CHAPTER 16

1648 Words
Dinala ni Brad si Sheila sa isang private Japanese Restaurant na malapit lang din sa hospital para doon sila makapag-usap ng maayos. Habang naghihintay sa kanilang orders nagsimula na silang magkwentuhan at naunang magsalita si Sheila . “Brad? I’m sorry for what happened to Chiza. It’s all my fault kaya s’ya naaksidente, kaya s'ya nasa hospital ngayon at naging lantang gulay pa. Hindi ko sinasadyang maging makasarili at gustuhing umabot pa sa ganito. “ Simula ng pangungumpisal ni Sheila habang pinipigilan ang pag-iyak sa harap ni Brad. “Alam ko dahil tapos na ang imbestigasyon sa aksidenteng nangyayari kay Chiza at ikaw ang lumalabas na pangunahing suspek. Planado mo na ba lahat  iyon bago pa ang pag-uusap natin sa Rider’s Verandah?” Pagkompirma kaagad ni Brad sa kanya. “Yes. Everything was planned and under the control of  Benjie Torresalva. Naging kakampi at kaibigan ko s’ya noong mga panahong bigong-bigo ako sa’yo. At ‘yon lang tanging paraan kong nakapaghiganti sa inyong dalawa kahit “ Naging garalgal na ang boses nito habang nagpapatuloy sa pagsasalita. “Bakit mo ‘yan sinasabi sa’kin ngayon? Hindi ka ba natatakot sa posibling mangyayari sa’yo? Pwede kitang ipakulong ngayon din dahil sa ginawa mong kasalanan. Muntik mo ng pinatay ang asawa ko, sa tingin mo ba mapapatawad pa kita? “ Pigil na saad ni Brad habang nakakuyom ang mga kamao nito. “Handa na'kong harapin ang lahat kong kasalanan lalo na kay Chiza. Pero bago ako makulong hayaan mo muna akong tapusin ang kasamaan ni Benjie dahil marami pa ang pwedeng maging biktima n’ya at magdurusa sa kanyang kalupitan. “ Dagdag pa ni Sheila habang taimtim nitong tinititigan si Brad. Ngunit natigil ang kanilang pag-uusap dahil dumating na ang kanilang pagkain. Tahimik muna nilang pinagsaluhan ang pagkain bago sila nagpatuloy sa pag-uusap. Unang natapos si Brad kaya matiyaga nalang nitong hinihintay na matapos sa pagkain si Sheila. “Salamat sa paghihintay Brad. May isang hiling lang sana ako nais ko sanang makausap din si Myco Gosiaco at Reid Alleje ngayon. Handa na akong makipagcoordinate sa kanila para sa ligtas na pagrescue kay Creo.” Matatag ang bawat katagang binitawan ni Sheila. “Sigurado ka na bang makipagkita kay Reid at Myco? Nasa watchlist ka narin ng Security team ni Myco handa ka na bang harapin sila para matawagan ko silang sumunod dito sa restaurant. “ Paniniyak ni Brad sa kanya. Isang tango lang ang isinagot ni Sheila at hudyat ito para tawagan ni Brad sina Reid at Myco. Nakausap lang ni Brad si Myco dahil out of coverage si Reid. Nasa malapit lang si Myco kaya kaagad naman itong nakarating sa nasabing Japanese Restaurant. Pareho ng tapos kumain ang dalawa ng dumating si Myco pero hindi na ito nag-abala pang mag-order ng makakain at maiinom dahil sumaglit lamang ito para pagbigyan si Brad. “What do you want to talk about, Sheila? “ Direktang tanong ni Myco pagkaupo nito sa kanyang upuan. Ngunit tumitig lamang si Sheila sa kanyang mga mata at hindi man lang nagsalita bilang tugon. “Sheila andito na si Myco, bakit ayaw mong magsalita ngayon? Di ba may importante kang sasabihin sa kanya? “ “Yes, at sobrang importante ito Myco. H’wag kang mag-alala haharapin ko naman ang mga kasalanan ko kapag tapos na ang misyong ito. Rescue the son of Reid as soon as possible before weekends. May malaking shipment silang paparating kaya please agapan n’yo na agad para na din sa kaligtasan ng bata dahil nakatrade in ito sa mga investors ni Benjie. At natatakot akong baka hindi n’yo na makikita ang bata kapag patagalin pa ang rescue operation. “ Mahabang saad ni Sheila habang nanginginig pa ang kanyang boses. Hindi lang si Reiven Creo Alleje ang malalagay sa panganib maging ang buong Stallion Riding Club na pinamumunuan ng kanyang ama na si Reid Alleje. “What? “ “Seriously, Sheila?” maang na tanong ni Brad sa kanya. “Gawan n’yo na agad yan ng paraan at napagplanuhan ng maigi h’wag ng hintayin ang tulong sa iba ahensya dahil may galamay si Benjie. Hindi n’yo alam kung sino ang tunay na kakampi at kalaban. “ Pagpapatuloy ni Sheila ngunit natigil lang ito ng biglang magring ang kanyang cellphone at ng tignan nila ito si Benjie ang caller. “Sagutin mo na s’ya Sheila loudspeaker mo nalang para marinig namin ang usapan n’yong dalawa. “ Udyok naman ni Myco para sagutin nito ang tawag. Sinunod naman nito ang sinasabi ni Myco at loudspeaker na ito bago n’ya sagutin ang tawag ni Benjie. “Hello, babe. “ “Hey, where are you? Kanina ka pa umalis bakit di ka pa nakabalik? “ sagot naman nito sa kabilang linya. Tahimik lang na nakikinig sina Brad at Myco sa kanilang usapan. “Dinadalaw ko lang yong kaibigan kong maysakit pero pauwi na din ako.” “Kaibigan na maysakit talaga? O baka naman binalikan mo uli si Chiza? Are you out of your mind Sheila? I’m gonna kill that woman if that’s what you want babe! “ Sa narinig ni Brad ay naikuyom nito ang kanyang mga kamao at tiim-bagang lang na nakatitig sa cellphone mismo ni Sheila. “Okay, babe let’s just talk when I got home. “ “Be here as soon as possible Sheila! I miss you babe. “ Hindi na sumagot si Sheila sa sinasabi nito sa kanya dahil ramdam n’yang hindi ito bukal sa kanyang puso. “Brad, magdagdag ka nalang ng security force sa labas at loob ng kwarto ni Chiza. He might do what he said awhile ago. “ Seryosong tingin nito kay Brad. “Ito yong complete address ng Rest house ni Benjie sa Palawan. Paalis na kami tonight papunta doon kasama namin si Creo. Kaya dalian nyo na bago pa tuluyang makalabas ng bansa si Benjie tangay ang anak ni Reid. “ “Kaya pala walang hinihinging ransom amount sila kay Reid dahil sa balak nitong trade-in. F*ck! “ Napamurang saad ni Myco. “I need to go baka makahala pa si Benjie sa ginagawa ko ngayon. I’m sorry Brad. Just take care of your wife and your baby soon. “ Paalam ni Sheila at naunang lumabas ng kwarto at nagtuloy sa parking lot ng Japanese restaurant. Naiwan si Myco at Brad sa restaurant at kaagad din tumawag si Myco para makahingi ng security force sa hospital room para kay Chiza. Sabay na silang lumabas ng restaurant si Brad ay nagtuloy agad sa hospital para mabantayan ang kanyang asawa samantalang si Myco ay kaagad na bumalik sa Stallion Riding Club para makapagset ng meeting kay Reid at sa ibang Club members na pwedeng makautong sa rescue operation. ********* Gabi na ng makabalik si Sheila sa Townhouse kaya galit na galit si Benjie pagkapasok nito sa loob ng bahay. Mag-isa na lamang ito sa sala habang umiinom ng alak at nag-aabang sa kanya. “Anong oras na? Bakit ngayon ka lang umuwi? Hindi ka man lang nagpaalam sa akin na aalis ka ngayon at mag-isa lamang. Saan ka ba talaga nagpunta ha Sheila? “ Sunud-sunod nitong tanong sa kanya. Pero wala s’ya sa mood na sagutin ang isa man lang sa kanyang katanungan. Kaya tinalikuran na lamang n’ya ito para pag-iwas na rin sa kanya. Ngunit mas lalo itong nagalit sa kanyang ginagawa. Mabilis nitong hinaklit ang kanyang braso at hinatak papalapit sakanya. “Ang lakas ng loob mo para baliwalain lang ako at basta nalang talikuran! Bakit may bago ka na bang ipinagmamalaki ngayon sakin Sheila? Oras na mahuli lang kitang may ibang lalaki papatayin talaga kita at ihulog sa bangin tandaan mo ‘yan! “ Galit na sigaw ni Benjie at marahas na sinampal ito ng malakas. “Wala kang karapatang saktan ako at pagbintangan na may ibang lalaki dahil kung tutuusin ikaw ang may ibang babae. Hayop ka! Harap-harapan mo na nga akong ginagago may gana ka pang magsalita sa akin ng ganyan? “ Ganting sigaw ni Sheila kahit sapo nito ang nasasaktan n’yang pisngi. “Ysabelle is just my woman in bed damn it lady! Don’t you dare playing a fire with me if you’ll valued your life. Umalis ka na sa harapan ko bago pa’ko makalimot sa’yo at mapatay pa kita! Alis! “ Singhal ni Benjie at ibinato pa ang baso sa pader. Sa sobrang takot ni Sheila ay tumakbo na ito papalayo sa kanya at dumiretso sa kwarto kung saan nakakulong si Creo. Nilock kaagad ni Sheila ang pinto pagkapasok at niyakap ng mahigpit yong bata. “Tita Sheila nag-aaway po ba kayo ng lalaking ‘yon? Sinaktan ka ba n’ya? Tita magsumbong na po tayo sa mga police at sa daddy ko po.” Yakap din ni Creo sa kanya. “Kunting tiis nalang Creo makakalaya tayo dito sa impyernong lugar na'to. Ipinaalam ko na kay Myco ang lugar kung saan ka nila dadalhin. Mamaya tayo aalis patungong rest house nito sa Palawan. Pero hindi na'ko sigurado kung matutuloy ngayon ang ating pag-alis. “ “Tita Sheila salamat po sa pagtulong sa akin para makalaya pero isasama po kita sa pagtakas dito. Kailangan mo ng makalayo sa kanya masama s’yang tao at papatayin ka lang n’ya kapag hindi mo s’ya susundin.” Buong puso na saad ni Creo habang pinapahiran nito ang kanyang mga luha. “Maraming salamat, Creo! Magpapakatatag ako para sa kaligtasan nating dalawa. “ Napaiyak na s’yang muli habang yakap- yakap nito ang bata. Pareho silang naghihintay sa kanilang pag-alis patungong isla ng Palawan hanggang sa nakatulog na lamang sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD