Hati ang damdamin ni Chiza ng maglakbay na sila ni Max. Malungkot ang isang bahagi ng kanyang katauhan dahil iiwanan n'ya ang kanyang daddy at ang kabila'y umaasam ng kasiyahan na muling makabalik sa piling ni Brad. At sa pagtanggap nya ng misyon ay ang pagtalikod ni Chiza sa kanyang ama.
Bakit ka naman tahimik Chiza may pinagsisihan ka ba sa pinili mong desisyon? Untag ni Max sa kanyang pananahimik.
Tama ba ang pinili ko Max? Hindi ko alam kung anong mangyayari sa'kin kapag makabalik na'ko? Tulad pa rin kaya sa dati na masaya at puno ng pagmamahalan? Oh di kaya puno ng sakit at paninibugho lamang? Mga katanungan na ibinato ni Chiza kay Max.
Tinitigan lamang ni Max si Chiza at inaarok ang laman ng kanyang puso't isipan. Nalulungkot ito para sa kanya dahil labis din ang pagmamahal n'ya para dito. Pero hindi lang talaga sila ang itinadhana para sa isa't isa.
Sapat ang pagmamahal na nand'yan sa puso mo kaya magtiwala ka lang Chiza. Brad will never ever leaves you, he’ll stay by your side until you wake up one day.
Thank you Max I just hope he would love me until the end. Malungkot na saad ni Chiza habang patuloy na naglalakad.
Manalig ka lang Chiza sa Panginoon at sa pagmamahal ni Brad para sa'yo. He loves you so much. Hindi ko ipagkakatiwala ang babaeng naging buhay ko noon kung hindi s'ya karapat-dapat sa tiwala't pagmamahal mo. Gumuhit ang saya sa mga mata ni Max habang nakatitig kay Chiza.
Masaya na ang paglalakbay nila sa mundo ng mga tao. Unang binisita nila ang St. Lukes Medical Hospital kung saan nakaconfined si Chiza at nandoon pa rin s'ya sa ICU pansamantala habang hindi pa ito stable sa kanyang kondisyon. Nakita n'yang yakap s'ya ni Brad habang mahimbing itong natutulog sa gilid ng kama.
Sa sobrang pagkamiss ni Chiza kay Brad, agad itong tumakbo at yumakap mula sa likuran ngunit tumagos lamang ang kanyang mga kamay sa katawan ni Brad. Muling sinubukan ni Chiza na ipadama ang pagyakap nito ng mahigpit kay Brad pero wala paring nangyari tumagos lang den ang kanyang kamay.
Brad bakit ayaw mo akong pagbigyan na yakapin ka? Alam mo bang miss na kita ng sobra gusto na kitang makasama uli at mayakap ng mahigpit. Bakit ka ba ganyan? Umiiyak na naman si Chiza habang pilit na niyayakap si Brad na mahimbing ang pagkatulog sa kanyang tabi.
Tama na Chiza hindi 'yan makakatulong sa mission mo kung maging mahina ka lang. Kailangan mong maging matatag para sa family mo at kay Brad.
Hindi pa nakalayo sina Chiza at Max ng biglang bumukas ang pinto ng ICU room ang kanyang mommy at ang Ate Jenzi n'ya. Hindi makapaniwala si Chiza na makita ang kanyang ina sa ganitong sitwasyon pa at nakita n'yang umiiyak ito ng labis hanggang sa mawalan ito ng malay. Kaagad na sinaklolohan ni Brad ang kanyang ina at pinahiga sa pinakamalapit na sofa. Umiiyak na lumapit kaagad si Chiza sa kanyang ina at yumakap ng mahigpit kahit tumatagos lang ito.
Mommy gumising na po kayo.. hwag na po kayong mag-alala mabubuhay pa'ko pangako yan mommy gagawin ko ang lahat para lang mabuhay muli. Aalis muna ako mommy para gawin ang mission ko para muli akong magising. Hon, hwag mong pababayaan si mommy at Ate Jenzi ha, I entrust them to your care. I love you, Hon and I missed you so much. KaKausap pa ni Chiza sa kanila as if na nakikita s'ya at narinig.
Chiza!! Chiza!! Biglang sigaw ng mommy ni Chiza at humagolhol ng iyak habang niyayakap ito ni Brad. I saw my daughter Brad nandito lang s'ya kinakausap n'ya ako habang umiiyak. Nakakaawa ang hitsura ng anak ko ayoko na s'ya makitang nahihirapan pa. Sana ako nalang ang nagdurusa ng ganyan h'wag lang si Chiza. Tuloy sa pag-iyak ang mommy nito habang pinapakalma naman ni Brad.
Tama na po mommy h'wag po kayong mag-alala dahil magigising po uli si Chiza manalig lang po tayo sa Panginoon. Matapang ang kapatid ko hindi 'yon basta nalang susuko kaya sana magpakatatag po kayo para sa amin mommy. Sumabay na rin sa pag-iyak si Jenzi habang yakap nito ang kanyang ina.
Gagawin ko po ang lahat mommy mabuhay lamang si Chiza at ang magiging apo n'yo po. May pait na ngiti sa mukha ni Brad.
What? My daughter is pregnant? Oh I can't believe this my baby please wake up! Mommy's here baby kaya gumising ka na please.. dahil uuwi na tayo sa Australia as soon as you wake-up. Doon ka na magpapagaling at manganganak sa una kong apo. Ilalayo na kita dito sa magulong buhay na kasama si Brad.
No, mommy! Hindi ako papayag na ilayo n'yo po sa akin si Chiza. Mahal na mahal ko po s'ya, she's my life and my everything. I can't even go on with my life without her by my side. She's my precious one. Please mommy h'wag n'yo pong ilayo sa akin ang mag-ina ko.
Lumayo si Brad at lumapit sa kinahihigaan ni Chiza. Doon n'ya ibinuhos ang luhang pinipigilan. Hon, hindi ako papayag na magkalayo tayo, hindi mo naman ako iiwan di ba? Kaya natin 'to kaya sana gumising ka na. I love you, hon and I always love you. Humagolhol na iyak ni Brad habang yakap-yakap nito ang kanyang asawa.
Hindi na alam ni Chiza ang gagawin habang pinagmasdan ang kanyang ina't kapatid pati si Brad mas lalo s'yang napaiyak at nahihirapan kaya niyakap na lamang s'ya ni Max para pakalmahin at inaalalayan ito palabas ng ICU.
Max ano na ang gagawin natin naiinip na'ko? Nahihirapan na'kong makita silang nag-alala para sa'kin. Gusto ko ng makabalik sa katawan ko, I missed them all. Umiiyak na naman si Chiza habang nililingon ang ICU room.
Kailangan mong makahanap ng taong pwede makausap ang isang kaluluwa. Kung may kilala kang may taglay na ganoong kakayahan at pupuntahan na natin ngayon para maumpisahan ang 'yong mission.
Saglit na nag-isip si Chiza kung sino sa mga kaibigan at kamag-anak n'ya ang pwedeng tumulong sa kanyang mission. Biglang pumasok sa isip nito si Maria Rosario Castañeda ang current Girlfriend ni Isaiah Vijandre. She's creepy, witchy doll and a soul sorcerer. Bakit di nito agad naisipan si Mariz ang magiging susi n'ya sa tagumpay ng kanyang mission para muling mabuhay.
Naglalakbay si Chiza at Max sa loob ng Stallion Riding Club binaybay nito ang bahay ni Mariz. Naiwan si Max sa labas ng kwarto samantalang si Chiza naman ay pumasok sa loob. Mahimbing ang tulog ng dalaga kaya malayang napagmasdan nito ang kanyang kabuuan.
Paano ko kaya magising si Mariz? Tumatagos lang kasi ang kanyang kamay kaya nag-iisip ng maayos si Chiza upang pukawin ang diwa ni Mariz at maintindihan nito ang nais n'yang ipabatid.
Sa naisip n'yang paraan umupo si Chiza sa isang sulok marahan na umiiyak. Iniisip n'ya ang kanyang kalagayan para makakuha nng malalim na hugot at totoong umiiyak na kaagad. Sa tulong den ni Max pinalakas nito ang ihip ng hangin at hinampas nito ang nakabukas na bintana. Sa lakas ng impact ng pagsara at pagbukas ng bintana nagising si Mariz. Kaagad itong bumangon at isinara ang bintana pero bago pa ito maisara isang malamig na hangin ang dumampi sa kanyang pisngi at kaagad nakaramdam ng kilabot sa buong katawan kaya kaagad nitong isinara.
Pabalik na si Mariz sa kanyang kama ng biglang may naulinigan itong iyak ng isang babae. Mahina lamang noong una pero unti-unting lumakas at feeling nya papalapit ang boses sa kanya. Dahil sa sobrang takot kumaripas ng takbo si Mariz palabas ng kanyang kwarto at tumakbo na walang sapin sa paa patungong Rider's Verandah.
Nashock si Chiza sa naging reaction ni Mariz ng makarinig na may umiiyak. Nais n'yang sundan ito para magpaliwanag ngunit nananaig ang kanyang katuwaan sa ginawa nitong pananakot kay Mariz.
Sorry, Mariz. I really need your help and presence to make my mission on earth be possible.