CHAPTER 20

3053 Words
[The End of War for unreasonable love, hatred, revenge & sacrifice of one’s life.] Nag-panic si Sheila na lumabas ng kwarto nila ni Benjie at hinahanap agad yong lalaki pero hindi n’ya mahagilap ito kaya dumiretso na s’ya sa kwarto ni Creo. “Anong putukan po yong naririnig ko Tita Sheila? “ Bungad na tanong ni Creo? “Putok ‘yon ng b***l pero h’wag kang matakot andito lang ako sa tabi mo, okay? Makakalaya ka na din dito Creo kasi nandito na sila para iligtas ka. “ “Opo, Tita Sheila. Salamat po. “ Yumakap ng mahigpit sa kanya ang bata. “Masakit pa rin ba ang sugat mo? Makakalakad ka naman di ba? Kaya mo pa bang tumakbo ng mabilis? “ Sunud-sunod  na tanong ni Sheila at niyakap din nito si Creo. “Opo, kakayanin ko po Tita Sheila. “ Tipid naman na sagot nito. Tinawagan n’ya si Brad pero hindi ito sumasagot at sinubukan n’ya uling tawagan pero hindi natuloy dahil pumasok sa kwarto si Benjie. “Tumakas ka na at isama mo na pati si Creo para hindi kayo madamay sa kaguluhan. H’wag na kayong magdala ng gamit dahil kailangan n’yo ng makaalis agad. “ Tarantang utos ni Benjie sa kanya. “Paano ka? Sasama ka ba sa amin? “ Hati ang kanyang pakiramdam sa mga sandaling iyon. Dahil gusto na n’yang makaalis pero nasasaktan naman ang kanyang puso kung maiiwan si Benjie. “H’wag mo na akong alalahanin ang mahalaga maitakas mo dito si Creo. Ihahatid ko kayo sa lagusan ang pinakadulo ng tunnel dagat na ‘yon at may nakaabang ng lifeboat para masakyan n’yo sa pagtakas. “ Hinila na n’ya si Sheila patungo sa lagusan pero bago ito nakaalis binigyan s’ya ng flashlight at isang bag na may lamang pera para magamit nila sa pagtakas kaso kinuha ni Benjie ang kanyang cellphone at pinalitan ito ng ibang cellphone na walang internet. “Bakit mo pinalitan ang cellphone ko? “ Takang tanong ni Sheila. “Umalis na kayo bago pa tayo mahuli ng mga parak! Sheila, I love you..” Hindi pa ito nakalayo ng yakapin s’ya ng mahigpit ni Benjie. “I love you too. Mag-iingat ka dito Benjie tawagan mo ako kaagad ha kung ano ng nangyayari sa’yo. “ Totoo ang pag-alala n’ya para dito. “Alis na! “ Sigaw ni Benjie na nagpataranta naman kay Sheila. Umakyat muli si Benjie sa rooftop para i-shutdown nito ang signal sa paligid. Kinopya n’ya din sa usb lahat ng database sa main server bago s’ya umalis dala ang isang backpack, b***l at snipper g*n. Pababa na si Benjie ng masalubong ang dalawang tauhan “Boss napasok na tayo ng mga parak! Limas na po ang lahat ng bantay sa ibaba at paakyat na po sila dito sa 4th floor. “ “Isakay na sa van ang mga bata at itakas agad bago pa sila makuha sa atin. Dolyares ang mawawala sa atin kaya kumilos na agad! “ Mando ni Benjie sa mga natira pa n’yang tauhan. “Yes boss! “ Lingid sa kaalaman ni Benjie naiwang bukas ang lagusan kaya nagkaroon ng pagkakataong makapasok at masundan ni Keeno si Sheila at Creo na binaybay ang tunnel. Dahil shutdown na ang signal sa paligid hindi na macontact ang bawat grupo kaya kanya-kanya na ang ginawa nilang diskarte. “Sh*t! Hindi ko na macontact si Ridge. “ Mura ni Reid dahil nawalan sila ng communications sa bawat isa. Nakita n’yang papalapit si Jigger at nasa likuran nito sina Ian Jack at Mark Ashley. “Pinutol ang signal sa paligid hindi na tayo macontact at ma-monitor nito