Successful ang Plan A na tinaguriang Secret Mission between Stallion Riding Club at sa tulong ng Stallion Island. Nakauwi lahat ng ligtas maliban lang kay Brandon James Crawford na napuruhan sa balikat. Inaasahan na sa pagkawala ni Benjie Torresalva mawawala na rin ang mga illegal activities nito sa bansa kasabay ng kanyang paglibing sa lupa. Nahatulan naman si Sheila na makulong ng limang taon. Napababaan ang kanyang sentensya dahil sa pag-amin nito ng kanyang mga kasalanan at nasa loob na s’ya ng kulungan para pagdusahan ito. Masaya na uli ang ambience ng Stallion Riding Club dahil naibalik na si Reiven Creo Alleje ang nag-iisang prinsipe ng mag-asawang Reid at Tamara Alleje. Nagkaroon ng engrandeng pagsalu-salo sa loob Stallion Lounge bilang pasasalamat sa matagumpay na Mission ng b

