Chapter 12

3377 Words
Weston Vega "Sino tinatawagan mo?" Isandro asked. Napatingin ako sa phone at ipinakita 'yon sa kanya. "Si Indie," I replied. Naglakad na kami papunta sa waiting shed na nasa labas lang din ng station at doon naupo. Nagtaka naman siya. "Baliw ka ba? Sasagot ba 'yon? Dapat tinext mo na lang." "Hindi rin nagre-reply." Natawa na lang si Isandro. "Kawawa ka naman po," pang-aasar niya. Sinamaan ko na lang siya ng tingin at pinatay na lang 'yong tawag. Hanggang 8PM pa dapat kami kaso maaga kaming pinauwi ni Tito dahil may mga magshishift na rin naman na. Nagtext na nga ako kanina na ako 'yong nagtetext sa kanya para hindi siya matakot pero wala pa rin. Mukha naman kasing hindi siya humahawak ng phone niya palagi. "So, uuwi ka na sa asawa mo?" tanong niya pa. I grinned. "Are you making fun of me for having a wife?" Kasi kanina ko pa napapansin na nang-aasar siya. Nawala ang mapang-asar na reaksyon ni Isandro at napalitan iyon nang maayos na ngiti. Mas lumapit pa siya sa akin at humawak sa braso ko. "Hindi po," magalang niyang sambit pero mukhang natatawa naman. "Naninibago lang ako pero masaya ako para sa 'yo." Tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko, natawa naman siya. "Arte!" Naramdaman ko naman ang pag-vibrate ng phone ko kaya agad akong napatingin ro'n. Nanlaki ang mata ko nang makita ang name ng contact number. It's Indie! Mabilis akong tumingin kay Isandro at ngumiti nang malaki. "She texted me! She replied!" sigaw ko at sinamahan ko pa 'yon ng tawa. Mabilis kong itinuon ang mata sa phone para tingnan 'yong message niya. From Indie: Next time, introduce yourself first. My lips pouted when I read her message. Mukhang napansin iyon ni Isandro dahil malakas siyang natawa. Iikot na sana ang mata ko sa message niya pero nasundan pa iyon ng tatlong sunod-sunod na reply. From Indie: But it’s okay, I'll just save your number. From Indie: Nasa ground floor ako ng penthouse mo. Yobo café to be exact. Don't worry hindi naman ako nanlalaki. Pumasok ako ng trabaho. From Indie: And please refrain from calling me kasi hindi ko rin naman masasagot 'yan, hope you understand. "Tang'na, wala na. You're blushing! Kinikilig ka, malala ka na." Hindi ko pinansin si Isandro at mabilis na nag-reply kay Indie. To Indie: Just save my number, thank you and sorry for non-stop calling. I'm just worried, maraming siraulo sa paligid. I just want you safe, Indie. Thank you for telling me. Pauwi na rin ako. And I clicked the send button. I still have so many words to say but I refused to put it all in one message because I already imagined her frowning face if she read that. I sigh in relief knowing that she’s okay at nasa building na siya. Kanina pa talaga ako hindi mapakali kakaisip, buti na lang talaga nag-reply na siya. “Iba pala tamaan si bossing.” I heard Jonathan’s voice. “Mukhang nabunutan na siya ng tinik,” Myles said. “Sinabi mo pa, kanina pa ‘yan parang natatae.” Bago pa ako makapagsalita para makausap sila ay nag-vibrate na naman ang phone ko. From Indie: Okay. Did you give my number to your Mom? Nag-text kasi siya sa akin and she told me na if wala raw tayong gagawin, bisitahin natin siya. Hindi ko matanggihan dahil siya na mismo ang nag-reach out sa akin, kaya maaga rin ako nag-out sa work. Si Indie ba talaga ‘to? Ang haba ng reply! Hindi ko alam pero natawa ako at napahilot sa tungki ng ilong ko. Agad akong nag-type ng sasabihin ko sa kanya. To Indie: Wait for me. I’ll just call you if I arrive there. After I hit the send button, tumayo na ako at tumingin sa apat na may ngisi sa labi habang nakatingin sa akin. I remained in my posture and looked at them intently. “I’ll go first. My wife is waiting for me.” Hogan's lips parted. “So, it’s true? You’re married, huh.” I nodded. “You’ll meet her soon. But for now, ako muna.” “f*****g whipped,” Isandro whispered. Sinuntok ko ang tiyan niya kaya napaaray siya. Nakita kong napailing si Myles na para bang hindi makapaniwala. “Hindi ba ‘to joke time?” Hindi ko siya sinagot at tinapik si Isandro sa balikat. “Bye, guys. Let’s just talk tomorrow.” I said then walked away from them. Don’t worry guys, kasi kahit ako hindi makapaniwala. Sambit ko sa isipan ko. Naiiling na tinungo ko ang parking lot at sumakay na sa kotse ko para puntahan si Indie. I think this will be a long night. *** Nang makarating ako sa parking ng condominium ay agad kong tinawagan si Indie. She was just listening to me at pagkatapos ko magsalita ay pinatay na niya ‘yong tawag. Hindi man lang ako hinintay magpaalam, pinatayan agad ako. Iba talaga. Nasa lobby na ako nang mapagpasyahan kong magpunta sa banyo, hindi para umihi kundi para tingnan ‘yong sarili ko kung presentable ba ako o hindi. Nang okay na ay agad akong lumabas, may mga nakita pa akong kakilala sa building lalo na ‘yong mga worker nila Mommy dito sa condo. Yes, this is owned by us. Agad akong dumiretso sa may Yobo cafe. The guard and other staff greeted me as I entered. Ngiti lang ang isinukli ko. Agad kong inilibot ang mata at hinanap si Indie. I saw her on the window side, dahil nakatagilid siya ay kita ko ang ginagawa niya. There’s a small notebook on her desk, she’s holding a pen, leaning down on her desk while writing something. May frappe rin siya sa na nakapatong sa mesa. I wonder what she’s writing. Dumiretso ako sa may counter at um-order ng pagkain. I ordered a pasta carbonara and a garlic dough balls, nanghingi na rin ako ng pitch of water. Hindi ko na dinamihan ‘yong order dahil kakain naman kami kela Mommy. Nakausap ko na rin siya sa may kotse kanina. Sinabi ko na sabay kaming pupunta ni Indie, napatili pa siya kaya natawa ako. I’d feel her excitement when we were talking. Habang hawak-hawak ko ‘yong tray ay nag-angat ng tingin si Indie at nakita ako. Napakurap siya at mabilis na inayos ang gamit niya. Her reaction was kinda cute and I felt that all of my worries vanished when I saw her face. I want to smile but I didn’t do it, baka akalain niya ang creepy ko o ‘di kaya baliw na. I keep my serious face but not the scary one, just a calm one. When I reached her table,I felt the tension between us because of her blank face. Nang ilapag ko ang tray ay nagsalita na ako. “Hi? I ordered something—” She cut me off looking at my lower body. “Is that a gun?” she asked using her hands. Hindi ko mabasa 'yong nais iparating ng mga mata niya. Umawang ang labi ko. Agad kong kinapa ‘yong leg holster ko, andoon pa 'yong baril ko. "I just came from my duty. Nakalimutan ko lang tanggalin," I said to her. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin at itinuon ang pansin sa frappe na iniinom bago bumalik ng tingin sa akin saka sumenyas. "Can you remove it? Hindi kasi ako komportable makakita ng baril, pasensya na." Habang sumesenyas siya ay ramdam ko 'yong kaba sa kanya. Mabilis akong umupo sa harapan niya at doon na tinanggal 'yong leg holster ko. Nang matanggal ay napatingin ako sa paligid. Napansin kong may napapatingin sa amin at nang balingan ko si Indie ay nakayuko siya habang iinom. I let out a sigh. It looks like she's not really into public places lalo na kasama niya pa ako. Halatang naiilang siya. Inabutan ko siya ng plate kaya napatingin siya ro'n. "Nag-order na rin ako para sa 'yo." Kanina pa lang ay ramdam kong tatanggihan niya pero nagkamali ako. Kinuha niya iyon at mas nilapit sa kanya. Inabutan ko rin siya ng fork at baso saka nilagyan ng tubig. "Magkano 'to?" she signed. I gritted my teeth. "Don't bother, it's my treat." Nailing siya at sumenyas. "Let me pay—" I cut her off. "Kapag sinabi kong huwag na, huwag na. I don't let someone with—" "I'll pay," she insisted. Iyong tingin pa niya ay parang sasapakin pa ako kaya napabuntongtong-hininga ako. Kapag ganyan hindi na ako makikipagtalo pa. Sa ilang linggo namin na magkasama, kahit hindi ko pa siya gano'n nakikilala, ino-obserbahan ko talaga siya kaya kahit papaano ay may mga alam na ako sa bawat galaw niya. Napangisi ako. "Sure, that's interesting. I never had a girl pay for my meal. But this will be the first and last time, Indie." Halos magtayuan ang balahibo ko nang gantihan niya rin ako ng pagngisi. "Never had a woman like me that pays for your meal, ha? Poor you," she signed, then her smirk turned into a small smile. Parang gusto kong pumalakpak sa nakita. "Ngumiti ka," mahina kong saad. Nailing siya at bumalik na naman sa dati ang mukha niya. She's beautiful when she smiles! Napasimangot ako dahil mukha na naman siyang kakatay ng tao. Maldita talaga! Kapag ganyan mas lalo akong naaakit! "Ang ganda mo kapag ngumingiti," bulalas ko. "You should smile more often," I added. She didn't react and started to eat the pasta. Hindi na rin ako nagsalita at kumain na. Napansin ko na halos maubos na niya 'yong garlic dough balls, mukhang nasarapan siya. Alam ko rin na ayaw niya sa buong paligid ng loaf bread. Ilang beses ko nang nakita sa trash bin 'yong sides ng loaf bread. When we finished our meal, she started to walk away. Humabol ako sa kanya habang hawak-hawak sa gilid ko 'yong baril. Mukhang ekis pa ata sa kanya ang pagiging pulis ko. Ayaw niya makakita ng baril. Why? Does she have any reasons? Hindi na ako magtataka kung darating 'yong araw na may lalabas na balita tungkol sa akin na ini-snob ng ka-date. Hindi nila alam asawa ko mismo 'yong umiiwas sa akin. Napatigil ako nang huminto si Indie at humarap sa akin. Napaatras ako dahil tatama siya sa akin. Kumunot naman ang noo niya. Humigpit ang hawak ko sa leg holster ko. "You go first, nasa likod mo lang ako," senyas niya at ini-stretch pa ang kamay na para bang pinapauna ako. Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Mabagal lang naman ang lakad ko at halos lahat ng nakakasalubong ay napapatingin sa pwesto namin. I know that I'm handsome, that's why they're looking at me. Magandang lalaki naman ako, nakikita kaya 'yon ni Indie? The first time I saw her, she never looked at me like those women I dated back looked at me. Malamig, walang emosyon at akala mo ba ay pinapatay na niya ako sa isip niya. Parang walang effect 'yong sangkatauhan ko sa kanya. Hanggang sa makasakay kami sa sasakyan ko ay tahimik si Indie. Inilagay ko na lang sa backseat 'yong leg holster at baril ko. Akap-akap ni Indie 'yong crossbody bag niya at habang nakatingin sa bintana. "Anong sinabi sa 'yo ni Mommy?" I asked her while fixing the rear mirror. Napatingin siya sa akin. Ilalapag niya sana sa paanan niya 'yong bag niya but I pointed the backseat. Ginawa naman niyang ilagay sa likod. She looked at me then signaled. "Wala naman. Can we go to a bakeshop? Gusto kong bilhan ng cheesecake ang Mommy mo. Wala kasi akong type sa Yobo kanina kaya wala akong nabili." "Sure! Sure!" Sinabayan ko pa 'yon ng pagtango at nagsimula nang magmaneho. Dahil kela Mommy naman kami pupunta ay mah nadaanan kami sa highway na Drive-thru na Bakeshop kaya doon na kami bumili. Ako na ang nag-order at dahil si Indie ang nagsabi ay siya na ang nagbayad. Um-order na rin ako ng ibang pastries para pasalubong. Indie helped me put it in the backseat. Habang tinatahak namin ang village ay napatingin ako sa kanya. Sumenyas siya. "I'm nervous." "Do you want to go home?" tanong ko. Nailing siya at tumingin sa akin. "I think I'll be fine, mawawala rin 'tong kaba ko." Mahina akong natawa sa senyas niya. Malayo pa lang ay nakita ko na ang bantay sa labas ng bahay. Bumusina ako at pinagbuksan ako ng gate. Tinahak pa namin ang mahabang daan. Sa magkabilaan ay may bermuda grass at may pailaw pa. Napansin ko na parang hindi mapakali si Indie kaya binagalan ko ang pagmamaneho. "Indie," I called her. With arched brows, she looked at me. "It'll be okay, my Mom is not a dragon, hindi siya nangangain." Natatawa kong sambit. Sumama ang tingin niya sa akin. "But kidding aside, my Mom loves you kahit na ilang linggo pa lang 'tong sitwasyon natin. She's looking forward to this kaya alam ko ang nararamdaman niya ngayon. She's excited kaya pakihanda na ang sarili mo sa kakulitan ni Mommy." She slowly nodded. I continued driving. Natanaw ko na ang bahay namin at bukas ang lahat ng ilaw. May ibang maid pa na naglalakad sa labas. Inihinto ko ang kotse sa malaking space sa tapat. Dalawang beses pa akong bumisina bago ko pinatay ang makina. Bumaba muna kami ni Indie saka ko binuksan ang backseat at kinuha namin 'yong mga pinamili. Halos ako na ang nagbitbit lahat dahil sa bag niya. "Oh my gosh! Dad, andito na sila!" Malayo pa lang ay naririnig na namin ang boses ni Mommy. Halos mapatalon pa si Indie sa kinatatayuan niya kaya natawa ako. "Madaldal talaga si Mommy, pasensya na." She signed. "May pinagmanahan ka." I crunched my nose and smiled a bit. "You're right." Nagpatuloy na kami maglakad hanggang sa makarating sa pintuan namin. My Mom is wearing a yellow dress and Daddy is wearing a polo-shirt and a tokong. Agad na sinalubong ni Mommy ng yakap si Indie. I noticed that Indie's outfit looks good on her. She's wearing wide-leg pants, a fitted long sleeve and sleeveless drape cardigan na hanggang tuhod din. "Hi, Dad!" bati ko sa kanya at saka siya niyakap. "You came from duty?" he asked. I gave him a smile. "Yes po, then I fetched her." Daddy tapped my shoulder. "Good," he said. He looked at Indie na halatang nahihiya. "Hello, iha. Ayos ka lang ba?" he asked softly. Indie nodded then moved her hands. "Opo, kagagaling ko kang din po sa art gallery." "Galing din siya sa work. Buti kinulit ko siya sa message kaya nasabi niya rin sa akin na cinontact siya ni Mommy." Weeks ago, I had a talk with my parents regarding Indie's condition. Simula palang talaga ay alam na nila. Hindi lang nila sinabi sa akin kasi hindi sila sigurado sa magiging reaksyon ko. My mom was worried that I might ranaway, that's why she never told me any single details about Indie except that she's a good woman. Well, she's right. Indie's a good woman kahit na ang sungit-sungit sa akin. Tumulis ang nguso ko nang makita na grabe makangiti ang babaeng 'yon habang kinakausap ni Mommy. Mommy knows how to talk with person like Indie kaya kahit hindi siya marunong sa sign language ay magkakaintindihan sila. Kahit na ngayon pa lang sila magkakausap nang malapitan ay kita ko ang tuwa kay Mommy kahit na nahihiya pa si Indie. "Winona's not here," Daddy said. "I bet she's on a vacation." Daddy nodded. "Gala talaga 'yong bata 'yon kahit na ang dami niyang ginagawa. Multi-tasking daw," sambit ni Daddy. "Syempre, kanino pa ba magmamana? Ganyan din si Mommy. Hulaan ko next week aalis na naman kayo." Nang tumango si Daddy ay natawa na lang ako. My Mom loves travelling, it's because she never did that when she was younger, puro kasi siya aral at trabaho talaga. Nakapagtravel lang siya no'ng ikasal sila ni Daddy. Strict din kasi sila lola kaya gano'n. At ngayon ay nilulubos-lubos na ni Mommy. "Mommy, kalmahan mo naman. Kanina pa tumatango si Indie at baka mangalay na siya sa 'yo." I saw Indie's face turn red. Mommy pouted her lips like a kid then hit my shoulder then I whined. "Ayos lang naman daw sa kanya!" "Mapapagod siya," sambit ko. "Ngayon lang naman!" aniya. Napakamot na lang ako sa batok, gano'n din si Daddy. "I can translate her sign language." "Baka mamaya ibahin mo naman," Mommy bragged. Hindi na namin napigilan ni Daddy si Mommy hanggang sa ito na ang napagod at nag-aya nang kumain. I asked Indie if she's still full because we ate earlier in Yobo, she said it's okay if she'll have dinner now. Inasikaso ko si Indie habang si Mommy ay nakikipagtalo pa kay Daddy. I gave her an apologetic look and she just smiled. Naging maayos ang dinner namin hanggang sa matapos. Nagpaalam si Mommy na hahatakin niya muna si Indie sa library dahil nalaman niyang mahilig ito magbasa. Hindi na ako magtataka kung pagbaba ni Indie ay may dala na siyang libro. Mommy also loves reading just like Indie. Talagang magkakasundo sila, sana lang talaga ay hindi mainis o mainip si Indie kay Mommy. "Ayos naman ba kayo?" biglang tanong ni Daddy. Nasa living area kami ngayon at umiinom ng wine. Nagkibit-balikat ako sa narinig. "Fifty-fifty, Dad." Napakunot naman ang noo niya. "What do you mean?" Napatingin ako sa kanya. "Pagbalik sa penthouse mamaya, we're strangers again. That's our everyday routine. Siya nga ang nagpumilit pumunta rito dahil nahihiya raw siya kay Mommy. Sa penthouse naman, hindi talaga kami nagkakausap, hindi ko siya naabutan sa umaga at gabi. Kung magkakasalubong man, isang tanong lang tapos ayos na." Daddy sipped his wine and talked after. "I think you've found your match." I chuckled. "She's the opposite of myself. Tahimik, maldita, kaya ka niyang hindi kausapin ng ilang linggo, ang lamig-lamig ng mata, laging walang emosyon. Minsan nga iniisip ko, kinukulam na niya ako sa utak niya." "I guess it's because of her condition kaya siya tahimik? What do you think?" sunod-sunod niyang tanong. "She's distant because she thought that people would take advantage of her? Harm her? Gano'n ba, Daddy?" Nagkibit- balikat siya. "Possible," he answered. "Hindi naman ganyan 'yong kamag-anak natin. She's bubbly and friendly." I said. "Hindi lahat magkakaugali, Weston." Tinapik ni Daddy ang balikat ko. "May rason kung bakit namin kayo ipinasok sa ganito. Alam namin na mahirap para sa inyo, pero masasanay din kayo. Just be good to your wife, may tiwala kami ng Mommy mo sa 'yo. Paniguradong mahihirapan ka sa kanya pero habaan mo lang ang pasensya mo." Bumagsak ang balikat ko. "Wala atang talab ang kagwapuhan ko, Daddy." Malakas na natawa si Daddy. "You think so?" Tumango naman ako. "Sa ngayon siguro wala pa, pero baka malay mo sa susunod!" natatawang sambit niya. "Maakit nga," bulong ko. "Just don't do shits, Weston." Nailing na lang si Daddy at nagpatuloy pa ang kwentuhan namin. Ilang minuto pa ang lumipas at na-bore na ako kaya nagpaalam ako kay Daddy na aakyatin ko na muna sila Mommy. Bukas ang pintuan ng library kaya agad akong pumasok. Nakita kong parang nagpupunas si Indie ng mata niya kaya kumunot ang noo ko. Agad akong nakita ni Mommy at nanlaki ang mata niya. "Oh! Bakit andito ka?" "Ang tagal niyo," sambit ko. Kinurot ni Mommy ang tagiliran ko pagkalapit ko sa kanya. Agad kong napansin ang basang mata ni Indie, hindi siya nakatingin sa akin dahil nakatagilid siya. "Hey, are you crying?" I asked her. Hahawakan ko na sana siya sa balikat nang tapikin ni Mommy ang kamay ko. "Oo, pinaiyak ko siya." Nanlaki ang mata ko. "Mom! Ano ka ba naman!" Pinanlakihan ako ni Mommy ng mata at niyakap si Indie sa harap ko. "She's just happy that's why." Pakiramdam ko ay may sinabi sa kanya si Mommy habang wala kami kaya siya ganito. Gusto ko pa sana magtanong kaso makulit ang nanay ko at pinapatahimik ako. Lumabas na kami ng library at nauuna si Mommy maglakad habang nagsasalita mag-isa. I looked at Indie and spoke in a soft voice. Her face is flushed. "Are you okay?" She just gave me a nod, and for the first time in three weeks with her… my wife flashed a heavenly smile.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD