Papasok na sana ang magkasintahan na Sai at Mariz sa loob ng opisina ni Reid Alleje ngunit kaagad din silang napigilan ng Secretary nito para hindi tuluyang makapasok.
“Sir Sai mahigpit pong i***********l ni Sir Reid na closed door meeting and very confidential kaya dito nalang po muna kayo sa lobby maghintay sa kanya. “ Mahinahong pahayag ng Secretary ni Reid at muling umupo sa kanyang pwesto.
Palakad-lakad si Sai habang nag-iisip ng paraan para makapasok ito sa opisina ni Reid. Tinawagan n’yang muli si Myco para ipaalam sana na naghihintay sila sa labas ngunit nakapatay ang cellphone nito kaya napamura ito ng wala sa oras.
“Babe what’s wrong? “ Nag-alalang lumapit si Mariz sa kanyang kasintahan. Inalalayan nitong makaupo sa pinakamalapit na sofa at niyakap nito si Sai para pakalmahin.
“I can’t contact Myco for now that’s why we need to wait until the meeting is done. “ He let out with a desperate sigh.
“Hayaan mo na Babe maghihintay nalang tayo hanggang sa matapos ito. Chiza maghihintay nalang tayo dito, okay lang ba? “ Saad ni Mariz na nakatingala pa sa kinakausap nitong si Chiza.
“Ma’am Mariz sino ang kinakausap n’yo po? Di ba nasa hospital pa si Ma’am Chiza at comatose ang status? “ Nagtatakang tanong naman ng Secretary ni Reid na halata ang pagtataka at takot sa kanyang mukha.
“Don’t mind us here Madyl just go back to your work. “ Agad namang salo ni Isaiah sa mga katanungan nito.
Gusto na sanang bumunghalit ng tawa ni Chiza sa tinuran ni Madyl dahil hindi s’ya nito nakikita at bukod tanging si Mariz lamang ang nakakakita sa kanya.
“Walang nakakatawa Chiza ginawa mo talaga akong tanga sa ibang tao na hindi alam ang kalagayan mo. “ Pabulong na saad ni Mariz at yumakap na lamang kay Sai.
“Kasi naman akala tuloy n’ya praning ka na pero thank you so much sa inyong dalawa ni Sai. Magkakaroon na'ko ng pag-asa na makabalik sa katawang-lupa ko. “ Seryoso kong turan kay Mariz at tinignan si Max na tahimik lamang sa aking tabi.
“Chiza?! Anong nangyayari sa’yo? Bakit unti-unting naglalaho ka? “ Nagtatakang tanong ni Mariz at titig na titig lamang kay Chiza.
“Max, anong nangyayari sa akin? Bakit ako nagkakaganito? Ohh..no! Please gusto ko pang mabubuhay, nais ko pang makasama ang aking magiging pamilya. “ Mangiyak-ngiyak na saad ni Chiza habang inaabot nito ang kamay ni Max.
“Kailangan mo munang bumalik sa hospital Chiza para matignan natin kung anong nangyayari sa katawan mo. “ Kalmadong sagot ni Max at hinawakan ng maigi ang kanyang kamay.
Ayaw sanang iwan ni Chiza ang magkasintahan sa paghihintay kay Reid at Myco ngunit mas kailangan s’ya sa hospital ngayon kaya sumama na lamang ito kay Max pabalik ng hospital.
Nanlulumo si Chiza ng maabutan n’ya at makita mismo ang kanyang sarili na muling nirevive ng mga Doctor. Biglang nag seizure ito kaya kaagad naman itong inagapan ng mga Doctor na nakaantabay sa kanyang kalagayan.
“It’s been hell seeing her like this, Cloudio! Please do something for my wife and our baby. “ Pagmamakaawa ni Brad sa kaibigan nito at sa kasamahang mga Doctor na nagtutulungan para masagip si Chiza.
“Ang anak ko.. Anong nangyayari sa kanya Brad hijo magigising pa ba ang anak? Paano na yong magiging apo ko makakaligtas pa ba s’ya? “ Humahagolgol ng iyak ang kanyang ina habang niyayakap ito ni Jenzi.
“Please lumabas po muna kayong lahat sa ICU room dahil hindi kami makapagconcentrate sa aming trabaho kung nandito kayong lahat nag-iiyakan. “ Naiiritang saad ng nurse na syang assistant ng mga Doctor.
Wala ng nagawa ang lahat kundi ang sumunod na lamang at napilitang lumabas ng ICU. Umiiyak parin ang kanyang mommy habang nialalayan ito ni Jenzi ngunit bigla itong hinimatay mabuti na lamang at nasa likuran si Brad kaya agad nitong nasalo ang kanyang mommy bago pa tuluyang bumagsak sa sahig.
“Mommy..mommy!! “ Sigaw ni Chiza ng makita ang kalagayan ng kanyang ina. “Max hindi ko na kaya sana ako nalang yong nahihirapan hindi yong mga mahal ko buhay. “ Umiiyak na himutok ni Chiza.
“Calm down, baby. Makakabalik ka rin sa’yong katawan just be patient and stay strong for us. “ Yakap ni Max sa’kin.
Agad din namang sinakluluhan ang kanyang ina na biglang hinimatay pagkalabas ng ICU. Pinaupo muna ito sa sofa habang inaaagapan ito ng isang nurse hanggang sa muli itong nagkamalay.
“Chiza.. Chiza.. Nasaan ka na anak ko? Brad ang anak ko!! Kailangan ako ng anak ko please I need to see my daughter. “ Iyak ng kanyang mommy habang nagpipilit itong makatayo para puntahan si Chiza sa ICU room.
“Please calm down mommy, hwag ka ng mag-alala para kay Chiza she’s strong and a real fighter. Kaya magtiwala lang tayo sa kanya, sa Poong Maykapal at sa kanyang mga Doctor. “ Yakap nito ng mahigpit ni Jenzi sa kanyang ina.
Hindi maiwasan ni Chiza ang malugmok sa nangyayaring dagok sa kanilang buhay at ngayon n’ya lubos na naiintindihan ang kahalagahan ng pagtitiwala sa kanyang minamahal sa buhay. “Kailangan kong mabuhay para sa mga taong nagmamahal at tunay na nagpapahalaga para sa’kin. “
Habag at poot ang naramdaman ni Brad habang pinagmamasdan nito si Chiza na nag-aagaw buhay pa. Nais pa sanang pagmasdan ni Brad ang kanyang asawa n’yang lumalaban pa kay kamatayan ngunit hinawi na ng attending nurse ang kurtina. Kaya lugmok itong umupo sa tabi ni Jenzi at saglit na ipinikit ang mga mata para mag.alay ng taimtim na dasal para sa kaligtasan ng kanyang mag-ina.
Nasa huling pagkakataon na si Chiza para mabuhay at maging ang baby nito sa kanyang sinapupunan ay nanganganib na din kaya isa ang maaaring magparaya para mabigyan pa ng pagkakataong mabuhay ang pipiliin ni Brad. Ito ang pinakamasakit na desisyon ang mamimili sa dalawang taong mahalaga si Chiza nga ba o ang anghel na lumaban at matindi ang kapit para mabuhay lamang.
Maya-maya pa’y lumabas si Cloudio Montañez para kausapin si Brad ng masinsinan upang ipaalam dito ang tunay na kalagayan ng kanyang mag.ina na kapwa nasa bingit ng kamatayan. Bilang mapagmahal na asawa at sabik na magiging ama, sino sa dalawa ang karapat-dapat na mabigyan ng pag-asang mabuhay? It’s a tough decision for him to risk between the life of his beloved wife and their baby. Who’s gonna be saved and alive?