CHAPTER 17

1758 Words
Madaling araw pa lang ginising na sila ni Benjie para sa kanilang pag-alis patungong Palawan. Pinaliguan at binihisan muna ni Sheila si Creo bago n’ya inayos ang kanyang sarili. Lumipat si Sheila sa kabilang kwarto para makaligo na ngunit nahagip ng kanyang tingin si Benjie na prenteng nakaupo sa gilid ng kama. “Bilisan mo nang maligo at magbihis sa baba na kami maghihintay sa’yo.” “Okay.” Tipid na sagot nito at pumasok na sa banyo. Mabilisan lang ang ginawang pagligo ni Sheila at paglabas nito wala na si Benjie kaya nakapagbihis s’ya kaagad at naihanda na rin ang kanyang mga dadalhin sa kanilang pag-alis ngayon. Lumabas kaagad si Sheila at lahat ng mga tauhan nito’y naghihintay na sa may garahe. Kinuha ni Sheila si Creo para sila ang magtabi ng upuan. “Tita Sheila natatakot ako.” Bulong ni Creo. “H’wag ka ng matakot andito lang ako basta magpakabait ka lang sa kanila. “ Alo naman nito sa bata at inalalayan pasakay ng sasakyan. Sumunod na'rin ang ibang mga tauhan ni Benjie tsaka pumasok na sa harap at likurang bahagi ng sasakyan. Huling sumakay si Benjie at tumabi ito kay Sheila. Ngunit hindi ito pinansin man lang n’ya dahil galit parin sya sa ginawa nito noong nakaraang gabi. “I’m sorry for what happened lastnight. Babe h’wag ka ng magtampo sa’kin, okay? Alam kung nasaktan kita kagabi kaya h’wag ka ng magalit kasi nagseselos lang naman ako dahil hindi ka nagpaalam at gabi  ka narin umuwi. “ mahabang saad ni Benjie at dahan-dahang kinabig ang mukha nito para gawaran ng halik. Kahit puno ng hinanakit ang puso ni Sheila para sa lalaking katabi nito at biglang gumuho lahat ang kanyang depensa kaya walang tutol na tinugon nito ang halik. Ang banayad nitong halik ay naging mapusok na ito hanggang sa  agaw-hiningang pinakawalan nila ang isa’t-isa. Naguguluhan man si Sheila sa kanyang nararamdaman pero mas minabuti na n’yang tanggapin ang munting kaligayahan na kanyang  nadama mula sa lalaking naging bahagi na ng kanyang puso. Kung panaginip lamang ito mas nanaisin na n’yang h’wag ng magising para lang makapiling ito ng matagal at mahalin ng buong tapat. “Tapat? Pero kailan ko pa minahal ng ganito si Benjie? Hindi! Si Brad lang ang minamahal ko mula noon hanggang ngayon. “ Lihim na ipinagsisigawan ng kanyang isipan. Isang tipid na ngiti ang kanyang pinakawalan pagkatapos ng kanilang halikan. Namumula ang kanyang pisngi kaya hindi na napigilan ni Benjie ang tumawa at kurutin ng bahagya si Sheila sa kanyang pisngi. Niyakap sya ng mahigpit ni Benjie at maingat na inihilig ang kanyang ulo sa balikat nito. Magaan na ang pakiramdam ni Sheila habang naglalakbay na ang buong grupo patungong Palawan kahit may kaunting kahungkagan sa kanyang puso. Totoong masaya s’yang kapiling ito ngunit may bahid ng kalungkutan ang kanyang nadarama dahil malapit narin ang katapusan ng kanyang kasamaan. Ngunit ang paglikas nilang ito patungo sa rest house nito sa Palawan ang umpisa ng mga plano ni Benjie Torresalva laban sa mga Alleje. Una'y nais nitong  ilayo at itrade-in ang nag-iisang anak ni Reid Alleje sa kanyang mga investors na nagmula pa sa ibang bansa. *********** May mga pulis ng nakabantay sa labas ng kwarto ni Chiza ng makabalik si Brad sa hospital. Pagkapasok nito sa loob ng kwarto kaagad naman s’yang sinalubong ng mommy ni Chiza na puno ng pagtataka sa kanyang mukha. “Hijo anong ibig sabihin nitong mga pulis sa loob at labas ng kwarto ng anak ko? May pagbabanta na naman ba sa kanyang buhay?” May pag-alala sa kanyang mukha. “Mommy additional security lang po ito para sa kanyang kaligtasan habang naghihintay tayo sa muli n’yang pag-gising.” Sagot naman ni Brad. Lumapit si Brad sa higaan ni Chiza at ginawaran ito ng halik sa noo. “How are you hon? I’m so glad that you’re back to us. Please hon gumising ka na. I really missed your smile and even your crazy laugh. It’s truly a music to my ears but now that you’re here lying in this bed fighting for your life then it seems to be empty. “ Hindi napigilan ni Brad na mapaluha habang tinititigan ang kanyang asawa. Mga luha sa sobrang saya at lungkot dahil sa pinagdadaanan nito ngayon. “Kung pwede lang sana ako nalang ang nand’yan sa pwesto mo dahil ayokong mahihirapan ka ng husto. Salamat hon at naging matapang kang lumaban para sa magiging baby natin. “ “Salamat Brad dahil hindi ka sumuko para sa aking anak lalo na sa magiging apo ko. Masayang-masaya ako dahil pareho silang ligtas ngayon. “ Niyakap si Brad ng mommy ni Chiza habang umiiyak na rin. “Thank you mommy. I can’t let my wife suffer ‘coz they’re now my life and the only reason of my survival. “ kinuha ni Brad ang kamay ni Chiza tsaka mariin itong hinalikan at hinawakan ng mahigpit. Parehong nagulat sa naging response ni Chiza dahil sumabay ang pagluha nito at ang dahan-dahang paggalaw ng kanyang mga daliri. Sa sobrang katuwaan ni Brad lumapit ito kay Chiza at hinalikan sa labi tsaka pinunasan ng malambot na towel ang kanyang mga luha. “I’m so happy hon for positive response. Please tuloy lang natin ito hanggang sa ikaw ay tuluyan ng magising. Mommy ako na po muna ang bahalang magbantay sa kanya magpahinga muna kayo at matulog dahil gabi na rin po. “ “Okay sige Brad. Mauna na akong matulog sa’yo para mapalitan kita mamayang madaling araw. “ Paalam nito at nagtuloy na sa vacant bed para matulog. Naiwan si Brad na binabantayan si Chiza. Hawak nito ang isang kamay ng ipinikit nito saglit ang kanyang mga mata. Hindi n’ya namalayang nakatulog na ito sa kanyang kinauupuan. Isang malambing na boses ni Chiza ang gumising sa kanya mula sa mahimbing n’yang pagtulog. “Hon gising na mahal ko aalis tayo di ba? “ “Chiza i-ikaw ba talaga yan hon? Saan ba tayo pupunta? “ Tumingin lamang si Brad sa nakangiting si Chiza. Wala ng nakahiga sa hospital bed kaya sigurado na s’yang asawa n’ya ito. Kakaiba na ang suot nitong damit purong puti at nakalugay ang mahaba n’yang buhok. Agad s’yang tumayo sa kanyang kinauupuan at sumunod kay Chiza. Binuksan n’ya ang pinto pero nagulat s’ya dahil wala ito sa hospital kundi isang magandang paraiso. Nakita n’yang masayang tumatakbo si Chiza upang sunduin ang batang babae na tumatakbo din papalapit sa kanya. “Mommy!! “ Nakangising sigaw ng bata. “I’m here baby please be careful! “ Ganting sigaw naman ni Chiza at patuloy lang sa pagtawa habang tumatakbo papalapit sa bata. Parang tuod na nakatayo lamang si Brad habang tinitignan ang kanyang mag-ina na masayang nagtatakbuhan sa gitna ng paraiso. “Hon halika dito!” Kumakaway na si Chiza para anyayahan s’yang lumapit sa kanila. Nagmamadaling naglalakad si Brad patungo sa kanyang mag-ina na kaagad din n’yang niyakap ng mahigpit. Yumakap din ng mahigpit si Chiza at maging ang batang babae. “Daddy!! Ang pogi ng daddy ko at ang ganda din ng mommy ko. Ang saya-saya kong makasama kayo dito sa magandang paraiso.” Natutuwang saad ng bata at kaagad naman kumalas sa pagkakayakap mula sa kanyang mga magulang. Tumakbo ito sa di kalayuan at naglalaro. Nais pa sanang sundan ni Chiza kaso naikulong na s’ya sa yakap ni Brad. “Just stay here with me hon and let her enjoy. “ Niyakap ng mahigpit ni Brad at marahang hinalikan sa kanyang labi. “You missed me? Alam mo bang miss na miss kita ng sobra. It seems I’m in a place of nowhere and no one else was there for me. I’m afraid of being alone until I found her my sweet little baby. She’s my happiness and my light in my darkest moment. Please take care my love. “ “I’m worried a lot since the moment you’ve strive hard inorder to surpassed death. But seeing you now alive no room for sadness, I’m so glad that your back. I’ll take care of you my love.” Buong pusong pahayag ni Brad at niyakap ng mahigpit si Chiza. Ngunit unti-unting naglalaho naman ang masayang mukha ni Chiza maging ang batang babae’y naglalaho na din. Tinignan n’yang muli si Chiza ngunit wala na din ito. Ang pinakamamahal n’yang babae ay wala na sa kanyang bisig ngayon. Sa sobrang takot at pangamba ni Brad tumakbo ng tumakbo ito para hanapin si Chiza at ang batang babae. Ngunit nakarating na s’ya kung saan-saan pero walang bakas kahit anino man lang ng kanyang hinahanap. Pagod na s’ya sa walang direksyong paghahanap sa kanyang mag-ina. Kaya isinigaw na lamang nya ang pangalan nito habang umiiyak. “Chiza!! Chiza!! Nasaan ka na mahal ko? Akala ko ba babalik ka na sa’kin. Ano bang mali ko para kunin ka n’ya uli sa amin. Bumalik ka na hon please… Chiza! Chiza!” Walang humpay na sigaw at tawag nito sa pangalan ng kanyang asawa. “Brad!! Brad!! Gising! Gumising ka na. Nanaginip ka lang. “ Yugyog ng Doctor sa tulog pa rin na si Brad. Matagal bago pa nagising ito sa kanyang masamang panaginip kaya tulala lang ito ng tuluyan ng bumalik ang kanyang diwa. “Doc, si Chiza? “ Bungad agad na tanong ni Brad at kaagad na nilapitan ang tulog parin na si Chiza. “It’s just a bad dream Brad. She’s fine and getting better everyday. Kaya h’wag ka ng masyadong mag-alala sa kanya. Anytime magigising din ang asawa mo kaya manalig lang tayo sa Panginoon. “ Agad na inaasikaso ng Doctor si Chiza. Nagpakawala ng malalim na hininga si Brad at hinayaan na n’yang asikasuhin ng Doctor ang kanyang asawa. Nagpaalam muna si Brad sa kanyang ina na lumabas muna para bumili ng makakain. Pero bago sya tuluyang lumabas ng hospital dumaan muna s’ya sa Adoration Chapel para mag-alay ng taimtim na dasal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD