CHAPTER 6

1113 Words
Abala ang lahat ng Doctors na in charge sa major brain surgical operation ni Chiza at inihanda na ang mga kagamitan sa loob ng Operating Room. Sinusuri muna si Chiza sa loob ng Emergency room, lahat ng medical test ay ginawa muna para ihahanda sa kanyang major operation na agad gagawin pagkatapos ng pagsusuri. Bago ipinasok ng Operating Room ay normal lahat ang kanyang vital signs at maging ang baby nito sa kanyang sinapupunan ay maayos ang kalagayan. Dinala na si Chiza sa OR hinatid pa ito ni Brad na puno ng pagmamahal at pag-asang maging successful ang kanyang operation. Nasa labas pa rin si Brad, Kester, Reigan at Jigger hinihintay ang muling paglabas nito sa OR na buhay at ligtas sa pakikibaka kay kamatayan. Pre, lalabas lang muna ako at bibili ng makakain natin alam kung gutom na rin kayo d’yan tinitiis n’yo lang. Paalam ni Jigger sa kanila at agad lumabas ng hospital. Sige pre, salamat. Ikaw na bahala sa pagkain namin gutom na rin eh. Sang-ayon naman ni Reigan. Naiwan ang tatlo at tahimik na naghihintay ng magandang balita pero lumipas ang isang oras mula ng ipasok si Chiza sa Operating room ay wala pa ring nurse o doctor ang lumabas. Bumalik na si Jigger galing bumili ng pagkain at kaagad naman nilantakan ng dalawa ang dalang pagkain ni Jigger maliban kay Brad na walang ganang kumain. Kumain ka muna Brad, anong oras na hindi ka pa nakakain ng kanin kahit ito munang burger ang kainin mo. Pag-aayang saad ni Kester. I can’t eat. Hangga’t hindi ok si Chiza, hindi rin ako makakain ng maayos. Problemadong wika naman ni Brad. Makakapunta ba dito ang mommy ni Chiza? Singit na tanong ni Reigan. Yes. Sinusundo na ngayon ni Mark Ashley sa Australia ang family ni Chiza at gamit nito ang private airplane ng Stallion Riding Club. Pero ‘yong mommy lang n’ya at ang kanyang Ate Jenzi ang makakasama ni Ash pabalik ng SRC. Mas makakabuti ‘yon sa kalagayan ni Chiza kapag and’yan ang kanyang family. Dagdag pang wika ni Jigger. Maya-maya’y lumabas si Cloud sa Operating room at kaagad lumapit kay Brad. Pre, you need to prepare 5 bags of blood A+ for blood transfusion. Kung walang A+ na pwedeng magdonate agad sa inyo, Brad pumunta ka na sa Blood bank at doon ka kumuha ng dugo at ireplaced nalang kapag meron ng donor. Mahabang pahayag ni Cloud at nagmamadaling bumalik sa loob. Pinigilan ni Brad ang kamay ni Cloudio kaya napatigil ito sa paglalakad at muling tumingin sa kanya. I can donate bloods for my wife kahit uubusin n’yo pa ang lahat kung dugo ayos lang basta mabuhay lang ang aking mag-ina. That’s ridiculous, Brad! You mean that you’ve the same blood type and RH factor? Oh my.. Chiza might be at risks. What do you mean by that, Kester? Naguguluhang tanong ni Brad. It’s not the right time to discuss with this matter, Brad. ‘Coz you need to go at the Med Tech laboratory for your blood screening. Just to ensure that you’re capable for blood donation. Bilisan mo lang at bumalik kaagad. Muling pumasok si Cloud sa loob ng OR samantalang si Brad ay nagmamadaling pumunta sa Laboratory for his blood screening. Humahangos na ito ng makarating sa laboratory dahil sa sobrang pagmamadali. Kaya pinarelaxed muna s’ya ng Med Tech bago pa i-blood test. Nasa labas naman ng laboratory room si Jigger at naghihintay sa paglabas ni Brad pero nakatanggap ito ng tawag mula kay Kester at pinapapunta kaagad ito sa Operating room dahil may nangyayari na naman kay Chiza. Brad! ! Dalian mo d’yan si Chiza! Nagsiezure na naman daw sabi ni Kester. Hindi pa nascreening ang dugo ni Brad pero kumaripas na’to ng takbo patungong OR. Iniwanan n’ya ang Med tech pati si Jigger na sumunod din kaagad sa kanya. Hindi na nakapaghintay pa si Brad na bumukas ang elevator na kanina pa n’ya pinipindot. Nagmamadaling tinakbo ang hagdanan patangungong second floor at dumiritso sa OR kung saan naghihintay sina Reigan at Kester. Brad, kalma lang makakaraos din si Chiza. Wika ni Reigan ng makita ang paghe-hysterical ni Brad. Pero hindi na pinansin ni Brad ang babala ni Reigan dahil pumasok kaagad ito sa OR. Nanlulumong nilapitan ang asawa sa hospital bed. Paano ako magiging kalma ngayon? Paano kung hindi na n’ya kakayanin this time? Akala ko ba maayos ang lahat na ipinasok ang asawa ko dito? Lumalaban s’ya di ba? Pero bakit? Ano ba talaga ang problema? Dugo lang ba ang kulang andito na’ko kahit ubusin n’yo pa basta mabuhay lang ang mag-ina ko. Hiyaw ni Brad ng makapasok sa loob ng OR at niyakap ng mahigpit si Chiza kahit nanginginig pa ang buong katawan nito dala ng seizure attack. Nasaksihan na naman nito sa pangalawang pagkakataon ang paghihirap ni Chiza sa pangalawang atake ng seizure. Isang masamang senyales para sa kanya na nagbubuntis. It’s too risky. Sa kalagitnaan kasi ng operasyon ni Chiza nagkaroon ng mild complications at biglang tumaas na naman ang kanyang blood pressure hanggang sa mauwi into another seizure attack. Walang ibang nagawa si Brad kundi ang umiyak na lamang ng umiyak dahil hindi na talaga tumigil ang seizures na nangyari sa kanya ngayon. Kaya binalot s’ya ng takot at pagsisisi sa sarili nitong decision. Sana pumayag na lamang s’ya na mainduced labor ang baby namin para mabuhay s’ya. Pero isinugal ko ang buhay mo para lang sa baby natin kaya hon patawarin mo’ko please lumaban ka naman para sa’min. I love you, hon. I really really loves you. Walang humpay na iyak ni Brad. Kahit anong pagsisisi ni Brad huli na ito dahil hindi kinaya ng katawan at utak ni Chiza ang nangyaring komplikasyon sa kanyang brain surgical operation. Nasa seizure attack pa rin si Chiza ng ikabit sa kanya ang ventilator machine para maagapan ang paghinga nito at kaagad nilipat ng ICU. Sa loob ng ICU nirevive nilang muli si Chiza at dahil sa komplikasyon at matinding seizure na pinagdadaanan nito nauwi sa comatose stage. Kaya ngayon ginagawan na nila ng paraan para mabuhay ang bata sa loob ng sinapupunan ni Chiza hanggang sa kabuwanan nito. She’s striving hard from death but being comatose is no difference from being dead. But for the sake of their baby, she might be alive in bed with full of emotions and empty mind.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD