Tawa ng tawa si Chiza dahil kumaripas ng takbo si Mariz palabas sa kwarto n'ya hanggang sa makalabas ito ng kanyang bahay. Walang tamang direksyon ang takbo nito at maging ang pagsuot ng tsinelas ay hindi na nagawa sa sobrang takot.
Chiza! What are you doing with that woman? Gigil na tanong ni Max tsaka sinundan ng tingin ang papalayong si Mariz.
Aba wala akong ginawa sa kanya sinunod ko lang naman ang kagustuhan mong gisingin sya at malay ko bang matatakot sa'kin ng bongga ang lukaret na'yon kasi naman madalas n'ya kaming tinatakot sa multo. Pigil sa pagtawang saad ni Chiza kay Max.
Paano na ang plano natin ngayon kung sinira mo na? Kailangan mong makausap si Mariz yong hindi sya natatakot sa'yo kaya sundan mo na sya kaagad.
Agad na kumilos si Chiza na sundan si Mariz. Malayo na ang narating nito sa kakatakbo kung hindi pa ito bumangga kay Sai di rin ito titigil sa pagtakbo.
Babe!! Sigaw ni Mariz at kaagad na yumakap ng mahigpit sa kanyang kasintahan. Nagtataka man ang lalaki pero hinayaan na lamang n'ya ito at niyakap ng mahigpit.
Babe, what's wrong with you? Bakit ka tumatakbo na nakapaa lang? Sunud-sunod na tanong ni Sai habang yakap nito si Mariz na umiiyak pa.
I was terrified, Babe. I saw Chiza, she's crying in front of me and I'm so scared seeing her like a ghost. She cried out loud under the embraced of Isaiah Vijandre.
Nakasubaybay na lamang si Chiza sa magkasintahan na nagdramahan pa kaya hinihintay na lamang nitong matapos yong dalawa. Parehong naglakad na ito patungong Picka-Picka at pumasok sa loob.
Max, what should I do now? Baka matrauma pa sa'kin si Mariz kapag ipagpatuloy kong gambalain s'ya dahil natatakot ata na isa akong multo. Labis ang pag-alala ni Chiza para sa kanyang kaibigan at maging sa kanyang sarili.
Don't worry Baby hahanap tayo ng tamang timing sa kanya 'yong wala sa state of shock. Ang gagawin nalang natin sundan s'ya kung saan magpunta at kung mapag-isa na s'ya tsaka natin kakausapin ng mahinahon. Paliwanag ni Max kay Chiza habang abala naman ang paningin nito kay Mariz na nanginginig pa ang mga tuhod habang nakaupo sa bakanteng sofa.
Nasa di kalayuan si Sai at busy sa kakapili ng mga anik-anik samantalang si Nadja naman ay busy sa pag-aayos ng display kaya naiwanan mag-isa si Mariz na malalim ang iniisip. Ito na ang pagkakataon na hinihintay ni Chiza para makausap ito ng masinsinan. It's all about the life and safety of Reiven Creo Alleje, for her beloved Brandon James Crawford and of course her own life together with the life inside her.
Lumapit si Chiza sa kinauupuan ni Mariz at tinitignan n'ya itong mataimtim. Nagulat si Mariz ng makita s'ya at pasigaw na sana kaso sumenyas si Chiza na manahimik muna kaya tikom-bibig na lamang ito para di makaagaw pansin kay Nadja at Isaiah na parehong abala sa di kalayuan. Naging seryoso na ang dalawa sa pag-uusap at tuluyan ng iwinaglit ni Mariz ang nararamdamang takot para kay Chiza dahil batid nitong kailangan n'ya ng tulong.
Chiz?! Hindi ka naman patay o multo di ba? Pero bakit nandito ka at ganyan ang iyong kasuotan? Ang alam ko nasa hospital ka pa and to be exact you're still in comatose at hindi ka pa nakalabas sa ICU. Then why are you here, Chiza?
Actually, I'm partly a soul out from my body but not a ghost I just need someone who can help me inorder to survive and it's you Mariz. Mahinahon na pasimulang paliwanag ni Chiza.
Then what should I do, Chiza? Kahit ano kakayanin kung gawin para lang makatulong sa'yo dahil lahat kami lalo na si Brad umaasang magigising ka na. Malungkot naman na kasagutan ni Mariz at pinakatitigang mabuti si Chiza.
Ikaw ang makipag-usap kay Myco at Reid tsaka sasabihin mo sa kanila ang lahat ng sasabihin ko dapat maging maingat ka lang sa bawat galaw mo dito sa Stallion Riding Club dahil may connections ang grupo nila dito sa loob at isa na doon si Sheila. Patuloy na saad ni Chiza na seryosong pinapakinggan naman ni Mariz.
Lingid sa kaalaman ni Mariz nagkatinginan sina Sai at Nadja na labis ang pagtataka dahil nagsasalita itong mag-isa na parang may kinakausap sa kanyang harapan pero mag-isa lamang itong nagsasalita.
Babe? Tawag ni Sai kay Mariz ngunit hindi man lang ito nag-abalang lingunin s'ya kaya kusa na n'yang nilapitan ang kasintahan. Ngunit nabigla si Sai sa takbo ng mga sinasabi ni Mariz habang nagsasalitang mag-isa.
Don't worry Chiza, gagawin ko ang lahat para matulungan kita kahit medyo natatakot akong kausapin sina Sir Reid at Sir Myco para lang sa'yo tsaka sa ikalulutas ng kaso gagawin ko 'yon sabihin mo lang lahat sa akin.
Babe? Untag ni Sai kay Mariz na patuloy pa rin sa pagsasalita mag-isa. Hey, you're talking to yourself alone Babe? Are you alright? Kanina ka pa namin pinagmamasdan ni Nadja na parang may kinakausap and you even mentioned Chiza. May pag-alala sa boses ni Sai at niyakap nito si Mariz.
Hala ka Mariz h'wag mong sabihing nababaliw ka na ngayon? Chiza is still in ICU at comatose pa rin hanggang ngayon paano mo s'ya nakakausap? Nagtatakang tanong ni Nadja at pinaglipat-lipat pa ang tingin sa magkasintahan.
I'm not kidding here Nadja but it's real I saw Chiza and even talked to her awhile ago. She's here with us now begging for our help.
Pero wala akong nakikitang Chiza sa harapan ko? Oh my Goodness, Mariz you're getting paranoid or shall I say you're insane already? Pwes kung talagang nandito s'ya, Chiz magpakita ka nga sa amin ni Sai o di kaya'y magparamdam ka nalang! Paghahamong saad pa ni Nadja na pilit pinipigilan ang pagbunghalit ng tawa.
Walang ulan at payapa ang kapaligiran ng Picka-Picka ngunit matapos ang paghahamon ni Nadja biglang may dumaan na malakas at malamig na hangin sa kanilang harapan kaya nilipad ang maliliit na panindang nakapatong table. Kapwa nagkatinginan ang tatlo sa isa't isa hanggang sa nawala ang hangin at muling pumayapa ang kapaligiran.
See naniniwala na ba kayo sa akin? Babe I'm not lying but it's true nakikita at nakakausap ko ang kaluluwa ni Chiza. She's not dead but she needs us to complete her tasks before going back to her own body. At ang unang task n'ya ang tulungan sina Reid at Myco para maresolve ang k********g case ni Reiven Creo dahil malaking sindikato ang dumukot sa bata. Mahabang paliwanag ni Mariz kay Nadja at Sai na parehong nakatulalang nakatingin sa kanya.
Fine, Mariz! Ano ba ang maitutulong ko para sa kanya? Magsisindi ba ako ng kandila dito sa loob ng Picka-Picka para matahimik na wa ang kanyang kaluluwa? Nanginginig pa ang boses na saad ni Nadja.
Gustong-gusto ng sampalin ni Chiza ang kaibigan nitong si Nadja dahil sa mga pinagsasabi nitong wala naman kakwenta-kwenta. Kahit gustuhin man nitong mainis ay nagpipigil na lamang s'ya dahil na rin sa pagpipigil ni Max.
Mariz patahimikin mo na 'yang bibig ni Nadja kasi naiinis na'ko kapag ako nagkatupak guguluhin ko talaga itong Picka-Picka nya. Angil naman ni Chiza.
Oo na Chiza h'wag ka ng mahighblood d'yan ako ng bahala sa kanya. Mulagat ang mga matang tumingin kay Nadja. Pwede bang tumahimik ka na lamang sa katatalak mo d'yan dahil naimbyerna na po si Chiza sa'yong bunganga. Malumanay pero madiin ang bawat katagang binitiwan nito.
Ano ba ang pwede kong maitulong sa kanya? Babe I'm willing to help for Chiza and for the fast recovery of Creo. Saad naman ni Sai para maagaw ang pansin ni Mariz na nagkakaroon ng tension sa pagitan nilang dalawa ni Nadja.
Sasamahan mo kami Babe sa opisina ni Reid at tawagan mo nalang si Myco para doon natin sila kausapin ng masinsinan at maplanong maigi ang pagrescue kay Reiven Creo na hanggang ngayon nasa kamay pa ng mga kidnappers.
I will, Babe. Let's go. Yakag ni Isaiah sa kanyang kasintahan at inalalayan pa itong palabas ng Picka-Picka Shop tsaka naiwanan mag-isa si Nadja.
Hindi naging madali para kay Chiza na gampanan ang kanyang mission pero kailangan n'yang tanggapin ang bawat hamon na darating para lamang makaraos at makabalik na sa kanyang katawang-lupa. Dahil excited na s'yang mabuhay muli at makasama ang kanyang pamilya lalong lalo na si Brad.
Hindi ako susuko basta't para sa ikakabuhay kong muli handa akong harapin ang bawat hamon para mabuhay. Maraming salamat Mariz dahil ikaw ang tanging gabay ko para maipabatid ang aking mission.
Binaybay ng magkasintahang Isaiah at Mariz ang opisina ni Reid pagkatapos nitong makausap si Myco. Sakto lang den dahil nandoon mismo ito sa opisina ni Reid kasama ang buong security team, ang Samaniego twins, ang Mayor ng Sta Barbara at ang mga matataas na opisyal ng NBI para pagplanuhan ng maigi ang gagawin nilang rescue operation.