Nagising si Sheila sa malakas na tawanan ng isang babae at ni Benjie mula sa labas ng kanilang kwarto. Kaya napabalikwas s’ya ng bangon para silipin kung sino ang babaeng kausap nito. Ngunit nagulat s’ya sa kanyang nakita dahil si Ysabelle pala ang kanyang kausap o sa madaling salita kalandian. Pero mas lalo s’yang hindi mapakali dahil nakaupo ito sa hita ni Benjie habang ikinawit pa ang mga kamay sa leeg at walang hiyang hinalikan ito ng mapusok sa labi.
Hindi mawari ni Sheila ang kanyang nararamdaman ng makitang tinugon din naman ito ni Benjie at niyakap pa ng mahigpit si Ysabelle. Kinurot ng pino ang kanyang puso sa nasaksihan kaya minabuti na lamang n’yang isara ang pinto tsaka sumandal dito para mapakinggan na lang ang kanilang usapan mula sa labas.
“Do you like it Darling? “ Ysabelle asked in her sexy tone.
“As always Ysabelle, you never disappointed me dear such a great kisser. But I can’t justify now the way you move with me in my bed. “ Teasing smile and gently squeezed her legs.
“Ohhh.. C’mon Darling I’m too weak to resist with your charm. “ She gently bite her lips and give him a seductive smile.
Sobrang inis ni Sheila sa kanyang mga narinig at lalo pang nasasaktan ang kanyang pride kaya bigla n’yang binuksan ang pinto at lumabas ng kwarto tsaka pabagsak na isinara ang pintuan. Parehong nagulat sina Benjie at Ysabelle kaya biglang napatayo ng tuwid ang babae.
“Oppss.. I’m sorry I didn’t know that you’re having fun already. There’s a lot of empty rooms here or even your own bedroom Mr. Torresalva I’m already wide awake. “ Sarkastikong saad ni Sheila at tuluyan na silang iniwan.
“Sheila! “ Sigaw ni Benjie para pigilan ito at sundan sana pero napigilan na s’ya ni Ysabelle at niyakap pa ng mahigpit.
“Hayaan mo na s’ya Darling let’s have some fun inside your room. “ Mapanuksong saad ni Ysabelle at pilit na hinila ito papasok sa kwarto kung saan lumabas si Sheila.
Nagpatianod na lamang si Benjie at sumunod na mismo kay Ysabelle papasok sa kanyang kwarto. Samantalang si Sheila naman ay pilit na pinapakalma ang kanyang puso’t damdamin na nasasaktan dahil kay Benjie pero malabo na itong mangyayari pa kasi pinagpalit na s’ya nito kay Ysabelle.
Pangalawang kabiguan na naman ito para kay Sheila kaya sobrang sakit pero kailangan n’yang magpakatatag para makalaya ng tuluyan sa kasakiman ng taong natutunan na n’yang mahalin. Kahit masakit para sa kanya kailangan nitong supilin ang nararamdaman n’ya para kay Benjie.
Nagpasyang lumabas si Sheila para muling dalawin si Chiza pero bago s’ya umalis ng Townhouse dumaan muna s’ya sa kwartong pinagkulungan kay Creo para dalawin 'yong bata at tignan ang kalagayan nito.
“Tita Sheila mabuti naman po at dinalaw n’yo po ako dito nalulungkot na po ako ng sobra. Miss na miss ko na po si Mommy at Daddy gusto ko na pong umuwi tulungan mo naman po ako Tita. “ Pagmamakaawang bungad ng bata pagkapasok pa lang ni Sheila sa kwarto.
“Creo h’wag ka ng mag-alala makakalaya ka narin dito pangako ko ‘yan sa’yo kaya sa ngayon sundin mo lang lahat ng gusto ni Benjie para hindi s’ya maghinala sa atin. “ Niyakap ng mahigpit ni Sheila ang batang Alleje.
“Salamat po Tita Sheila magpapakabait po ako sa kanila at hihintayin ko po ang tutulong sa atin na makalaya dito hindi po kita iiwan dito. Sinasaktan ka po ni Tito Benjie kaya nararapat lang din po na lalayas ka na rin dito. “ Ganting yakap naman ni Creo habang umiiyak.
“H’wag ka ng umiyak ha Creo kailangan mong maging matatag at magdasal ka kay Lord para iyong kaligtasan dito. Kailangan ko ng umalis dadalawin ko lang muna si Chiza sa hospital. “ Paalam ni Sheila sa kanya at tumayo na para magtungo sa pintuan.
“Tita bakit po nasa hospital si Tita Chiza? Ano pong nangyayari sa kanya? “ Inosenteng katanungan ni Creo.
“Naaksidente sa sasakyan si Chiza two weeks ago kaya nasa hospital s’ya ngayon at comatose pa nga ang status n’ya sa hospital. “ Sagot n’ya kaagad sa tanong ni Creo patungkol sa kalagayan ni Chiza.
“Kawawa naman po pala si Tita Chiza sana po magigising na s’ya agad. Mag-iingat din po kayo Tita Sheila at ikamusta n’yo na lamang po ako sa kanya. “ Malungkot na paalam din ni Creo bago tuluyang lumabas si Sheila.
Sinasamantala ni Sheila ang pagkakataon na makalabas ito na di maghihinala o magtatanong si Benjie kung saan ito pupunta kaya kaagad na itong sumakay sa kanyang kotse papunta sa St. Lukes Medical Hospital. Nasa parking lot na s’ya ng mapansin ang sasakyan ni Brad na paalis sinundan muna n’ya ito ng tanaw bago lumabas sa kanyang sasakyan.
Kaagad na pumasok si Sheila sa loob ng hospital at nagtuloy sa ICU kung saan nakaconfined ito ngunit wala na doon si Chiza. Pumunta s'ya agad information area para ipagtanong ang room number nito.
“Nurse, maaari bang magtanong? Saan na po ba nalipat yong pasyente sa ICU na si Chiza Crawford? “ Tanong ni Sheila sa Nurse in charge ng information.
“Kahapon lang po nalipat sa private room 205 sa second floor. Visiting hours pa naman po kaya pwede na po kayong dumiritso doon. “ Nakangiting instructions ng Nurse sa kanya.
Habang naglalakad patungong elevator iniisip na n’ya ang sasabihin kay Chiza at Brad hanggang sa magbukas ang elevator ng second floor. Lumabas na s’ya at hinahanap agad ang room 205. Hindi n’ya alam kung anong gagawin ng marating ang private room ni Chiza. Humugot ng malalim na hininga si Sheila bago pa s’ya kumatok sa pintuan. Pagkatapos ng tatlong katok ay may nagsalita mula sa loob.
“Pasok ka nalang bukas po iyang pinto. “ Sagot ng isang ginang mula sa loob.
Binuksan ni Sheila ang pinto at pumasok tsaka sinara ang pinto. Hindi kinaya ng kanyang damdamin pagkakita sa tunay na kalagayan ni Chiza kaya mas nais na nitong lumabas sa sobrang pagkahabag pero pinipigilan n’ya ang kanyang sarili.
“Sino ka ba hija? Kilala mo ba ang anak ko kaya mo ba s’ya dinadalaw ngayon? “ Sunod-sunod na tanong ng ina ni Chiza.
“O-opo. Maari ko po bang makita si Chiza? “ Alanganing tanong ni Sheila.
“Walang problema halika lumapit ka sa amin. Natutuwa ako at dinalaw mo ang aking anak dahil lubos ang aming kaligayahan para sa kanya dahil pinagkalooban sya ng isang milagro upang magpatuloy na mabuhay. “ Masayang saad ng ina ni Chiza.
“Maraming salamat po Tita at natutuwa akong nakikita s’ya ngayon na ligtas sa bingit ng kamatayan.” Lumapit na Sheila sa tabi ni Chiza at tumayo muna ang nanay nito para mabigyan sila ng privacy.
“Sige hija mag-usap muna kayo ng anak ko at doon lang ako sa sofa para manood ng Tv tawagin mo agad ako kapag may problema. “ Paalam ng ginang sa kanya kaya nasolo na din n’ya si Chiza.
“Kamusta ka na Chiza? Ang bait mo siguro kaya ka pinagbigyan ng isang milagro pero para sa akin sana tuluyan ka ng namatay baka sakaling lubos pa ang aking kaligayahan ngayon. Kaso lahat na yata ng swerte sa buhay binigay na sa’yo mula sa pamilya mo, kay Brad at ngayon magkakababy pa kayo? Ang swerte mo ikaw na talaga ang pinagpala! “ Gigil na sumbat ni Sheila habang pinipigilan ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata.
“Oo inamin kong may mali akong nagawa sa’yo dahil sa sobrang inggit at selos ko dahil ikaw ang piniling mahalin ni Brad. Sana hindi ka nalang dumating sa buhay namin noon di sana ang totoong masaya ako kapiling ang pinakamamahal kong lalaki. Pero inagaw mo s’ya! Inagaw mo ang pagkakataon na dapat ay para sana sa akin!” Impit na sigaw ni Sheila at tuluyan ng naglandas ang mga luha sa sobrang hinanakit.
Ngunit nagulat si Sheila ng makitang may luhang naglandas sa pisngi ni Chiza kaya mas lalong napahagolgol s'ya ng iyak habang pinupunasan din nito ang mga luha.
“I’m sorry Chiza hindi ko naman nais na isumbat sa'yo lahat ng mga hinanakit ko sa buhay lalo na ang aking kabiguan kay Brad. Oo, naiinggit ako sa’yo at nagkamali akong saktan ka pero nagsisisi na’ko ngayon at handa na’kong harapin ang parusang ipapataw sa akin ng batas. Basta pakiusap ko sa’yo lumaban ka lang at magpagaling agad. “ Pilit na tumawa si Sheila at pinunasan na din ang kanyang mga luha.
“Sheila?!” Tawag pansin ni Brad sa kanya.
“Brad? Ahhmm.. Dinalaw ko lang si Chiza pero wala naman akong balak na masamang gagawin sa kanya.” Tarantang sagot nito pagkakita kay Brad.
“Relax Sheila. I’m not saying anything, we can talk if you want to know about her condition. “ Sagot naman ni Brad na walang bahid ng pagdududa sa kanya.
“Pwede tayong mag-uusap Brad but I guess not here this is very important. “ Seryosong tugon naman ni Sheila.
“Okay. “ Tipid na sagot ni Brad at binalingan nito ang kanyang mother in law na nanonood ng news sa Tv.
“Mommy lalabas lang kami ni Sheila may importante lang kaming pag-uusapan. Pero yong gamot nabili ko na at dadalhin nalang iyon dito ng Nurse kapag oras ng ipainom sa kanya. Sandali lang kami at babalik din ako agad. “
“Okay hijo mag-iingat kayong dalawa at pagbalik mo hwag mong kalimutan na bumili ng hinog na mangga at saging. “ Nakangiting saad ng ina ni Chiza.
“I will mommy. Alis na po kami. “ Magalang na paalam ni Brad at nagmano pa ito bago lumabas ng kwarto.
“Paalam po Tita. Chiza, hihiramin ko muna si Brad don’t worry hindi ko na s’ya aagawin sa’yo importante lang talaga ang pag-uusapan namin.”
Natuwa si Sheila sa naging response ni Chiza dahil ginalaw nito ang kanyang mga daliri. Kaya magaan ang kalooban ni Sheila na lumabas sa private room kasama ang lalaking minsan na n’yang minahal at pinangarap noon.