kinabukasan, walang pansinan, sinubukan ko siyang hintayin sa usual niyang oras ng paggising. Swerte dahil naabutan ko siya.
"Indie," I called her while she was looking at something on the refrigerator. "I'm sorry for last night, I was just—"
Hindi na natapos ang sasabihin ko nang humarap siya sa akin at ngumiti. Her smile didn't reach her eyes and I felt something in my heart because of that. Nagsimula siyang sumenyas. "It's okay, parehas tayong victim nito. Huwag kang mag-alala kasi hindi ko naman dudumihan ang pangalan mo tulad ng iniisip mo." At bumalik siya ulit sa paghahanap.
Nakatayo lang ako sa may kitchen counter kung saan nakalagay 'yong plato na may pagkain na inihanda ko para sa kanya. Umuwi rin si Isandro kagabi pagkatapos namin uminom. Magkikita naman kami sa office kung papasok ako. Indie's still wearing her outfit from yesterday, mukhang hindi na siya nakapagpalit.
"Papasok ka ba sa trabaho mo?" biglaan kong tanong.
Nakita ko ang pag-iling niya bago humarap sa akin habang sinasarado ang pintuan. Her eyes were emotionless and I can't deny the fact that she still looked so beautiful. Magulo iyong buhok niya, halatang bagong hilamos dahil basa pa ang noo niya.
"Wala ako sa mood." Senyas niya at lumakad niya.
Pinigilan ko siya at ipinakita ang tatlong plato na nasa tray at nakapatong sa kitchen counter. Indie looked at it, lumamlam ang mata niya kaya ngumiti ako. f**k, kinakabahan ako!" I cooked you a breakfast, if you're hungry you can eat this," halos pabulong kong sambit. Dahil sa sobrang kaba ay basta na lang ako umalis sa harapan niya pagkatapos kong sabihin 'yon. Agad akong dumiretso sa may indoor pool at kahit may damit pa ay agad akong nag-dive ro'n.
What is happening with myself?!
***
"Nakatulala lang sa kanyang pwesto, at nagmumuni-muni. Ang tanong sa kanyang sarili, saan ba siya nagkulang?"
I blinked twice when I heard Isandro's voice. I know what he was singing. Gago talaga. Napaayos ako sa kinauupuan at nakarinig ako ng tawanan mula sa team ko. Tiningnan ko sila nang masama at tinawanan lang talaga nila ako.
"Ano kayang iniisip ni bossing?" tanong ni Jonathan kay Isandro.
"Ask him, idiot."
Jonathan tsked. "Nagtatanong lang naman ako, sinabihan mo pa ako ng idiot!" maktol nila at inabot ang manggas ng uniform ni Isandro.
"Magsitigil nga kayo, ang iingay niyo!" suway ni Hogan sa kanila habang kaharap nito ang kanyang laptop.
Nailing na lang ako at tumunganga sa kisame. Nasa office ako nila Isandro, Jonathan, Hogan and Myles. They're under my team, may iba pa pero sa ibang room sila nakalagay pero itong apat talaga ang matatagal na sa akin. Hindi masyadong hectic ang schedule namin ngayon dahil puro office works, walang criminal case pa na hinahawakan kaya wala masyadong ginagawa.
Hindi na ako pumasok kahapon kaya napagalitan ako ni Tito Mel. Nasa bahay lang ako dahil hindi rin umalis si Indie. Alam kong weird pero in-obserbahan ko lang siya kahapon. Buong araw siyang nasa living area lang at nagbabasa ng libro. Hindi ko alam pero nagustuhan kong panuorin ang katahimikan niya kahapon. Kinakausap ko lang siya kapag inaalok ko ng pagkain. I felt like serving s***h taking care of her yesterday. I was on my laptop, prentending to be busy but I was just watching her all day. f**k this, if Ambrose and Isandro just saw what I did yesterday, they will probably laugh at me. Uulanin ako ng tukso mula sa kanilang dalawa. Baka pagtirikan pa nila ako ng kandila sa itsura ko. Ngayon lang ata ako naging ganito.
"How's your wife, Weston? Nagkausap na ba kayo?" Napatingin ako kay Isandro nang itanong niya iyon.
"Back to zero, again—"
"What?"
"Anong wife?"
"Kasal ka na, bossing?!"
Umalingawngaw ang boses nilang tatlo sa office. Napahawak ako sa batok dahil pakiramdam ko ay puputok ang mga ugat ko sa sigaw nila. Baka makatok na naman kami at pagalitan ako. Bakas na bakas ang gulat sa kanilang tatlo. Si Isandro ay nakangisi lang sa pwesto niya.
I am married. Hindi pa rin nagsi-sink in sa akin ang salitang 'yan pero sa loob-loob ko ay tanggap ko na. I raised my left hand and look at my fourth finger. Wala akong singsing doon, ibang-iba sa mga taong kinasal.
"Wife pero walang singsing? Ano 'yan, joke?" natatawang sambit ni Myles. Natawa na rin sila Hogan at Jonathan. Si Isandro naman ay nailing na.
"At saka kung may asawa ka na, kami ang best man! Eh, wala naman nangyaring wedding sa 'yo!" tukso pa ni Jonathan.
Naibaba ko ang kamay at naipatong sa hita. Should I buy her a ring? Ang kaso, baka magalit siya. Ayos lang naman sa akin kung magsusuot ako ng singsing. Proud naman ako kung ipaglalandakan ko sa iba na may asawa na ako. Alam kong para sa kanya this is just an arranged and business thingy but for me it's not.
I want to take care of her kahit na sinusungitan niya ako. Gusto ko pa siyang mas makilala. Wala akong alam sa kanya maliban sa pangalan niya at anak siya ng mga Emerson. Wala rin nabanggit si Mommy sa akin noon, hindi nga rin niya nabanggit na pipi si Indie. It looks like my Mom wants me to know Indie all by myself. I even searched for her pero wala akong nakita na kahit anong background mula sa kanya maliban sa mga photos na nasa lima lang ata. Mukhang control ng mga Emerson ang mga nasa internet patungkol kay Indie. She also told me last night that she's working in a Art Gallery. I didn't expect that. I thought she's a part of the Emerson Empire but she's not. She came from a well-known family pero mukhang walang nakakakilala sa kanya.
"Mukhang pinagsakluban ang mukha ni bossing. Ano bang nangyayari sa kanya?" Narinig kong tanong ni Myles.
"Kasal na nga kasi siya," bagot na sambit ni Isandro habang sumisimsim sa tumbler niya.
"Let's be serious here, okay?" Napatingin kaming lahat kay Hogan nang magsalita siya. "Marriage is a sacred thing so let's not joke about it." Tumingin siya sa akin. "What's with you and you were spacing out for the past days. Matagal na namin 'tong napapansin at hindi lang namin sinasabi."
Napatango pa si Jonathan na parang sumasang-ayon kay Hogan. "Tama siya, bossing. Kung may problema ka, andito lang naman kami at makikinig. Parang wala naman tayong pinagsamahan niyan!"
"Hindi rin naman kasi lahat kailangan ipaalam," singit ni Myles.
Natawa ako. "He's right but don't worry sasabihin ko naman sa inyo."
Napakamot naman ng ulo si Jonathan. Sa kanilang apat siya talaga ang pjnakamakulit pati si Isandro. Bagay na bagay silang magsamang dalawa. "Ano ba kasi 'yan, bossing? Nakakatakot naman 'yang sasabihin mo."
Nailing na lang ako at hindi na nagsalita. Sasabihin ko naman pero hindi ngayon. Bibiglain ko dahil gusto kong makita ang mga reaksyon nila. Si Isandro hindi na kailangan biglain kasi nabigla talaga siya, hawakan ba naman si Indie. Sa akin nga hindi nagpapahawak 'yon, iwas na iwas, sa kanya pa kaya.
Nagalit talaga ko nung hawakan niya, lakas ng loob! Makikipagkamay pa ang loko! Ramdam ko rin na natakot si Indie sa kanya, sumiksik na kasi sa akin. Medyo nagulat ako but it feels so good. Sana gano'n na lang siya, what I mean is hindi siya distant at araw-araw kaming nag-uusap.
"I need to know where Art Gallery she's working," I said out of nowhere.
Napatingin ako kay Isandro nang mapagtanto ang sinabi. Kumunot naman ang noo niya. "Art gallery?"
I nodded. "Yes, iyon ang sinenyas niya kagabi. She's working in an Art gallery, doon siya nagpupunta kapag umaalis siya ng penthouse."
"See? Hindi mo kasi muna siguro tinanong ng maayos bago ka nag-conclude diyan. Hindi 'yong kung anu-ano na 'yong sinabi mo sa kanya."
Napahawak ako sa batok ko. Andito pa rin ako sa office nila Isandro at pinapanuod siyang basahin ang mga application form ng mga nagpasa for new batch. Sila Jonathan ay lumabas dahil inutusan ni Tito Mel, kaming dalawa ni Isandro ang natira.
"I apologized to her yesterday," sambit ko.
"And what did she say?"
I shrugged my shoulders. She said it's okay, gusto kong makuntento ro'n pero hindi ako mapakali. I know that I'm fault that's why I apologized. Ngayon na alam ko na kung saan siya nalalagi medyo nakahinga ako nang maluwang, nag-aalala lang talaga ako sa kanya.
"She's really mute," pag-uulit ni Isandro dahil ito rin ang sinabi niya kagabi. Wala naman bakas na pang-iinsulto sa boses niya kaya ayos lang. Kung meron man, aawayin ko talaga siya.
"Yes, Isandro. Pipi siya pero nakakarinig pa naman siya. Bihira na lang ang ganoon, ang swerte niya rin. Iyong iba kasi, nabibingi kapag napipi sila."
"What is it like? Mahirap ba? By just looking at her yesterday, mukha siyang hindi pipi. Ibig kong sabihin, she's so gorgeous, mukhang hindi makabasag pinggan, halatang anak-mayaman. At nung nagtalo kayo, I saw sadness in her eyes. And that was the time I think she's vulnerable inside."
Bumuntong-hininga ako sa narinig. "Binigla kami, Isandro. A dinner night na nauwi sa pirmahan ng marriage license. Nasa mall lang ako that time, then Mommy called me and said na she already in Eataly's."
Napatango naman siya.
"Matagal na niya nasabi sa akin na may irereto siya at 'yon ang gusto niyang ipakasal sa akin. I trust her kaya hindi na ako tumanggi, pero hindi ko akalain na gano'n agad."
"You were expecting something?" he asked, chuckling.
I gave him a nod and smile a little bit. "A grand wedding ceremony like Ambrose?" medyo alanganin kong sambit pero totoo naman 'yon.
"But you're not inlove with her... not yet."
Parehas kaming natawa. To be honest, I like Indie. Ngayon lang ako naging interesado sa isang babae. Naapektuhan ako sa bawat galaw niya. Halos hindi ako makatulog kakaisip kung ayos lang ba siya. I think I've found my other half? Hindi naman ako pusong bato. Naniniwala pa naman ako sa love at forever. Lumaki ako sa pamilyang puno ng pagmamahal, napapaligiran ako ng mga taong mahal ako— sila Ambrose, Isandro pati ang team ko.
"You think mahuhulog ako sa kanya?" tanong ko rito.
Nagkibit-balikat si Isandro. "Siguro? Ewan, hindi natin masasabi talaga pero napansin ko na mahihilig kayo sa masusungit. Iyong asawa ni Ambrose, masungit din. Baka nakatadhana talaga kayo para sa mga masusungit." Napahawak pa siya sa baba niya na parang nag-iisip. "And short-haired girls!" dagdag niya.
Natawa ako muli. Oo nga pala, maikli rin ang buhok ng asawa ni Ambrose tulad ng kay Indie. "We also have the same blue eyes," I said.
"I saw that!" he exclaimed.
"What is your reaction when you know her condition?"
"Nagulat? But it's okay because I can handle someone like her, remember?"
Isandro nodded. "You're really married?" tanong niya na para bang naminigurado.
Tumango ako. "Yes, man."
"And you're planning to have a chruch wedding?"
"Yes."
Alam kong nabigla ro'n si Indie. Lumabas lang din sa bibig ko 'yon dahil sa inis kay Isandro nang hawakan niya si Indie pero totoo lahat 'yon. I'm planning to give her a grand one. Kahit arranged lang kami, gusto kong maranasan 'yon at iparanas sa kanya. Kahit kasal naman na kami hindi ko kukunin ang freedom niya, hindi ko siya ikukulong o pipilitin sa isang bagay na ayaw niya. Respect goes both ways. Hindi ko siya mamadaliin, for now, gusto ko munang makuha ang tiwala at loob niya.
"What's your plan? Mukhang ayaw naman sa 'yo ng asawa mo. Akin na lang kaya? Baka— aaw!" napasigaw siya nang mabilis ko siyang batukan.
"Kay Mona ka na lang, bagay naman kayo."
"No way!"
I rolled my eyes. "Or find another girl, huwag lang ang asawa ko."
Napatingin siya sa akin at ngumisi. "Possessive. Ikaw ba talaga 'yan Weston?" sinundan niya pa iyon ng pagtawa.
I just raised my middle finger. "Friendship is over if that happens."
He laughed. "Chill, I don't have any plans. Ipapanalangin ko na lang ang kaligayahan at haba ng pasensya mo dahil mukhang mahihirapan ka sa asawa mo."
"Kaya ko," sambit ko.
Natawa siya. "Goodluck," he said.
Kinuha ko na lang ang hawak niya at dalawa na kaming inusisa ang mga application form na andoon. Habang nagbabasa ay hindi ko maiwasan na hindi maisip si Indie. I will climb her walls, and I can tame her. She might not easy to handle at first but I will do everything to let the sunshine in and put colors in her life.