Everyone is worried about Chiza’s condition and no one have known her real delimma while she’s on a comatose stage.
But it seems that Chiza’s spirit is wandering somewhere in a Paradise between life and death.
Isang kaaya-ayang huni ng musika ang gumising sa nakahimlay na diwa ni Chiza. Dahil sa musikang pumailanlang mula sa kawalan ay nagising ito sa kanyang malalim na pagkatulog. Dahan-dahang idinilat nito ang kanyang mga mata at iniikot ang paningin sa buong paligid ng kwarto.
Namangha si Chiza sa kanyang nakita pure white kasi ang pintura ng dingding at may design pa ng iba’t – ibang kerubin at angels na nasa alapaap. Napangiti s’ya dahil sa taglay nitong kagandahan.
Bumangon mula sa pagkakahiga ng kama pero nakaramdam agad s’ya ng sakit sa kanyang ulo. Kinapa-kapa n’ya ang kanyang ulo at nasagi nito ang benda sa kanyang noo tanda na may tinapalan itong sugat.
Anong nangyari kaya sa’kin? Paano kaya ako napupunta dito? Parang.. Parang nasa langit na ba ako? Biglang natutop ni Chiza ang kanyang bibig after herself realizations of what happened to her before.
Muling nanariwa sa kanyang isipan ang tunay na dahilan kung bakit s’ya naaksidente at nag-aagaw buhay sa mundong ibabaw.
Bakit ka malungkot at umiiyak, Chiza? Isang tinig ang narinig nito mula sa kawalan. Hindi mo dapat mararamdaman ang kalungkutan dito sa aking Paraiso. Ngunit sa aking nakikita sa’yo umiiyak ka dahil nararamdaman mo pa ang sakit. Pagpapatuloy na wika ng isang boses lalaki.
Noong una natatakot si Chiza ng marinig ang boses ng isang lalaki pero unti-unti n’yang naiintindihan ang lahat kung nasaan s’ya ngayon. Wala s’ya sa Stallion Riding Club kundi nasa Paraiso ng mga kaluluwang humiwalay sa kanilang katawang lupa.
Patay na ba ako? Pero bakit nararamdaman ko pa rin ang hinanakit sa aking puso? Oh Lord.. please let me live once again. I still have a lot of things to settled on earth. Umiiyak na wika ni Chiza sa kanyang kausap.
Bigyan mo ako ng sapat na rason para bibigyan kita ng pangalawang pagkakataon na mabuhay. Hindi sapat ang nais mo lang na mabuhay pa sa mundo. Hamon na saad ng lalaki.
Kailangan pa’ko ng aking baby na kumakapit sa’king sinapupunan at nais ko pa sanang masilayan n’ya ang kagandahan ng kanyang magiging mundo. Nais ko rin po sana ang makasama si Brad upang mabubuo ang inaasam naming pamilya. Pero paano ko pa ‘yon mabubuo kung hindi mo na ako pagbibigyang makasama sila muli? Napahagulgol na ng iyak si Chiza habang sapo nito ang kanyang t’yan.
Gusto mo pa bang malaman ang buong katotohanan at dahilan kung bakit ka naririto sa aking Paraiso? Gugustuhin mo pa kayang mabuhay muli at naising makasama ang ‘yong pamilya kapag malaman mo na ang katotohanan? Sunud-sunod na katanungan ng isang boses mula sa kawalan.
Nasa PBB House ba ako ngayon at ito na ba ang bahay ni kuya? Big Brother, ikaw na ba yan? Paautograph naman po. Pilyang napahagikgik ni Chiza.
May nakakatawa ba sa mga sinasabi ko? Kung nais mong malaman ang nangyayari sa iyong nakaraan at sa kasalukuyan? Ihanda mo na ‘yong sarili at lumabas sa kwartong ito.
Ay.. Sorry na po. Thank you so much for giving me the second chance to reminisce with my life again. Alam kong pasaway ako pero mabuti naman po akong tao. Ngumiti si Chiza at lumabas na ng kwarto.
Bumungad sa kanya ang kalawakan ng harden. May mga kerubin at angels ang masayang naglalaro at naghahabulan. Samantalang masayang nagtatawanan ang mga Anghel.
Ngumuti ng matamis si Chiza dahil naaliw s’yang tinignan ang mga ito. Pero pinukaw ng isang lalaki ang kanyang pananahimik sa isang tabi.
Chiza! Bakit hindi ka sasali sa kanilang kasiyahan? Tanong ng isang lalaki na familiar ang boses kaya agad na lumingon si Chiza sa kanyang likuran.
Laking gulat n’ya dahil hindi nga s’ya nagkamali. It was her father who died 3years ago. Nagulat man sa kanyang nakita pero kaagad s’yang lumapit dito para yakapin ng mahigpit ang kanyang daddy.
Daddy, I missed you so much. Yumakap ng mahigpit si Chiza at muling umiyak.
Shhh.. Baby stop crying. I’m glad that I saw you here but this is just temporary. You need to surpassed your mission baby good for 9 days.
Paano kung hindi ko malagpasan ang mission within 9 days dad? Tuluyan na po ba akong mamamatay? Sunud-sunod na tanong ni Chiza.
Kailangan mong malagpasan ‘yon dahil marami ang naghihintay sa’yong pagbabalik. Singit ng isa pang lalaki.
Tumingin si Chiza sa kanyang likuran at laking gulat nitong makita ang dati n’yang kasintahan.
Max!? Lumayo si Chiza sa kanyang ama at lumapit kay Max.
Maaliwalas ang mukha nitong nakatingin lamang sa kanya. Wala ng bakas na namatay ito sa lubhang karamdaman.
Agad den naglaho ang ngiti ni Chiza ng maalala ang dating kasintahan at naalala pa n’ya kung gaano ito kamahal noon.
Bakit Chiza hindi ka ba masaya na makita akong muli? I missed you. Mapait ang ngiti ni Max.
I missed you too, Max. But I’m sorry I didn’t mean it to fall in love with another man. I didn’t kept my promise to love you even in my last breath.
Bumigay lahat ng depensa ni Chiza kaya umupo na ito sa pinakamalapit na umupuan at nanginginig pa ang kanyang mga tuhod sa sobrang tensyon. Pero agad sumaklolo si Max at tumabi ng upo sa kanya. Niyakap s’ya nito ng mahigpit and he gently kissed her forehead.
I won’t hold you back, Chiza. Our love for each other was merely pure and innocent. I’m so sad leaving you in pain and sadness my love. But now very glad that finally you’ve found the right love for you. He smiled with a sudden pain in his eyes.
Tumabi na rin ang kanyang ama. Mas kailangan ka nila sa mundo. Ang pagmamahal ay may kaakibat ‘yan ng pighati kaya kahit anong sakit hwag kang sumuko.
Dad mahal ko pa rin po si Brad pero may iba na s’yang mahal. Ang sakit po niloko lang n’ya ko. Akala ko pa naman masosorpresa s’ya sa magandang balitang ihahatid ko sana pero ako pala ang masorpresa. Humahagulgol ng iyak si Chiza at yumakap sa kanyang ama.
Bago pa mahuli ang lahat gusto kong ipakita sa’yo ang dapat mong malalaman. Ito ang iyong gabay para magagawa mo ng maayos ang ‘yong mission bago ka makabalik sa ‘yong katawan. Umi-echo pa ang boses nito sa kawalan.
Nawala agad ang boses nito at unti-unting bumukas ang malaking pintuan. Ang dating maliwanag napapalitan ng mga berdeng tanawin. Isang lugar na pamilyar sa kanya ang Stallion Riding Club.
Pinanood n’ya mismo ang flashed view na nag-umpisa sa huling eksenang nasaksihan n’ya sa loob ng Rider’s Verandah.
Naging malinaw na sa kanya ang nangyayari bago pa s’ya umalis. Isang trap lang pala ang lahat at planado ni Sheila ang mangyayari sa kanila ni Brad. Hanggang sa pagdating nito’y sakto lang ang yakap nya kay Brad. Maging ang pagkasira ng sasakyan ni Chiza hanggang sa tuluyang maaksidente ito at nahulog sa bangin.
Tama na!! Hindi ko na kayang makita pa ang kalunus-lunos na nangyari sa akin, daddy.. Umiiyak na naman si Chiza.
Hindi mo ba tatapusin ang ‘yong nakikita? Wala pa dyan sa kalahati ang mission mo pero kung hindi mo na kayang panoorin, hahayaan kita ngayon. Nasa pangalawang araw ka pa naman sa’yong 9 days of mission. Sambit ng boses sa kawalan.
Tahan na Chiza kailangan mong magpakatatag dahil hindi kita iiwan ako ang ‘yong gabay para malampasan mo ito. Sasamahan kita hanggang sa huli kaya kumilos ka na at umpisahan na natin ang paglalakbay. Saad ni Max na nagpagaan sa kanyang kalooban.
Baby, just go and let love surpassed your journey through the second chances of life. Pagtataboy ng kanyang ama.
I love you, daddy at masaya akong nakita ka kahit sandali lang tayo nagkita. Gabayan n’yo rin po ako palagi at ang ‘yong buong pamilya na naiiwan.
Nagpaalam si Chiza sa kanyang ama at maging sa lalaking boses sa kawalan na nagbigay ng mission sa kanya upang mabuhay muli sa pangalawang pagkakataon. Maglalakbay na si Chiza patungo sa mundo ng mga tao para gampanan ang kanyang tungkulin sa tatlong tao na malapit sa kanya kasama n’ya sa mission si Max. Taga-payo, taga-gabay at taga-usig sa tuwing haharap s’ya mahirap at magulong sitwasyon.