Sumunod na sumakay sina Doc Kester Mondragon at Myco Gosiaco para samahan si Brad na dalhin si Chiza sa pinakamalapit na hospital ng Tagaytay City.
Habang nasa byahe ay tahimik na umiiyak si Brad at mahigpit pa nitong hawak ang kamay ni Chiza habang dumadaing ng taimtim na panalangin sa kaligtasan ng kanyang asawa.
Hindi rin nagtagal ay nakarating na ang ambulansya sa privadong ospital ng Tagaytay Medical Center. Sa loob ng hospital nakaantabay na rin ang iba pang Doctor na Stallion boys kagaya ni Kester Mondragon,Cloudio Montañez at Reigan Baltazar para maalalayan ang pasyente.
Agad ibinaba ang stretcher na lulan si Chiza inalalayan pa ito ng tatlong Doctor sina Kester, Reigan at Cloud patungong Emergency room. Kaso hindi na pinapasok si Brad kaya naiwanan ito sa labas ng Emergency room.
Hindi mapakali si Brad palakad-lakad ito sa labas ng ER hanggang sa may dalawang resident Doctors na nagmamadaling pumasok at kasunod nito ang dalawang nurse na dalawa defibrillator machine at iba pang gamit.
May isang nurse na lumabas mula sa loob ng ER kaya agad itong nilapitan ni Brad para tanungin sa kalagayan ni Chiza.
Nurse, what happened to my wife? I want to see her! Halos pabulyaw na sabi ni Brad sa natarantang Nurse.
Ah.. Sir bawal po kayong pumasok. As of now, she’s in critical condition due to loses of blood and needs major eye surgical operation dahil sa bubog na tumagos sa kanyang mga mata and Brain CT Scan dahil may mga blood clots sa kanyang ulo. Kaya sir ipagdasal n'yo nalang po na marevive namin s'ya dahil pahina ng pahina ang kanyang heart at pulse beat.
Damn it! Mapapatay talaga kita Sheila oras na malaman kong pakana n’yo itong lahat! Sinuntok ni Brad ang pader ng paulit-ulit hanggang sa tumulo na ang mga dugo sa kanyang kamay.
Stop it, Brad! Hindi ‘yan makakatulong sa kalagayan ni Chiza ngayon kung ganyan ka dapat nga ipagdasal nalang natin na malagpasan nya itong trahedya.
Awat ni Nova kay Brad at humingi ng tulong sa nurse para malapatan ng gamot at bandage ang kamay nito.
I need your help Nova hindi ako naniniwalang simpleng aksidente lamang ito. May nabanggit si Sheila sa akin tungkol sa revenge n'ya against us.
Huminahon ka muna Brad dahil nag-iimbestiga na rin si Myco at ang mga tauhan nito para maresolve ang kaso ni Chiza pati na ang k********g case for Reiven Creo. Kami na ang bahalang magtulungan ni Jenevie para sa legal process.
Brad! Nova! Kamusta na si Ate Chiza? Tanong agad ni Yelena.
Buhay pa ba si Ate Chi? Tanong naman ni Dianne na kasunod lamang.
Baka need na natin magsindi ng black candle para hagilapin ang ligaw na kaluluwa ni Ate Cheetah. Nakangisi pang saad ni Mariz.
Shhh.. Saway naman ni Tamara na kakarating lang din galing sa pinangyarihan ng aksidente at kasama nito sina Sofiajade tsaka si Saskia.
Kamusta na lagay ni Chiza? Tanong ni Tamara at tumabi sa upuan ni Brad.
Hindi pa lumalabas kahit isa sa mga doctor. Pero kanina yong nurse ang lumabas para kumuha ng mga equipments para irevive si Chiza dahil humihina ang kanyang heart at pulse beat.
Brad, magpakatatag ka lang para sa asawa mo. Chiza is always been a fighter by all means kaya makakaligtas din s'ya sa panganib. Pasimpatya na saad ni Khamya.
Oo nga Brad, no worries masamang d**o si Chiza hindi madaling matigi. Pabirong sabat naman ni Jhunnica para mawala ang tensyon sa paligid habang naghihintay ng magandang balita mula sa mga Doctor.
Isang oras na ang lumipas mula ng ipasok si Chiza sa loob ng ER pero wala ni isang Doctor or Nurse ang lumabas kahit ang tatlo nitong kaibigang Doctor hindi rin nakalabas.
Bakit ang tagal naman kinakabahan na'ko? Hindi mapakaling tanong ni Tamara.
Hindi nagtagal lumabas din si Doc Reigan at kaagad naman sinugod ni Seirralaine ng yakap at halik.
Babe, how’s Chiza? Agad nitong tanong sa kanyang asawa.
Niyakap lamang ni Reigan si Seirralaine pero hindi na pinansin ang kanyang katanungan dahil si Brad ang hinarap nito kaagad.
Brad, be strong for Chiza. She’s too weak to survived but I knew it she’s a fighter. Malungkot na sabi ni Reigan.
What do you mean by that? Seryosong tanong ni Brad.
She’s dying but don’t lose hope hindi kami titigil para marevive si Chiza. Gusto ko lang malaman mo any moment from now kung hindi kakayanin ng ating facilities dito sa hospital ililipat namin si Chiza sa Manila para doon gawin ang kanyang major operation.
Then do it! I don’t care about how much would it costs but all I need is my wife. Please do everything for her to survive, Reigan.
Not just Chiza, Brad. You need to know that she’s critical right now since she’s 8 weeks pregnant. We need to induced the baby in order to save Chiza but if not less chances of survival for the baby. Isa sa kanila ang possibleng mawawalan ng buhay kung ipagpatuloy ang pagbubuntis n’ya.
What? ! Halos sabay-sabay na sagot ng mga kababaehan na naroon sa harap ng emergency room.
No! This can’t be happening to them. I want to see my wife please.. I’m begging to see her for a while. Diri-diretsong pumasok si Brad sa ER.
Sir, bawal po kayo dito sa loob! Awat ng babaeng nurse kay Brad para ‘di makalapit sa kinaroroonan ni Chiza.
Chiza!! Sigaw nito habang papalit sa bed. Hon!! Get up now, please.. Di ba ito ang pangarap natin ang makabuo ng tunay pamilya. Andito na s'ya oh sa tummy mo. Mabubuhay s’ya dahil sa'yo kaya lumaban ka lang hon para sa magiging baby natin. Maghihintay kami para sa'yo. I Love you! Pigil ang luhang tumulo sa mga mata ni Brad habang hinahaplos ang tummy at pisngi ni Chiza.
Tama na 'yan Brad. We need to pursue the operation for half way of her survival. We’re running out of time unti-unti ng humihina ang pulso ni Chiza at maging ang heartbeat n’ya. Kaya sumama ka muna sa nurse na mag-assist sa’yo para sa release papers ng paglipat n'ya ng hospital.
Please save my wife and my baby. Do whatever it is just to save them. Umiiyak na si Brad habang inalalayan ng dalawang nurse para makalabas ng Emergency Room.
Sir sa labas po muna tayo kailangan n’yo rin pong pirmahan ang waiver na gagawin ng mga doctor ngayon sa pasyente. Ipagdasal nalang po natin na successful ang gagawin nila para masave pareho.
Pagkatapos napirmahan ni Brad ang waiver muling pumasok ang nurse sa ER at hudyat 'yon sa pagsisimula ng minor surgical operation ni Chiza.
Brad sigurado ka ba talaga na hindi papayag sa labor induction para sa bata? Ikakapahamak 'yon ni Chiza kung sakali. Seryosong tanong ni Doc Tamara.
I can’t! That’s my own blood and I need both of them in order to be completely alive.
We understand you Brad just be strong for your future family. Andito lang kami sa inyong tabi handang tumulong financial and emotional state.
Hindi pa nakasagot si Brad biglang lumabas si Cloudio Montañez at tarantang tinawag ang kanyang pangalan.
Pre! Si Chiza dalian mo nagseizure after her mild operation.
Biglang tumaas ang blood pressure and protein in the urine that caused her for seizure during the operation process. Kaya agad na tinawag si Brad ng mga kaibigan nitong Doctor to hold his love and support for Chiza in order to survive from death.