CHAPTER 18

1960 Words
Matapos mag-alay ng dasal sa Panginoon ay kaagad ng lumabas si Brad sa Adoration Chapel at naglalakad ito sa hallway patungong Cafeteria ng hospital. Pero bago pa n’ya narating ang Cafeteria nakatanggap s’ya ng sunud-sunod na text mula sa unknown number. “No call, no reply please!” Bungad ng unang text sa kanya. Binuksan n’ya ang pangalawang text. “Brad si Sheila to nandito na kami sa rest house ni Benjie sa El Nido Palawan. “ Hinihintay ni Brad ang kasunod pa nitong text pero hindi na nagpadala ng mensahe si Sheila kaya nagpatuloy na lamang s’ya sa paglalakad hanggang sa makarating ng Cafeteria. Umorder na ng pagkain for breakfast si Brad para sa lahat kasama yong mga pulis na nagbabantay sa kwarto ni Chiza. Nabihisan na si Chiza ng bumalik s’ya kaya sabay na silang mag-almusal. “Mommy, uuwi muna ako sa Riding Club nagpatawag kasi ng urgent meeting si Reid para sa lahat ng Club members pero babalik din po agad ako pagkatapos ng meeting namin. “ “Okay lang walang problema ‘yon kaya h’wag ka ng mag-alala sa asawa mo Brad akong bahalang magbantay sa kanya kasi mamayang tanghali darating na din si Jenzi may makasama na akong magbabantay sa kanya. “ nakangiting nagpatuloy sa pagkain ang ginang. “Salamat po mommy at hindi na po ako magtatagal para makabalik din ako kaagad. “ Paalam ni Brad sa kanya at bago umalis nagpaalam din ito kay Chiza. “Hon aalis lang ako saglit ha sana pagbalik ko gising ka na. I really want to hear your voice and see your beautiful smile again. I love you so much.” He kissed her forehead. Dumiretso na sa Stallion Riding Club si Brad pero bago pa ito makarating doon nakatanggap uli s’ya ng dalawang text mula kay Sheila at nagbibigay ng information patungkol sa mga activities ni Benjie. “Brad make it fast on your rescue operation dahil hindi lang si Creo ang hawak nila. Sampung kabataan ang nasa poder nila ngayon may edad limang taon hanggang labing-tatlong taong gulang, apat na babae at anim na lalaki.” Sobrang nabahala si Brad sa posibleng kahinatnan ng mga bata. May dumating uli na isa pang text galing uli kay Sheila. “Oh no Brad please help us. Kapag di matubos ng mga magulang yong kanilang mga anak ibebenta ito pagkatapos papatayin at kukunin yong mga essential organs ng mga bata. They’re testing and checking Creo if his health and organs are healthy.” Sa mga nabasa n’ya gustong-gusto ng tawagan ni Brad o magreply sa mga text ni Sheila pero hindi n’ya ito ginawa para maiwasan ang g**o at baka masira pa lahat ng kanilang binubuong plano. Nasa vicinity na ng Stallion Riding Club si Brad ng tumawag si Myco sa kanya. “Where are you Brad? “ Tanong agad ni Myco. “Just arrived. “ Tipid n’yang sagot. Dumiretso na si Brad sa loob ng Stallion Lounge kung saan naghihintay ang ibang Club members. Nasa loob na rin si Reid Alleje, the sole owner of Stallion Riding Club. Everyone are ready now for the meeting. “Good afternoon gentlemen! I’m glad that you’re here and attend for this urgent meeting though not everyone but your presence is a must and important. There are changes on our first planned during the rescue operation for my son and at the same time to stop their alliance on d**g syndicates. We’ll do it now by all our means no more assistance from the Government agencies and other participating agents. Of course, we still need them as back-up plan that’s Plan B if our Plan A here is critical. “  As clearly stated by Reid Alleje. “So, what can we do now? “ Mayor Rozen Aldeguer asked. “I received some texts from Sheila we need to hurry up Reid not only Creo's life is at stake but also for those innocent children who are kidn*pped for child trafficking. “ Brad said. “What do you mean by that Brad?” Myco asked with knotted forehead. “They’re behind on the series of k********g recently for children aged 5 years old up to 13 years old. This is for ransom at first intention but if their family can’t give the agreed amount then those kids will be sold to foreign investors and then being killed so that their organs will be sold at a higher price. “ Brad continues to explain the details. “What the f*ck!” Singit naman ni Jigger. “Nasa El Nido Palawan ang rest house ni Benjie Torresalva. Lumipat sila ng location and thanks to Sheila for letting us knew about it dahil kung hindi malaking problema sana ang magagawa natin sa unang rescue operation para kay Creo. “ Lahad naman ni Myco. “I understand now, may ibang plano si Benjie para sa anak ko dahil hindi man lang s’ya humihingi ng ransom money sa’kin maliban lang sa threats na papatayin nila ito!” Bakas na ang galit sa mukha ni Reid. “For the sake of those innocent children and for Creo, count me in! “ unang presinta ni Sai. “Me too! “ Sabay na sabi ng Samaniego twins. “Ako din bilang pilot n’yo sa operation. “ nakangising saad ni Ashley. “Tutulong na din ako at hihingi pa ng back-up na tulong mula sa mga connections ng aking asawa. “ si Renzell. “This is a secret mission for the Riding Club. No media coverage please for their safety at the same time no other government agencies involved first to avoid conflict of interest. “ Muling saad ni Myco. “Handa na ba ang Security forces mo Gosiaco? “ Madiin na tanong ni Reid. “Yes, Reid! We’re all ready and with the help of other Club members, all of us are ready now for this mission. “ matatag na sagot ni Myco. “Let’s do it together, yeah! “ Pabirong sigaw ni Lucas. “Astig! Magiging secret agent na ba tayo sa mission natin? “ nakangising sabi ni Ian Jack. “Ulol! Asa ka pa baka isang putok lang kakaripas ka na ng takbo n'yan. “ si Angelo. “Enough! Hindi tayo naglalaro sa mission natin maaaring buhay ng isa’t-isa ang ibubuwis, kaya handa na ba kayo? “ Seryosong sabi uli ni Reid. “Yes! “ halos sabay na sagot ng lahat na naroroon sa loob ng Stallion Lounge. “Okay, good! Ganito ang magiging plano natin. Mahahati tayo sa tatlong grupo. I’m the leader of Alpha Team; Bravo headed by Weston and Charlie headed by Reid. “ pasimulang saad ni Myco plot ng Plan A. “Alpha team Myco and his Security forces will travel by the sea. Bravo team Weston and the new Club Members such as Devon, Anton, Sai, Lucas & Bryan will travel by land. Charlie team me Reid, Jigger, Trigger, Brad, Renzell, Ian Jack, Mark Ashley & Angelo will travel by air.“ dagdag naman ni Reichen. “We also have back-up as Plan B headed by Rozen and the rest of Club members. This secret mission will be monitored by you Mayor. Just in case that the 3 groups will be in difficult situation. You must call for immediate rescue team from PNP, AFP, MARINE & COASTGUARD. Secured the possible entry and exit points of the syndicates just in case they’ll escape. But of course I want Benjie Torresalva alive. Got it! “ Sigaw ni Myco Gosiaco. “Areglado, Totoy! “ pabirong sagot ni Anton Dela Vega. “Alright, men before we adjourned this meeting please let’s take this mission successful and keeping ourselves safe from danger and most of all for the safety of their abducted kids. Our lives and their lives are most important. So go ahead everyone and get ready for tomorrow’s mission! Thank you. “ Pagtatapos ni Reid Alleje sa kanilang meeting. ******* El Nido Palawan, isang paraiso para sa mga turista at bakasyonista ng lugar ngunit para sa grupo ni Benjie Torresalva isang pugad ito ng kapangyarihan at kayamanan sa tulong ng kanilang samo't-saring mga illegal na transactions mula sa loob at labas ng bansa. “Benjie, anong ibig sabihin nitong mga batang na nandito at nakakulong? Akala ko ba si Creo lang ang bihag natin? “ Nagtatakang tanong ni Sheila ng makita nito ang mga batang nagsiksikan sa loob ng kulungan. “This is all for our wealth and power, babe! Just relax and take good care of our little Prince he’s our lucky charm. “ Nakangising sagot ni Benjie at hinalikan muna s’ya sa noo bago sila iniwan. Natatakot na si Sheila sa gulong kanyang napasukan ngayon dahil hindi ito ang kanyang inaasahan ngunit kailangan n’yang magpakatatag para kay Creo at sa ibang bata na bihag ng sindikato. Dinala kaagad ni Sheila sa isang kwarto si Creo para doon muna patulugin bakas na kasi sa mukha nito ang takot at pagod sa mahaba nilang b’yahe mula Sagada hanggang El Nido Palawan. “Magpahinga ka muna dito para malakas ka kung sakali man may hindi magandang mangyayari sa mga susunod na araw. Nagugutom ka na ba? Ikukuha na muna kita ng pagkain? “ tanong ni Sheila sa bata. “Hindi po ako nagugutom Tita Sheila gusto ko lang po matulog muna at managinip na nakalaya na’ko dito. “ May lungkot sa boses ni Creo. “H’wag kang mag-alala Creo may awa din ang Panginoon kaya manalig lang tayo sakanya, okay? Kaya matulog ka na muna dahil may gagawin lang ako. “ Lumayo sa higaan si Sheila ng makita nitong tulog na ang bata. Kaagad n’yang kinuha ang kanyang cellphone para magtext kay Brad. Nakapagtext lang s’ya ng tatlong beses pero hindi na nasundan dahil biglang pumasok si Benjie at may kasamang Doctor at Nurse. Buti nalang at naitago na n’ya kaagad ang cellphone bago pa s’ya mahuli ni Benjie. “Sheila gisingin mo muna si Creo for his health check-up.” Utos ni Benjie sa kanya. “Para saan ang check-up na’yan? Ano ba talaga ang balak mo sa kanya at sa ibang mga bata Benjie? “ Sunud-sunod na katanungan ni Sheila. “This is just a safety precaution my dear to check the health condition of Reiven Creo and of course to ensure that all his organs are functioned very well. Bilisan mo na d’yan!” Sigaw ni Benjie na ikinataranta naman ni Sheila. Pinalabas ng kwarto si Sheila pagkatapos nitong gisingin si Creo. Kahit ayaw nitong lumabas wala na s’yang magagawa kundi sundin ito. Nagtago na lamang s’ya para muling itext si Brad at sabihin dito sa kanya ang mga binabalak ni Benjie. Magtext pa sana s’ya ngunit natigil dahil sumigaw si Creo kaya kaagad s’yang tumakbo sa kinaroroonan ng bata at kumatok pero hindi na s’ya nakapasok pa kasi nakalock ang pinto. Napaiyak na lamang sa takot at awa si Sheila sa bawat daing at sigaw ni Creo habang umiiyak ito ng malakas. Wala s’yang kaalam-alam sa ginagawa nila sa loob kahit anong pagmamakaawa nito kay Benjie na pagbuksan s’ya ng pinto pero hindi naman ito nakikinig sa kanya. “I’m sorry, Creo. “ Mahinang sambit ni Sheila habang umiiyak na din sa sobrang awa nito sa kalagayan ng bata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD