Nagulantang ang lahat sa sinabi ni Cloud kaya halos sabay-sabay lumapit ang mga ito sa pintuan ng ER para makibalita sana ngunit pinigilan sila ni Cloud na makapasok maliban lang kay Brad na mas kailangan ni Chiza sa mga sandaling 'yon.
What happened to my wife!? Chiza!! Sigaw ni Brad sa nanginginig na boses at dali-daling pumasok. Pero hindi nito inaasahan na masaksihan ang pinagdadaanan ngayon ng kanyang asawa ang makipaglaban kay kamatayan.
Pagpasok ni Brad sa loob ng Emergency room ay bumungad sa kanya ang tunay na kalagayan ni Chiza. Ilang minuto na itong nahihirapan sa pinagdaanan nitong seizure. Bakas sa mukha nito ang lumalaban para mabuhay at makaligtas.
Nakaratay si Chiza habang nagse-seizure ito. Dalawang nurse ang may hawak sa kanyang magkabilang kamay. Kaya inisang takbo lang ni Brad ang kanyang higaan para daluhan ito sa kanyang paghihirap at agad niyakap ang asawa habang umiiyak.
Bihira isang tulad ni Brad ang makitang umiiyak pero sa nakitang sitwasyon ngayon ni Chiza, humahagulgol na ito ng iyak. Ang kaninang pinipigilang mga luha ngayon ibinuhos na n’ya upang maramdaman ni Chiza kung gaano ito kamahal at kaimportante sa kanyang buhay.
Hon!! Mahal na mahal mo’ko di ba? Kaya hindi ka pwedeng mawala. H'wag kang sumuko’t bumitaw dahil labis kitang mahal. Walang silbi ang buhay ko kapag wala ka na kaya kailangan kita para magpatuloy sa buhay. Higit sa lahat mas lalong kailangan ka ng ating baby. Di ba baby? Love mo si mommy at daddy kaya kapit ka lang d'yan anak sa loob dahil mahal na mahal ka namin.
Dahan-dahang nawala at humupa ang panginginig sa buong katawan ni Chiza. Pero biglang nagkagulo ang mga doctors sa nakita nilang luha na dumadaloy sa pisngi nito.
She’s crying! A positive response after her first seizure. Good job, Brad! Masayang sabi ni Cloud at tinapik pa si Brad.
Umaangat ang ulo ni Brad mula sa pagkakasubsob nito sa tyan para makita ang mukha ni Chiza. Nag-uunahang tumulo ang mga luha nito sa kanyang pisngi kaya agad dinaluhan ni Brad at hinalikan sa labi. Tinuyo ng kanyang halik ang mga luhang dumaloy sa pisngi ni Chiza. Inayos pa ito ang magulong buhok na nakatabon sa kanyang mukha.
Natuwa ang lahat ng tao sa paligid dahil walang impossible sa ngalan ng pag-ibig at pananalig sa Poong Maykapal. Lumalaban at kumakapit si Chiza para mabuhay alang-alang sa kanyang mga minamahal sa buhay. Unti-unting bumabalik ang heart beat nito at himalang nagstablized ang kanyang vital signs.
Tama na ‘yan Brad kailangan na nating mailipat agad si Chiza sa St. Lukes Medical Center at Global City dahil hinihintay na nila ang pasyente. Awat ni Kester sa ginagawa ni Brad.
Dali-daling binuhat ng mga hospital aid si Chiza para ilipat sa hospital transport stretcher. Ng maayos na ang pagkalagay sa pasyente, agad na itong tinulak palabas ng ER.
Nakaalalay si Brad at hawak lang nito ang kaliwang kamay ni Chiza kasunod nila ang mga doctor na aalalay sa kanya patungong St. Lukes Medical Center.
Gulat ang mga kaibigan ni Chiza na naghihintay sa kanyang paglabas. Susunod pa sana sila pero sumenyas si Reigan na h’wag ng sumunod sa kanila.
Nahabag si Nova ng makita ang kalagayan ni Chiza kaya agad na tinawagan si Jigger para makahingi ng tulong na ihatid sa private chopper si Chiza patungong St. Lukes Medical Center.
Hey, hon?! Napatawag ang maganda kong misis, anong maipaglilingkod ko sa’yo hon?
Hon! Do something.. Kailangan madala kaagad si Chiza sa St. Lukes ngayon. Kung aasahan ang ambulansya ng hospital baka hindi na makaabot ng Manila ‘yon.
Noted na yan hon. Tinawagan na’ko ni Kester kanina for private emergency transport kaya 10 mins. from now lalapag na'ko sa helipad ng hospital. So relaxed ka lang at h’wag mataranta kasi mahaba pa ang buhay ng gorilla.
