CHAPTER 3

1183 Words
Sa loob ng sasakyan nakapag-usap nang maayos sina Brad at Sheila tungkol sa dinadala nitong problema. Maging ang pinakacrucial na problema niya’y naisambulat nito lahat kay Brad. "Brad, alam kong mali pero anong gagawin ko ngayon natatakot ako lalo na kay Reid Alleje? Nasangkot ako sa isang k********g syndicate pero hindi ko iyon sinasadya na mapasama ako sa kanilang grupo. " Muling tumulo ang mga luha ni Sheila at kahit nahihirapan ito sa pagkwento'y ipinagpatuloy pa rin n’ya. "Mula ng ikasal kayong dalawa ni Chiza, nahirapan akong magmove-on at kalimutan ka. Mahal na mahal kita Brad noon pa man hanggang ngayon kahit alam kong hindi mo iyon kayang suklian ng pagmamahal. " muling pahayag ni Sheila sa kanyang saloobin. "So what’s the point of your problem, Sheila? We don’t have any commitments in the past and everything was cleared to you that I don’t let anyone to fall in love with me. " prankang sagot ni Brad "Then why you let that Chiza to fall in love with you? And you’re in love either? That’s the biggest thorn in my heart Brad before leaving Stallion Riding Club. " "Crazy! " "Yeah, baliw na ako kung baliw dahil umaasa akong mapapansin at mamahalin mo rin ako balang araw. Pero binigo mo ako Brad dahil kay Chiza na saglit mo lang nakasama ang s'yang pinili mong mahalin at pag-alayan nang iyong pangalan. Paano naman ako, Brad? Lahat isinuko ko na para lang makasama at makapiling ka! " hiyaw nitong sabi kay Brad. "So you’re taking revenge against us? Is that what you mean, Sheila? " diretso nitong tanong. Pigil ang bawat salitang binitawan ni Brad dahil nag-alala na ito para kay Chiza. "Naging sakim ako at pumayag sa kasunduan namin ni Benjie na siraan si Chiza sa iyo at ang kapalit ng lahat ay maging asset ako ng kanilang grupo sa loob ng Stallion Riding Club para makakuha ng information about Reid Alleje and his son Reiven Creo. " "What? ! Mapapatay talaga kita Sheila oras na may mangyayaring masama sa asawa ko! " pigil nito sa kanyang galit. "I’m so sorry Brad. Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil pinagbabantaan din nila akong patayin oras na ilalaglag ko ang grupo at papatayin nilang pareho si Chiza at Creo. " Hindi na pinakinggan pa ni Brad ang bawat sinasabi ni Sheila dahil labis na ang pag-alala nito kay Chiza at Creo na hawak ngayon ng mga sindikato. Kinontak kaagad ni Brad si Chiza pero out of coverage kaya sa opisina ito tumawag para ipagtanong ang kinaroroonan ng kanyang asawa. Ngunit ayon sa kasamahan nito hindi pa bumabalik mula ng mawala ito bigla sa Rider’s Verandah. "Sh*t! " mura pa ni Brad at hinampas pa ang manibela. Mas lalong natakot si Sheila sa ginawa ni Brad kaya napahagulgol na naman ito ng iyak. "Walang silbi ang pag-iiyak mo d'yan kung hindi mo sabihin sa akin ang kinaroroonan ng asawa ko at ni Creo! " Puyos sa galit si Brad na pinasibad nang takbo ang kanyang sasakyan at dumiretso sa opisina ni Reid Alleje. Hindi pa nakaparada ng maayos ang kotse pero pinahinto na ni Brad at lumabas para buksan ang passenger’s seat tsaka hinatak palabas si Sheila. "Brad! Bitawan mo nga ako nasasaktan na'ko. " nagpupumiglas si Sheila pero hindi nito binitawan at kinaladkad pa n'ya papasok sa opisina ni Reid. "Masasaktan ka talaga sa akin kapag magsisinungaling ka pa sa harapan ni Reid, now tell him the truth! " sigaw ni Brad kay Sheila. Nagulat si Reid sa walang abisong pagpunta ni Brad at kasama pa n’ya si Sheila. Mugtong-mugto ang mga mata nito sa ilang oras nang pag-iiyak. "What’s going on Brad? " takang tanong ni Reid at inilahad pa ang kamay para paupuin ang mga panauhin. "Sir Reid, patawarin n'yo po sana ako sa lahat ng mali kong nagawa. Naging biktima lang din po ako para masangkot sa kasong ito. " humihikbi pang sabi ni Sheila kay Reid. "What the hell is going on with you Brad?! You’re too busy with this woman and other things but you didn’t know what happened to your wife? " bulyaw naman ni Reid sa kanya. "What do you mean by that Reid? " takang tanong ni Brad. "Nahulog lang naman sa bangin ang paborito mong sasakyan kasama ang asawa mo! Nandoon na sina Myco at Kester sa site para ma-rescue na agad si Chiza. " Sa sinabi ni Reid napalakas ang singhap ni Sheila kaya agad na napatingin ng matalim si Brad. "Take care of this woman, Reid! She’s your lead to find out the whereabouts of Reiven Creo. " Hindi na hinintay pa ni Brad na makasagot si Reid at nagmamadali itong lumabas ng opisina. Kaagad na kinontact si Myco para iconfirmed ang tunay na kalagayan ni Chiza. Ring lang nang ring ang cellphone ni Myco pero hindi nito sinasagot kaya si Kester nalang ang tinawagan nito at kompirmado nga ang nangyaring aksidente ni Chiza. Kaagad na pumunta si Brad sa pinangyarihan ng aksidente at labis ang pag-alala nito para sa kanyang asawa. Hindi biro ang ginawang pagrescue kay Chiza Crawford, natagalan ang mga rescuer dahil matarik at masukal pa ang bangin na kinabagsakan ng sasakyan nito mabuti nalang at nakapagsuot ito ng seatbelt kaya hindi tumilapon sa malayo ngunit malaki ang naging pinsala sa mukha ni Chiza. Napasubsob kasi ang mukha nito sa basag na salamin ng sasakyan at may mga bubog pa sa kanyang mga mata. Isang malaking himala ang makaligtas ito sa aksidenteng kinasangkutan. Bago pa nakaalis ang ambulansya dumating ang mga kaibigan nitong Stallion babes. Kalat na kasi sa buong SRC ang aksidente ni Chiza kaya halos lahat ng mga kaibigan nito’y nag-alalang sumugod sa lugar. Hinarang muna ang pag-alis ng ambulansya ng dumating si Tamara Alleje ang kabiyak ni Reid Alleje at ang official Veterinarian ng SRC. "Wait lang Kester! " habol ni Tamara sa papaalis na ambulansya at tinignan maigi ang kalagayan ni Chiza. Natutop ni Tamara ang kanyang dibdib sa sobrang kaba at pagkabahala sa kalagayan ni Chiza. Kahit pasaway ito pero isang mabuting kaibigan ang turing sa lahat. "Kester kamusta na ba ang kalagayan ni Chiza at alam na ba ito ni Brad? Bakit kasi hinayaan n'yang magmaneho ng sasakyan ang babaeng iyan? Si Myco nasaaan na ba? " sunud-sunod na katanungan ni Tamara. "I’m here. Just relaxed and go home Doc Tamara kami na ang bahala dito dahil hindi makakatulong ang pagbubunganga sa ganitong sitwasyon. " "Where’s Chiza? " humahangos naman na lumapit si Sofiajade pero katulad din ni Tamara hinarangan ito ni Myco para makalapit sa kinaroroonan ni Chiza. Isasara na sana ang ambulansya ng biglang sumugod si Brad para pigilan ito tsaka nagmamadaling sumakay at umupo sa tabi ni Chiza. Nanlulumo ito ng makita ang kalagayan ni Chiza halos dinurog ang kanyang puso sa sinapit nito. "Sana ako nalang ang nasa kalagayan mo, hon. So please be strong and don’t ever leave me. " pigil ang pag-iyak ni Brad habang mahigpit nitong hawak ang kamay at hinahalik-halikan. Agad nang umalis ang ambulansya kasama si Brad at doc Kester para alalayan si Chiza na dalhin ito sa pinakamalapit na hospital.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD