Hindi lamang si Mariz ang taimtim na nanalangin para sa isang himala. Habang ang lahat ng nasa loob ng ICU room ay nag-aalay din ng taos-pusong pananalangin para kay Chiza. Muling lumapit si Brad at niyakap nito ng mahigpit ang kanyang asawa habang patuloy parin ito sa pag-iiyak.
“Hon, you’re still alive right? I’m here waiting for you to be back, please my love come back to us. We need to fulfill our dreams to have a family and now it’s granted hon.. so please don’t leave us like this. Our baby needs you more than I needed you most. You’re soon to be a mother and we’re now going to be a perfect family. Lord please give us another chance to fulfill our lives together. I love my wife so much. “ Hindi na kinaya pa ni Brad ang pagpipigil kaya binuhos na n’ya ang mga luhang nag-uunahan sa pagpatak.
Nakayukyok na si Brad sa balikat ng kanyang asawa habang umiiyak at yakap-yakap ito kaya hindi nito napansin ang mga luhang naglandas sa pisngi ni Chiza. Kaya ang laking gulat ni Reigan ng makita n'ya mismo ang pagluha nito at maging paggalaw ng mga daliri nito sa kaliwang kamay na naipit ni Brad.
“Oh, Jesus Christ. She’s alive! “ Sigaw ni Reigan at kaagad na lumapit kay Chiza upang icheck ang pulso nito at tsaka muli itong nagsalita. “Please clear the room, A.S.A.P! “ Mando ni Reigan sa lahat na nandoon para maasikaso kaagad nila ang pasyente.
“Buhay pa ang anak ko..Chiza anak lumaban ka para sa amin at sa magiging apo ko. “ Tuloy ang pag-iyak ng kanyang ina pero luha ito sa labis na kaligayahan. Kaagad naman na lumabas ang lahat maliban sa mga Doctor at Nurses na nagmamadaling inayos ang kanyang life support machine at muling kinabitan din ng dextrose.
Hindi iniwan ni Brad ang kanyang asawa hanggang sa matiyak na nitong normal uli ang kanyang vital signs. Hindi makapaniwala ang lahat sa milagrong nangyayari kay Chiza. Kahit ang dinadala nitong sanggol sa kanyang sinapupunan ay buhay na buhay at aktibo sa loob.
“That was a real miracle for your wife Mr. Crawford. In my 20 years of service as a licensed Doctor this is my first encounter of saving life from death and then back to life. Jesus Christ, we praise and thank you for giving her life back. Congratulations! “ Naiiyak na sabi ng isang Doctor.
“Take good care of your wife, Brad! “ Marahang tapik ni Reigan bago ito lumabas ng kwarto kasabay ang ibang Doctor at Nurse na nag-aasikaso kay Chiza.
Nasulo din ni Brad si Chiza pagkalabas ng lahat. “Hon, thank you at bumalik ka para sa'min. Hindi mo kami iniwan ng tuluyan at tinupad mo ang pangakong mabubuo ang ating pamilya at magiging isang mabuting ina. “ Madamdaming pahayag ni Brad at hinahalik-halikan pa nito ang kaliwang kamay ni Chiza.
“Lord, salamat po sa ipinagkaloob n'yo pong himala para sa asawa at magiging anak namin. Buong buhay ko po itong ipagpapasalamat sa inyo aming Panginoon. Mula sa araw na ito, gagawin ko po lahat ng aking makakaya para magampanan ang aking tungkulin bilang isang mabuting asawa at ama. Maraming salamat po Panginoon! “ Bukal sa pusong panalangin ni Brad at muling niyakap si Chiza bago ito lumabas para makapagpahinga muna.
Maayos na ang kalagayan ni Chiza at wala na ito sa critical na condition hinihintay na lamang ang kanyang paggising. Kaya maituturing na isang magandang balita ito para sa lahat. Masayang-masays ang buong pamilya at mga kaibigan ni Chiza dahil sa nabigyan ito ng pagkakataong mabuhay muli.
Ngunit sa kabila ng kasiyahan dahil sa muling pagkabuhay ni Chiza may mga nilalang naman ang hindi natutuwa, si Sheila at ang kasintahan nitong si Benjie na s’yang utak at salarin sa pagkadukot kay Reiven Creo Alleje. Hanggang ngayon kasi hawak pa rin nila ang bata at under negotiations pa ang pagrescue sa kanya dahil hindi lang ito basta-bastang kidn*pped for ransom. It involves personal and illegal activities of the alleged kidnappers and the Alleje’s.
********
“Where have you been, Sheila? “ Benjie asked hysterically.
“I went to the hospital and checked about the status of Chiza. “ May bahid na lungkot sa kanyang boses.
“Para saan ang kalungkutan na yan? Oh c’mon dear ngayon ka pa ba tinubuan ng konsensya? Ikaw ang dahilan kung bakit naaksidente si Chiza. Dapat nga maging masaya ka na ngayon dahil nakaganti ka na sa kanya. “ Sarkastiko nitong tawa at matiim na tinititigan si Sheila.
“Oo ninais kong makaganti sa kanya pero hindi ko naman gugustuhin ang kanyang kamatayan. Kahit pa may galit ako sa kanya dahil inagaw n’ya ang pinakamamahal kong si Brad. Hindi kaya ng aking konsensya ang makapatay ng tao. “ Wala sa sariling sagot ni Sheila. Ngunit hindi ito ikinatutuwa ni Benjie ang kanyang sinabi.
“Anong ibig mong sabihin? Babaliktarin mo na ba ako ngayong patay na si Chiza? Hahabulin mo na naman ang hinayupak na ‘yon dahil malaya na s’ya ngayon? Sagot! “ Sigaw ni Benjie sa kanya at diniinan pa nito ang pagkahawak sa kanyang mga braso.
“Aray ko, Benjie! Nasasaktan ako tama na bitawan mo nga ako. “ Naiiyak ng pagpupumiglas ni Sheila sa pagkakahawak nito.
“Sa tingin mo ba matatakasan mo pa ako? Pwe! Mananatili ka sa tabi hanggang sa aking kamatayan. Tandaan mo yan! “ Galit nitong binitawan si Sheila.
“Ano ba yang mga pinagsasabi mo ha? Wala akong balak na iwanan kita kaya pwede ba kumalma ka nga. Gusto ko lang makaganti kay Chiza at masaya na’ko ngayon dahil patay na s’ya. At wala akong natitirang pagmamahal para sa kanya puno ng galit at maghihiganti ang nasa puso ko. “ Matatag na sagot ni Sheila para pakalmahin lamang ito.
“Magaling! Dahil may pinaglalagyan ang mga taong sumusuway sa utos at kagustuhan ko kaya ipasok mo yan sa’yong kukute kung may pagmamahal ka pa sa sarili mong buhay. “ Banta uli ni Benjie sa kanya at madiin pa nitong hinahawakan ang kanyang pisngi tsaka marahas na itinulak sa isang bakanteng upuan.
Iniwanan s’yang mag-isa na nanginig sa sobrang takot si Sheila dahil sa mga pagbabanta na nito sa kanya. Kahit balot na s’ya ng takot mas pinili n’yang maging matatag para sa kanyang sarili at ang kaligtasan ngayon ni Reiven Creo Alleje laban sa kanya. Mahirap na kalaban ang isang Benjie Torresalva kaya kailangan nitong maging maingat at patunayan nitong tunay s’yang kakampi. Pero sa sarili n’ya tanging luha lang ang kanyang karamay sa pag-iisa.
Naging sakim at mapaghigante man si Sheila pero malambot naman ang kanyang puso at hindi kaya ng kanyang konsensya ang nangyayari ngayon kay Chiza at habang buhay n’ya itong pagsisihan na ipahamak ang babaeng pinakamamahal ni Brad na sobrang Mahal nito. Pero hindi pa huli ang lahat para sa kanya dahil may pag-asa pa s’yang magbago at ‘yon ang gagampanan n’ya ngayon.