Okey, hon. Good to hear. Tipid nitong sagot kay Jigger.
Kaya ikaw Mrs. Samaniego just go home now and take good care of our kids. Remember hindi pa nahuli ang kumidnap kay Creo. Kailangan natin maging maingat sa mga bata hon.
Inuutusan mo ba ako Mr. Samaniego? Inihabilin ko ‘yong mga bata kay Diosa so safe rin sila sa kanilang Tita kaya h’wag ka ngang praning. Inis na wika ni Nova.
Bye, hon! Andito na ang Gorilla dadalhin ko pa ito sa jungle. Love you. Paalam ni Jigger kay Nova bago ito humarap at pinaandar ang engine ng private chopper.
Okey, hon. Mag-iingat kayo at balitaan mo kaagad ako sa nangyayari dyan. I love you too.
Pagkatapos ng tawag nito kay Jigger ay hinarap n’yang muli sina Tamara at iba pang Stallion babes.
Nakaalis na ba sila, Nova? Tanong ni Tamara.
Kakaalis lang ng private chopper at si Jigger ang piloto nila.
Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala na buntis si Chiza at 8 weeks pa? Biruin mo ‘yon hindi pala baog si Brad. Natatawang sambit naman ni Naville.
Kahit ako di rin makapaniwala sa kanya. Akala ko sadyang matakaw lang s'ya sa mga luto kong cake kaya medyo tumaba at lumaki ang kanyang t'yan. Pero biruin mo 'yon bundat na pala ang loka. Napailing-iling na saad ni Miles.
Si Kingkong at Gorilla magkakaanak na. Yahoww. . Malamang unggoy na 'yan ang lahi dahil ipinaglihi n'ya sa saging. Tumawa ng malakas si Nadja.
Tara na’t umuwi na tayo, ipagdasal nalang natin si Chiza at ang bata na parehong makaligtas. Nagyayang umuwi na si Sofiajade.
Tama umuwi na tayong lahat dahil nakaalis na rin naman si Chiza sana maging maayos lang ang kanilang paglalakbay. May aasikasuhin din kasi ako.
Saan ka ba pupunta Doc Tamara? Takang tanong ni Trizia.
May meeting kami sa private investigators na inupahan ni Reid at sa Security Team ni Myco Gosiaco. May lead na sila sa kinaroroonan ng grupo na kumidnap kay Creo.
Haaisst.. Ang daming problema ngayon ng SRC, safe pa ba tayong lahat? Kaya pa ba ni Myco na pangalagaan ang ating safety? Sunud-sunod na tanong ni Pollyana.
H’wag tayong mangamba hindi hahayaan ni Reid na mauulit pa ito at may tiwala ako sa kakayahan ni Myco. Wika ni Tamara.
Sabay-sabay na umuwi ang mga Stallion babes sa Stallion Riding Club. Si Tamara at Sofiajade ay dumiritso na sa opisina ni Reid, si Nadja at Pollyana kasama si Naville ay dumiritso na sa Picka-Picka, si Nova ay kaagad pumunta sa Villa ni Diosa Florencio para sunduin ang dalawang anak nito at ang ibang Stallion babes ay sumama kay Jhunnica at Miles sa Rider’s Verandah para doon muna magtambay at maghihintay ng balita tungkol kay Chiza.
Less than 30 mins lang ay narating na nila ang private helipad sa rooftop ng St. Lukes Medical Center.
Kaagad ibinaba ang hospital transport stretcher kung saan lulan si Chiza at dumiritso na sa Emergency Room. Sinalubong sila ng mga nurses at doctor ng hospital. Ipinasok kaagad sa loob para isagawa na ang major operation ni Chiza.
Hindi na pinapasok si Brad kaya sinamahan na lamang ito nina Jigger, Reigan at Kester sa labas ng ER. Hindi mapakali si Brad sa paghihintay na naman ng resulta.
Bawat segundo, minuto at oras ang lumipas ay binabalot ng takot at pangamba sa posibleng mangyayari kay Chiza habang isinailalim ito sa major brain surgical operation.
Dahil sobrang lakas ng impact sa pagkahulog ng sasakyan ni Chiza sa matarik na bangin ang kanyang ulo ang may malaking pinsala, pangalawa ang kanyang mga mata na napasukan ng mga bubog mula sa basag na salamin ng sasakyan at pangatlo ang fracture n’ya sa paa sanhi ng pagkaipit nito.
Hindi naging madali ang pinagdaanang hirap ni Chiza ngayon isang himala na lamang kung makaligtas ito sa kanyang major brain surgical operation. Kung saan highly risks for another seizure or sad to say being comatose afterwards.