May dalawang pares ng mga mata ang matiim na nakamasid sa di kalayuan. Mula sa kanyang kinatatayuan ay natanaw nito ang paglabas ni Cloudio Montañez mula sa ICU room. Kaagad nitong kinakausap ng masinsinan si Brad ngunit mabilis na itong nakatakbo sa loob at kasunod nito ang pamilya ni Chiza.
“Ano kayang nangyayari kay Chiza? Bakit ganon nalang ang reactions nila at nag-iiyakan pa? Ohh no! Patay na kaya si Chiza? Hindi! Ayokong maging kriminal! “ Impit na iyak ni Sheila sa pagpipigil.
Lugmok na naiwanan si Cloud at labis na ngayon ang kanyang pag-alala ng umiiyak ito. Sinisisi nito ang kanyang sarili sa pagkabigo nitong mailigtas ang buhay ni Chiza. Kaya kaagad itong naunawaan ni Sheila ang mensahe nito dahil halos sabay-sabay ng nag-iiyakan yong mga kaibigan nito na matyagang naghihintay sa labas ng ICU.
“Ohh..God! She died already? “ Laking gulat na tanong ni Sheila sa kanyang sarili ng makumpirma n'ya ito. Natutop nito ang kanyang sariling bibig para mapigilan ang impit nitong pag-iyak. Sa sobrang takot nito’y kaagad n’yang nilisan ang kanyang kinatatayuan pero sa pagmamadali’y may nabunggo itong tao at muntik pa s’yang matumba. Kaagad naman na nakabawi ng balanse kaya nagpatuloy na lamang s’ya sa kanyang paglalakad ngunit nagsalita ang nakabunggo sa kanya.
“You’re alright, Miss? “ Nag-aalalang tanong ni Myco pero huminto lang ito saglit at muling nagpatuloy sa kanyang paglalakad susundan pa sana n’ya iyong babae dahil nahihiwagaan s’ya sa mga ikinikilos nito pero hindi na natuloy kasi umiiyak ang kanyang asawa na si Olympia Gosiaco habang papalapit sa kanya.
“Hon! Sino yong kausap mo kanina at parang nagmamadaling umalis? “ Tanong ni Olympia habang pinapahid nito ang kanyang mga luha.
“I don’t know hon. Why the hell you’re crying Olympia? “ Puno ng pag-alala nitong tanong tsaka kinabig ang kanyang asawa para yakapin ito ng mahigpit.
“Hon.. Chiza passed away! “ Hindi na napigilan ni Olympia ang humagolhol ng iyak habang kayakap nito ang kanyang asawa.
“C’mon hon. Stop crying. Tara na doon tayo malapit sa kanila para makausap ko rin si Cloud tungkol kay Chiza. “ Akay ni Myco kay Olympia palapit sa ICU room at pinaupo na rin sa bakanteng upuan.
Lumapit ito kay Cloud at marahang tinapik nito ang balikat. “Pre, hwag ka ng umiyak ginawa n’yo naman ang lahat para mailigtas si Chiza. “
“What happened to Chiza? “ Sabat ni Mariz na kakarating lang kasama nito ang kanyang kasintahan na si Isaiah Vijandre.
“Mariz, calm down. “ Agad naman na saad ni Polly at inalalayan pa itong umupo sa kanyang tabi.
“Then tell me what happened to Chiza? Nag-alala ako ng iniwan n’ya kami sa opisina ni Reid kanina habang naghihintay kaming matapos ang kanilang close door meeting. “ Labis ang pag-alala sa boses nito.
“Mariz h’wag kang mabibigla ha pero patay na si Chiza kani-kanina lang. “ Malungkot na singit ni Tamara sa kanilang usapan.
“Totoo po ba yan Ate Tamara? Impossible po kasi ‘yan dahil nakakausap ko pa s’ya kanina kasama namin si Chiza habang naghihintay matapos ang meeting nina Reid at Myco.
“What do you mean by that Mariz? “ Nagtatakang tanong ni Myco at lumapit narin sa kanya.
“I might be creepy and weird Myco but I’m seriously talking to Chiza earlier. Pumunta kami ni Sai sa office ni Reid kanina para sana kausapin kayong dalawa at kasama namin si Chiza pero nauna na silang umalis ng kasama n’yang lalaki. It was her soul talking to me and she’s asking some help inorder to accomplished her mission.“ Malungkot na kwento ni Mariz.
“Pareho kaming nag-alala sa kanya kaya sinundan namin s’ya dito sa hospital kaso natagalan lang kami sa byahe. But not knowing hindi na pala namin s’ya maaabutang buhay. “ Dagdag pa ni Isaiah at inakbayan na nito ang kasintahan.
“Wait! Hindi s'ya pwedeng mamatay may mission pa s’yang dapat tapusin upang makabalik na s’ya kaagad sa kanyang katawan. “ Nagmamadaling tumayo at pumasok si Mariz sa loob ng ICU room.
“Mariz!! “ Sigaw ni Saskia para pigilan sana ito.
Pero hinayaan na lamang nila itong makapasok sa loob ng ICU room. Ngunit nagimbal ang mundo ni Mariz ng masaksihan nito ang kasalukuyang pangyayari sa loob at nakita n’yang umiiyak si Brad habang yakap-yakap nito si Chiza. Maging ang nanay at kapatid nito’y umiiyak na din sa pagdadalamhati nito sa kanyang pagkawala.
“Chiza!! Hon..please wake up! You can’t leave me now. I need you and I can’t live without you. We need you hon so please..gumising ka na para sa magiging baby natin.” Pagmamakaawa ni Brad habang kayakap nito si Chiza at umiiyak pa sa sobrang pighati.
Lumapit si Reigan para damayan ang kanyang kaibigan na nagdadalamhati ngayon sa pagkawala ni Chiza. Maging ang ibang mga Doctor at Nurse na kasama sa operation ni Chiza ay labis din ang kalungkutan para sa kanilang naiiwan.
“Tama na Brad, we did our best pero hindi na namin nagawang iligtas pareho ang iyong mag-ina. But the baby’s still alive inside her. We need to induced then the baby. I’m sorry Brad.“ Diretsang saad nito na mas lalo nagpapaiyak sa nagngangalang Brad at sa lahat na nandoon sa loob ng kwarto.
“What? The baby’s still alive inside her? “ Biglang tanong ni Brad?
“Yes. “ Tipid na sagot ng isang Doctor .
“Anong pwedeng mangyayari sa apo kung wala na ang anak ko? Mabubuhay pa ba sya? “ Nalilitong tanong ng ina ni Chiza.
“A fetus can only survives within 5-10 minutes inside her since the fetus is completely dependent on the mother’s circulation to provide air and food to the Placenta. But it’s already 15 minutes passed there’s possibilities no more supplied oxygen.“ Explained by the Doctor briefly.
“What should we do now? I want my baby alive. Is it possible, Doc.? “ Malungkot na tanong ni Brad sa Doctor.
“We’re very sorry Brad but we need to induce the baby or there’s another option the coffin birth. “ Reigan said.
“What do you mean by that? “ Nagtatakang tanong ni Brad.
“Wait, she’s still alive! “ Singit ni Mariz at agad na lumapit kay Chiza.
“What the h*ll your talking about Mariz? “ Reigan asked.
“Doc Pogi, believe it or not she’s still alive. Ramdam ko ang presence n’ya andito lang s’ya sa paligid. Babalik s'ya sa atin kaya bigyan pa natin si Chiza ng 30 minutes, please Brad? “ Pagsusumamo naman ni Mariz.
“Hija sigurado ka bang babalik pa ang anak ko? Mabubuhay pa s’yang muli? Pero paano ang apo ko? Baka s'ya naman ang mamatay after 30 minutes. “ Lalong humagolhol ng iyak ang mommy ni Chiza at yumakap na lamang kay Jenzi na tahimik lang sa pag-iyak at nakaalalay lamang sa kanilang ina.
“Please magtiwala lang tayo sa Panginoon at h’wag tayong mawalan ng pag-asa. She’ll received a healing miracle for her mission and most of all for the baby and her family. “ Naiiyak na saad ni Mariz at hinawakan ang kamay nito.
Tumayo si Brad para bigyan daan si Mariz na makalapit mismo kay Chiza. Hawak ang kamay nito at pahikbi-hikbing nagsasalita.
“Chiza, hindi ako naniniwalang patay na nga, iniisip ko lang naman comatose ka lang di ba? Kailangan mo lang matapos ang mission para makabalik ka na sa’yong katawan. You’re a real fighter Chiza kaya andito lang kami naghihintay sa’yo. Lord, give us all a good sign that she’s coming back to us. “ Munting panalangin ni Mariz at tuluyan ng umiyak ang lahat na nakapaligid.
Just believe in miracle and always have faith in God. Prayers are everyone’s armor and strong weapons for survival.