sa parehong Security office ng SRC at Stallion Island. “ saad naman ni Mark Ashley. “Nasaan na kaya ang mga gonggong mong Stallion boys Reid naligaw na yata ng mga landas yon? “ biro ni Jigger. “Ingay mo Tol! Dito na ako buti nalang hindi ka natamaan ng ligaw na bala? “ singit ni Trigger. Sumulpot naman si Ridge. “Pinatakas ni Benjie si Sheila at Creo sa secret tunnel sila dumaan pero nasundan na kaagad sila ni Keeno. “Sa dagat ang possible endpoints ng tunnel kaya dapat may naka-abang na doon kaya aalis ako para mabantayan ko sila. “ sagot naman ni Myco at umalis kasama ang buong Alpha Team. “Kuya nakita n’yo na ba si Benjie? “ Habol hiningang tanong ni Reichen. “Hindi pa kaya hahanapin natin s’ya sa paligid. “ sagot agad ni Reid. “Reid sa rooftop puntahan ko na baka nandoon pa si Benjie. “ Umakyat na kaagad si Brad na sinundan naman nina Renzell at Angelo. Dahan-dahan na binuksan ni Renzell ang pinto ng nag-iisang kwarto sa rooftop ngunit walang tao. Monitoring room ito at wasak na ang mga gamit lalo na ang satellite. “ Kaya pala nawalan ng signal sa paligid sinira n’ya para mawalan tayo ng signal sa isa’t-isa. “ “Tara sundan na natin sa exit door pababa ng 4th floor. “ Naunang nagtungo si Angelo sa stairways at nagmamadaling bumaba. Sumunod agad si Brad at Renzell. Diretso ito sa parking lot ng 4th floor. Tama ang hinala ni Angelo dahil naabutan nilang pasakay si Benjie ng kanyang sasakyan para tumakas pero bago pa tuluyang makapasok pinaputukan ito ni Brad. Kaso di ito natamaan at nakapasok agad sa loob kaya pinaandar na ng kanyang tauhan ngunit sa kanilang pagliko pababa ng 3rd floor hinarangan sila ni Reid, Ridge, Jigger, Trigger at Reichen. Nakatutok ang mga b***l nila kay Benjie pero di man lang natinag bagkus naghahanda pa ito para lumaban ng p*****n sa kanila. “H’wag kang hangal Reid isang galaw mo lang patay ang pinakamamahal mong anak! “ Sigaw nito habang itinaas ang button pen at tumawa pa ng nakakaloko. “G*go! Lumaban ka ng patas h’wag mong idadamay ang anak ko lumabas ka d'yan! “ Ganting sigaw ni Reid at sa sobrang inis pinaputukan nito ang mga gulong ng sasakyan kaya malabong makatakas pa ito. “Sige Reid pagbibigyan kita para sa huli mong laban sa akin. Magdasal ka na dahil ito na ang katapusan ng iyong paghahari sa buong Stallion Riding Club! “ Lumabas nga si Benjie dala ang kanyang snipper g*n at hawak sa kaliwang kamay ang button pen. Lumabas din ang tauhan ni Benjie para protektahan ito mula sa likuran at tinututok ang hawak nitong b***l sa papalapit na sina Brad, Angelo at Renzell. “Sumuko ka na Benjie para mapababa ang sentensya mo! “ Sigaw ni Jigger. “Hindi pa ako hangal para isuko ang sarili ko! Hawak ko pa rin ang Alas para makaganti sa inyong lahat. “ tumawa ng nakakaloko si Benjie. “Baliw pala to eh! Papatayin ko na yan Reid. “ Asar naman na itinutok ang hawak na b***l ni Trigger. Papalapit na si Brad pero bago pa ito tuluyang makalapit nagpaputok ang tauhan ni Benjie pero hindi tamaan nito si Brad. Mabilis naman ang reflex ni Ian Jack at binaril ito ng dalawang beses kaya patay na itong bumulagta sa semento. “Gary!! “ Sigaw ni Benjie at itinutok ang b***l sa gawi ni Brad sabay pitik ng gatilyo at tinamaan ito sa balikat. “Brad!! “ Halos sabay na sigaw ng mga kasamahang Stallion boys na nakapaligid sa kanya. Sa bilis ng pangyayari sabay na binaril nina Reid at Ridge si Benjie. Isang tama sa dibdib at sa kaliwang balikat binaril ni Ridge upang mabitawan ang button pen. Agad na sinakluluhan sina Brad at Benjie tsaka dinala sa pinakamalapit na hospital at sinamahan pa nina Ridge, Ian Jack, Mark Ashley at Angelo. May buhay pa si Benjie ng isugod sa hospital at nakapagbigay pa ito ng huling habilin para kay Sheila at sa mga taong  nagdusa sa kanya noon. “Hindi na ako magtatagal kaya gusto ko sanang  humingi ng tawad sa lahat lalo na kay Sheila. Ginamit ko ang kahinaan n’ya para lang sa sarili kong kapakanan. Tinitiis n’ya akong pakisamahan para lang makalimot sa’yo Brad! Pero isa lang ang naitulong ko sa kanya ang tulungan s’yang mabura sa mundo si Chiza. “ Mahinang saad ni Benjie habang naghahabol ng hininga. Narinig lahat ni Brad ang sinabi ni Benjie kaya mas lalong uminit ang ulo nito kaya bumangon s’ya at binagyan ng isang malakas na suntok kahit pa naghihingalo ito sa kanyang higaan. Pero naawat din agad s’ya ng kanyang mga kaibigan at napigilan pang patayin ang lalaki sa sobrang galit. “Kulang pa ang buhay mo sa kalagayan ngayon ng asawa ko dahil kung ako lang ang batas kanina pa kita pinatay! “ gigil na gigil si Brad kahit masakit pa ang kanyang balikat. “Brad kalma ka lang h’wag mong ilagay sa kamay mo ang batas. Patung-patong na ang kasong kakaharapin n’ya pagkalabas ng hospital. “ Tapik ni Angelo at pigil sa kanyang kabilang balikat. “Alam kung hindi sapat ang paghingi ko ng tawad sa’yo Brad at kay Chiza maging sa mga inosenteng tao at kabataan na nagbuwis ng buhay para lang sa akin lalo na si Sheila. Kahit ako ang kasama n’ya pero ikaw pa rin ang nagmamay-ari ng kanyang puso. H’wag mong pabayaan sana si Sheila, mahalaga s’ya sa akin at kung hindi na ako mabubuhay ng matagal pakisabi nalang sa kanya na minahal ko s’ya sa paraang hindi ko naiparamdam ang tunay na pagmamahal. “ Naluluhang salaysay ni Benjie. Naghihingalo na itong naipasok sa Emergency room at agad din naman na inaasikaso ng mga nurse ang sugatang si Brad. Samantalang naiwanan si Reid kasama sina Jigger, Trigger, Renzell at Reichen ay kaagad na bumaba ng 3rd floor upang hanapin ang mga bata. Naabutan nila ang Bravo team sa parking lot ng 3rd floor at kanya-kanyang tutok ng b***l sa dalawang tauhan ni Benjie. “Sumuko na kayong dalawa nahuli na ang boss n’yo! “ Warning ni Reid sa mga tauhang naiwan. Sinubukang bumunot ng b***l ang driver ng van pero naunahan s’yang tutukan ng b***l ni Weston. “Nasaan ang mga bata? “ Binaba nito ang hawak na b***l at itinaas agad ang dalawang kamay. Tatakbo pa sana yong kasama n’ya pero naunahan s’yang tutukan ng b***l ni Lucas at agad isinuot ang posas sa kanyang mga kamay. “Search the area! “ utos ni Reid na sinunod naman agad ng mga Stallion boys. Nakaposas na yong driver at kasama nito kaya agad ng pinasakay sa truck van. Naiwan sina Weston, Lucas, Anton at Sai para bantayan ang truck van na sasakyan ng mga bata sa pagtakas. Nagtago sina Anton at Sai sa loob ng van kasama ang nahuling tauhan ni Benjie samantalang si Weston at Lucas naman sa harap kapalit ng driver. Sa di kalayuan may nakatagong nagbabantay sina Devon at Bryan, Jigger at Trigger. Maya-mayang kunti may lumabas na dalawang tauhan ni Benjie mula sa isang pabilog na pintuang-bakal. “Wow! Lagusan pala yan ang galing naman ni Benjie para makapagtago ng mga bata d’yan sa loob. “  Manghang saad ni Lucas. Sumunod na nagsilabasan ang mga bata pero bago pa makalabas lahat nahuli na ni Jigger at Trigger yong dalawang tauhan na naunang lumabas nakaposas na itong isinakay sa truck van. Ang mga bata naman ng makalabas na lahat ay kaagad isinakay sa kabilang sasakyan. May tatlong tauhan pa ang nakasunod pero hindi na ito nakaalma pa dahil  nakatutok na ang mga b***l nina Bryan at Devon. Kaagad naman sumaklolo sina Anton at Sai para iposas ‘yong tatlong tauhan at isakay sa truck van. Naisakay na lahat ng mga nahuling tauhan ni Benjie pati mga bata. Inihatid nina Weston at Lucas ang mga salarin sa pinakamalapit na police station ng El Nido Palawan para masampahan ng kaukulang kaso at makulong. Sumama na rin sina Jigger, Sai at Anton na binantayan pa nila mismo sa loob ng truck van. Hinatid naman nina Trigger at Renzell ang mga bata sa DSWD ng Palawan para maturn-over ng maayos at mailipat agad sa Manila office upang matulungan ang mga batang maiuwi sa kani-kanilang pamilya. Isinailalim din sa psychological test ang mga bata para malaman kung inaabuso nga sila habang nakakulong. Habang sina Reid at Reichen naman ay nagmamadaling puntahan ang dalampasigan kung saan naka-dock ang sinasakyang maliit na yate nina Myco at mga tauhan nito papunta ng Palawan. Ngunit naabutan nilang hostage ng mga tauhan ni Benjie sina Creo at Sheila. Umiiyak si Creo para makahingi ng saklolo kay Myco Gosiaco pero hindi sila makalapit sa hostages dahil nakatutok mismo sa parehong ulo nila ang b***l. “Tito Myco tulungan n’yo naman po ako ayokong mamatay gusto ko ng makita sina mommy at daddy. “ Palahaw ng iyak ni Creo. “Tumahimik ka na kung ayaw mo pang mamatay! “ Sigaw nito sa bata. “Creo h’wag ka ng umiyak please.. sabi ko naman sa’yo di ba magpakabait ka lang sa kanila dahil makakaligtas din tayo. “ Mahinahong kausap ni Sheila kay Creo na pilit pang inaabot ang kamay ng bata para mapanatag ito. Kinakaladkad silang pareho pasakay sa nakaabang lifeboat na gagamitin nila sa pagtakas. “Ma’am Sheila h'wag na po kayong manlaban makatakas po tayong ligtas dito ako ang malalagot ni boss kung may mangyayaring masama sa inyong dalawa. “ Bulong naman ng tauhang may hawak kay Sheila. Parehong hindi makagalaw si Myco at ang mga tauhan nito  kasama si Keeno na nag-iisip kung paano nila mailigtas si Creo at Sheila. Pero lingid sa kaalaman ng lahat gumawa na ng paraan si Reid at Reichen para magamit ang dalang snipper g*n. Naka-andar na ang lifeboat at nakalayo ng dalampasigan kaya hindi na nakatutok sa ulo ang hawak nilang b***l at pinaupo na lamang pareho sina Sheila at Creo. Magandang position iyon para ma-target nina Reid at Reichen ang mga kidnappers. “Target ko yong may hawak ni Sheila. “ Seryosong saad ni Reichen at naghahanda ng i-release ang bullet. Sabay nilang ginawa ‘yon at parehong sapol ang kanilang mga target. Nahulog agad sa dagat ang may hawak kay Creo at yong kay Sheila bumulagta na lamang sa sahig. Mabilis naman nagpaputok sina Myco at Keeno kaya patay na din ang driver at dalawa pang kasamahan. Sa sobrang taranta ni Sheila sabay na silang tumalon ni Creo sa dagat at mabilis na lumangoy dahil may naihagis na bomba yong isang tauhan bago ito namatay. Nakalangoy na palayo sina Sheila at Creo ng tuluyang sumabog ang lifeboat na kanilang sinakyan kanina. Buti nalang din at lumusong kaagad sa dagat sina Myco at Keeno para sumaklolo sa dalawa. Nasa dalampasigan na silang apat ng tuluyang makalapit sina Reid at Reichen. “Daddy!! “ Sigaw ni Creo at tumakbo patungo kay Reid. “I missed you, son! “ mahigpit na niyakap ni Reid ang kanyang anak at lumuha pa ito sa sobrang galak. “Daddy gusto ko na pong umuwi sobrang namiss ko na po si Mommy Tamara. “ Ganting yakap naman ni Creo habang umiiyak. “Yes Creo makakauwi na tayo ngayon at sobrang namiss ka na din ng Tita Saskia mo. “ “Sheila maraming salamat sa pag-alaga mo sa aking anak at hindi mo talaga s’ya iniwan sa huling sandali ‘yon. “ bukal sa pusong pasasalamat ni Reid. “Ako nalang ang pwedeng magprotekta sa kanya kaya tungkulin ko na rin ang pangalagaan si Creo. Sir Reid si Benjie po nasaan s’ya ngayon?  “ Seryosong tanong ni Sheila. “I’m sorry to tell you this, he’s in the hospital right now. May dalawang tama ng b***l si Benjie at critical na s’yang dinala sa Provincial Hospital. I’m not sure if he’s still alive until now. “ Malungkot na saad ni Reid at tinapik pa nito ang balikat ni Sheila. Papuntang Provincial hospital si Sheila kasama si Myco para kamustahin ang kalagayan nina Brad at Benjie. Si Keeno naman bumalik na sa Swan Air para umuwi ng Stallion Island. Samantala sina Reid at Reichen bumalik na ng Stallion Riding Club kasama ang anak nitong si Reiven Creo. NNaka-escort din sa kanila ang buong Security team ni Myco Gosiaco. Nakarating ng hospital sina Myco at Sheila pero sa information pa lang nakita sila ni Ridge kaya kaagad na lumapit ito sa kanila. “Myco, how’s the operation? Where’s Reid and Creo? “ “They’re both fine and now they’re heading back to Stallion Riding Club with my men and Reichen. How about Brad and Benjie? “ Balik-tanong din ni Myco. “Okay lang naman si Brad pwede na s’yang makabalik ng Manila early in the morning. But sad to say Benjie didn’t survive and he just passed away an hour ago. “ Malungkot ang mukha ni Ridge. “Oh no!! Nasaan na si Benjie ngayon? Gusto ko s’yang makita. “ umiiyak na si Sheila sa sobrang hinagpis para sa  lalaking kanyang minahal. “Nasa Emergency room pa ang katawan ni Benjie nag-contact na kami ng Funeral parlor para mag-asikaso sa kanyang mga labi. Since ikaw naman ang immediate family n’ya nasa iyo ang decision kung ibuburol mo pa s’ya or diretso cremate na. “ “Thank you, Ridge. Bibigyan ko muna s’ya ng formal burial kahit 3 days lang sa St. Peter Chapel. “ pakiusap ni Sheila sa lahat. Kinabukasan bumalik agad ng Manila si Brad at dumiretso na sa hospital samantalang si Myco naman umuwi na sa Stallion Riding Club. Naiwan ang ibang Stallion boys para alalayan muna si Sheila sa 3 days burial ni Benjie Torresalva. Hindi naging madali para sa lahat ang mapagtagumpayan ang kanilang Secret Mission dahil buhay nila ang nakataya at mga buhay din ang handang mag-sakripisyo  para lang makamit ang kapayapaan at kaligtasan ng bawat isa kahit pa may isang buhay ang nawala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD