04:00PM Ang pagtitipon ng tatlong grupo na tutulak para sa secret mission.
04:30PM Short briefing sa bawat leaders ng grupo bago sasakay sa kani-kanilang sasakyan patungong El Nido Palawan.
05:00PM The Battle begin and the voyagers start it’s journey in different directions but with the same goal and destination.
Dahil secret mission ang kanilang ginawa kaya walang kaalam-alam ang mga misis at kasintahan ng bawat isa maliban lang kay Mariz Castañeda ang long time girlfriend ni Isaiah Vijandre dahil hindi ito lingid sa kanya ang bawat plano at hakbang ng kanyang kasintahan. Bilang tulong na rin nila ito para sa kaluluwang ligaw ni Chiza.
Mula ng umalis si Sai at ang buong grupo hindi na ito mapakali hanggang sa sumapit na ang 6 o’clock ng gabi kaya naligo muli at pagkatapos pumunta sa Rider’s Verandah para doon na kakain ng hapunan at magpalipas ng oras hanggang sa makakuha ito ng balita mula kay Sai.
Wearing her creepy dress, her skull backpack and with her creepy feelings she entered Rider’s Verandah. In her silent entry it catches everyone’s attention who’s inside the restaurant. She’s not in the mood to laugh but with everyone’s reaction, she burst out of laughters like a witch that shocks to them.
“Well, it’s a creepy evening Mariz! Stop that witchy laughs of yours tumitindig ang mga balahibo ko. “ Bati agad ni Miles ng makabawi ito sa kanyang reaction.
“Wow! Saang costume party ka ba galing Mariz at ganyan pa ang itsura mo? Mukhang bagong ligo ka pa naman kaso bangag nga lang. “ Birong tanong naman ni Jhunnica na lumabas pa sa counter para lang salubungin si Mariz.
“ Makikikain lang po ako dito dahil nagugutom na’ko ng sobra. “
“Walang libre dito Mariz. Pay as you order! Kung gutom ka maraming foods na available, pili ka lang sa gusto mo. “ Nakangising saad ni Jhunnica.
“Alam ko naman yon at wala akong balak na tumakas. Gusto ko ng matapang na kape and blueberry cake, grilled pork ribs, sweet & spicy chicken buffalos with burger & fries. “ Order ni Mariz na ikinagulat naman ni Jhunnica.
“Gutom ka nga talaga, Mariz. Sige ibigay ko lang ito sa kitchen yong orders mo. Unahin ko ng i-serve yong coffee at blueberry cake while waiting for your other orders. “ Iniwan na nakatulala sa kawalan si Mariz kaya ng binalikan sya ni Jhun dala ang pagkain hindi nito napansin ang kanyang presence.
“Nako Mariz may nakalutang ba na kaluluwa d’yan sa kisame kanina ka pa kasi nakatitig eh? “ Takang tanong ni Jhunnica sa kanya.
“May problema ka ba Mariz? Pwede mo naman i-kwento sa amin para sa i-kaluluwag ng iyong isipan at damdamin. “
“Natatakot ako at nangangamba para sa kaligtasan ng lahat na pumunta sa secret mimission. Ngayon kasi ang rescue operation nila sa Palawan. “ Naiiyak na si Mariz.
“Calm down, Mariz. Mahal! “ Sigaw ni Miles. Natarantang lumabas si Gino mula sa kitchen.
“Bakit Mahal, may sunog ba? Tatawag na ba ako ng pulis ah hindi bombero pala. “ Litong tanong ni Gino.
“May alam ka ba dito Gino? “
“Ang alin Mahal? “
“Yong secret mission na sinasabi ngayon ni Mariz? Akala ko ba next week pa nila gagawin ‘yon? “ inis na tanong ni Miles.
“Anong secret mission ang tinutukoy mo Miles? Gino bakit hindi ka na nagsasalita? Huli na ba ako sa balita? Care anyone to explain what’s going on?! “ Hiyaw na tanong ni Tamara pagkapasok nito sa loob ng Rider’s Verandah. Batid pa rin ang kalungkutan sa mga mata ng kabiyak ni Reid Alleje at ang Reyna ng Stallion Riding Club.
“Ate Tamara ang ibig kung sabihin yong rescue operation po ni Creo ngayon pala sila umalis at nagtungo sa Palawan. “
“Saglit lang medyo naabala na ang operation ng restaurant ko kaya pwede bang doon na tayo mag-uusap sa function room for our privacy? “ Suggest agad ni Gino dahil nakaagaw pansin na sila sa mga customers na kumakain.
“Oo may alam ako sa operation nila ngayon as their Plan A. Pero secret mission nga di ba kaya hindi pwedeng mag-leak ito sa media kahit nga si Olympia walang kaalam-alam sa ginagawang hakbang ni Myco dahil ayaw n’yang malagay sa panganib ang asawa n’ya at ang buong Stallion Riding Club. “
“Nakakuha din kasi ng informations ang team mula kay Brad at sa tulong na rin yan ni Sheila. According to her may sampong bihag pang mga bata ang hawak nila maliban kay Creo. “ Kwento naman ni Mariz.
“Gaano ba ka-reliable ang source nilang si Sheila? Paano kung isang patibong lang ang lahat? Remember s’ya ang salarin kung bakit na-aksidente si Chiza at ngayon nakaratay parin sa hospital? “ Sunud-sunod na katanungan naman ni Sindy.
“Pero naisip n’yo din ba ang kalagayan ko bilang ina ni Creo? Halos gabi-gabi akong hindi makatulog ng maayos sa sobrang pag-alala para sa anak ko. Tapos ngayon inilihim pa ni Reid ang ginagawa nilang hakbang. Anong silbi ko bilang ina at asawa? Paano kung hindi ko na makikitang muli ang anak ko at si Reid?“ Hindi na napigilan pa ni Tamara ang pag-iyak sa labis na pag-alala para sa kanyang mag-ama.
“Ate Tam please tahan na, everything will gonna be alright! Magtiwala lang tayo sa Panginoon. “ Yakap ni Saskia sa kanya.
“Don’t worry Ate Tamara nakausap ko na din si Reiven na umuwi dito sa Pilipinas para matulungan agad na maayos ang problema ni Kuya Reid. “ Singit naman ni Sofiajade at niyakap din si Tamara.
“H’wag kayong mag-alala kasi may Plan B naman kapag magkakaproblema sa kanilang Plan A. Si Mayor Rozen Aldeguer na ang bahala para isakatuparan ang option plan. “ paliwag uli ni Gino pero laking gulat naman ito para kay Ada.
“What? Ang asawa ko pa talaga ang head ng Plan B! Pero hindi man lang n’ya nabanggit sa’kin ang mga plano nila. Ang buong akala ko busy lang s’ya sa pagpapalago ng ekonomiya para sa bayan ng Sta. Barbara pero may pa-secret mission pa s’yang nalalaman, humanda ka talaga sa’kin Rozen! “ gigil na tinawagan ni Ada ang kanyang asawa.
“Good evening babe. Missed me? Don’t worry paalis na din ako ng Sta. Barbara, see you in awhile at Stallion Guest House. I love you. “ Malambing na sagot ni Rozen.
“Walang good sa gabi hinayupak ka! Bilisan mo d’yan at magtutuos pa tayo. “ Sigaw naman ni Ada sa inis kay Rozen bago pinutol ang tawag.
“Wow. Galit lang ba talaga Ada? Ang puso mo chillax ka lang noh. Baka atakihin ka pa d’yan magbubunyi pa ang mga fangirling ni Mayor. Sige ka sila din ang magwawagi sa puso n’ya. Hahaha… “ Mapang-asar na sabi ni Daeia.
“Excuse me lang po Sir Gino, may naghahanap lang po kay Ma’am Tamara sa labas. “
“Sige lalabas na'ko para kausapin s’ya. “ Kaagad naman na sumunod si Tamara sa waiter na sumundo sa kanya.
“Ma’am Tamara sorry po sa abala may naghahanap po kasi sa inyo at nasa loob ng opisina ni Sir Reid naghihintay sa’yo. Representative po ng Security team of Stallion Island. “
“Okay, Madyl sasabay na’ko ngayon papunta sa opisina ni Reid. Gino please give me an update about them and their mission. That’s an order from Tamara Alleje! I have to go. “ Babala ni Tamara kay Gino na pilit parin ang ngiti.
“I will, Mrs. Alleje.“ formal na sagot ni Gino.
Maaliwalas ang mukha ni Tamara na harapin ang bisita ng kanyang asawa. Isang magandang babae ang kaagad na tumayo pagkakita nito at ngumiting matamis sa kanya.
“Good evening Doc Tamara. “ Bati ng babae. “I’m Eunice Arjhilleyne Reyes, Assistant Security Officer at Stallion Island. “
“My pleasure to see you here Ms. Reyes, I’m glad that you’ve visited Stallion Riding Club. What brought you here, anyways?” Magiliw na tanong nito kay Arjhilleyne.
“Actually, I was assigned by Prince Rostam to take over the Security office while Reid Alleje and Myco Gosiaco doing their secret mission to Palawan. Don’t worry Doc Tamara, the full Security team of Stallion Island and Prince Rostam will do it together inorder to be safe and won against those terrorists and kidnappers. “
“Thank you, Arjilhyne. Ihahatid na kita sa Security office para makakuha na tayo ng balita sa mission nila at this moment. “ Sinamahan mismo ni Tamara si Arjhilleyne sa monitoring room ng Security office ni Myco Gosiaco. Naabutan nila sa loob ng monitoring room si Olympia Gosiaco ang dating kaklase ni Arjhilleyne noong High School.
Sa monitoring room naman ng Stallion Island naiwanan ang Head Security na si Oliver at naatasan na i-monitor mismo ang galaw ng tatlong grupo ni Reid Alleje pati ang tauhan nitong sina Ridge at Keeno. Samantala ang Stallion Riding Club na naiwanan nina Reid Alleje at Myco Gosiaco ay binabantayan muna ng kanyang Assistant na si Arjhilleyne Reyes.
Agad nagpadala ng back-up ang Security Team ng Stallion Island headed by Ridge, sila ang tutulong sa grupo ni Reid at Myco. Malaking edge sa kanila dahil sa Palawan mismo ang location ng mga kidnappers. Unang contact ni Oliver sa grupo ni Ridge nag-landing na ang sinakyan nilang Swan Air sa west side ng El Nido Palawan exactly 6:00PM malapit sa target na rest house. Dahil malapit lang sila sa area kaya ang Security team ng Stallion Island ang unang nakarating. Kabisado na nila ang pasikot-sikot ng buong isla kaya napag-aralan na kaagad ang galaw ng mga tauhan ni Benjie Torresalva sa labas ng rest house nito.
Nag-signal for landing naman ang grupo ng Charlie Team at 6:20PM nag-landing sa hilagang bahagi ng El Nido Palawan. Kaagad nag-update si Reid Alleje sa alliance nito from Stallion Island. “Ridge, anong status d’yan sa location n’yo? Just landed here at the forest near to the rest house.”
“Reid, our location at west coast and now moving near to them. Pero hindi ito madali dahil may mga nakabantay sa paligid at matataas na calibre ng armas ang dala ng bawat isa. Just be careful Reid and now we’re moving near to the gate wall. May bahaging walang bantay basta iwasan ang main gate. “ Update naman ni Ridge sa leader ng Charlie Team kay Reid Alleje.
Sumunod na dumating ang speedboat na sinakyan ng Alpha Team bandang 6:35PM and immediately reported to Reid their arrival time and location at the east coast nearby to the said rest house. Dahil madilim na ang paligid naging madali lang ang kanilang paglapit sa target place.
“Bravo Team your location now? Weston where are your team? Please update us immediately. “ Contact ni Myco sa last group na hindi pa nakarating ng isla pero walang nakuhang sagot mula sa kanila.
Si Ridge at Keeno naman ay nakapasok na gamit ang kanilang harness. Tahimik ang paligid pero nagkaroon ng kasiyahan sa bandang harapan. Kaya dahan-dahan na gumapang si Ridge para makalapit mismo ng rest house. Humiwalay si Keeno at naglalakad patungong likurang bahagi. Pero tumigil ng may papalabas na lalaki at kaagad na sinunggaban ng makalapit sa kanya. Bago pa nakabunot ng b***l bumulagta na sa damuhan at walang malay kaya malaya s’yang nakapasok sa backdoor.
“Ridge, nakapasok na’ko gamit ang back door. Mukhang tahimik ang kitchen at sala kaya aakyat ako sa 2nd floor at sa fire exit ako dadaan. “ Update ni Keeno pagkapasok nito sa loob.
“Salamat at mag-ingat ka d’yan. “ Sinubukan din n’yang pumasok gamit ang exit door pero nahuli s’ya ng isang tauhan ni Benjie at naunahan pa s’yang bumunot ng b***l. Isang putok ang umaalingaw sa paligid at nasundan pa ng isang putok mula sa armalite ni RRidge.Patay na yong kalaban na bumulagta sa sahig.
Sunud-sunod na palitan ng pag-b***l mula sa tauhan ni Benjie at sa mga kasamahan ni Reid Alleje. Nag-simula na silang tumbukin ang pangalawa at pangatlong palapag. Tuloy pa din ang palitan ng putukan sa labasan sapamamagitan ng ibang tauhan ni Benjie at mga kasamahan ni Myco Gosiaco.
Nakarating na din sa location ang Bravo team at diretso na silang nakapasok sa main gate dahil limas na ang mga nakabantay doon. Sa pamumuno ni Weston sumugod na din ang grupo sa loob ng rest house.
May apat na palapag ang rest house at may roof top din pero walang ideya ang buong grupo kung nasaan ang kulungan ng mga bata, maging ang kinalalagyan nina Sheila at Creo pati ang pinagtataguan ni Benjie. Pero hindi sila susuko para lang maiuwing ligtas ang lahat. Tuloy silang makipaglaban at harapin ang bawat balang pinapaulan sa kanila kahit buhay pa ang nakataya.