Chapter 5

3851 Words
Chapter 5   Making deals with the devil   “Where is my son?! Ilabas niyo ang anak ko!” I felt like my heart was about to jump out of my chest. Para akong nalunod sa isang balong malalim.   I slowly turn my head towards the man’s direction. Tatlo-tatlo ang mga bodyguards na nakahawak sa kanya ngunit patuloy pa rin siya sa panlalaban. His teeth are clenched, his eyes were like flames. When our eyes met I burned.   Para akong mahihimatay. Galit na galit ang mga titig na ibinagay niya sa akin, kung nakakapatay lang ang mga iyon ay kanina pa ako bumagsak dito.   “Trix…” hinawakan kaagad ako ni Kaye.                           “Hindi ka pwede dito, sir!”   “Ang kapal ng mukha niyo para sabihin sa akin ‘yan!”   “Bitawan niyo ‘ko!” Yael said and his voice is filled with danger. Inikot niya ang kanyang paningin at nang mahanap ng mga mata niya si Colton na kasalukuyang karga-karga si Mikel ay lalo siyang nagwala.   It was like he knew that the kid that Colton was holding is his. Lahat kami ay parang naestatwa. We couldn’t move nor say anything. Maging ang paghinga ay parang nakalimutan ko na.   “Nalintikan na!” I heard Ram said when Yael found a way to free his arm form the three men that was holding him. Kaagad niyang sinapak sa mukha iyong isa at ibinuhos ang kanyang buong lakas para makawala.   He was like a wild animal trying to get out of his cage.   We all gasped when he successfully did. The wild animal is finally out of his cage and he immediately ran towards Colton.   The bodyguards was about to come after Yael when my papa raised a hand to stop them.   “My son…” ang kaninang galit nag alit na si Yael ay biglang lumambot nang makita niya ang anak ko. Kinuha niya ito mula kay Colton and Colton wholeheartedly gave Mikel to him.   “God, my son…” I heard his voice cracked. Mahigpit ang yakap niya sa anak ko na kasalukuyang gulat din dahil hindi niya alam kung sino ba ang humahawak sa kanya ngayon.   Hindi alam ni Yael kung hahaplusin niya ba si Mikel sa buhok sa mukha o hahalikan ang pisngi nito. I felt my hot tears streamed down my face. I was feeling scared and overwhelmed at the sight.   My son and the love of my life.   “No! My-my!” natigilan si Yael nang biglang umiyak si Mikel. He wriggle his tiny body to get away from his father’s arm but Yael won’t just let him go. He even tried punching Yael everywhere!   Tumama ang mga suntok ni Mikel sa balikat, pisngi, at panga ni Yael ngunit hindi niya pinansin ang mga ito.   “No, no, baby… I am your daddy. I’m here… nandito na ako.” Yael convinced trying to calm Mikel down. His voice was cracked. God! Para akong sinaksak nang paulit-ulit!   “No, no! My-my! Want my-my!” Patuloy pa rin sa pag-iyak si Mikel at gusto niya pa ring kumawala kay Yael.   “Mikel, anak—“   “Nooo! My-my! Plith! Plith!” takot na takot ang mga iyak ni Mikel at pulang-pula na ang anak ko.   Natakot ako bigla dahil para na siyang hihimatayin. It was like some monster was holding him kaya siya takot na takot.   What even broke my heart is when he started begging his father to let him go. He was saying ‘please’ just so Yael could let him go.   Humakbang ako kaagad papalapit sa kanila. “Y-yael let my son go… h-he’s about to faint.” Pakaiusap ko.   Hindi niya ako tiningnan. His eyes were still fixed at Mikel who’s having hard time to breathe dahil sa pag-iyak niya.   “Yael, Mikel is turning blue!” Colton said.   “Y-yael, please…” naiiyak kong pakiusap.   Hi jaw clenched and I saw his adam’s apple moved when he swallowed. His eyes were full of pain as he slowly let go of my son.   Kaagad na tumakbo si Mikel papalapit sa akin at kaagad naman akong bumaba para kargahin siya. Ang higpit nang yakap niya sa akin at ang sakit-sakit nang mga iyak niya. He wrapped his tiny arms around my neck like he was holding for his dear life.   “Shh… mommy’s here. Mommy’s here. You’re safe, baby…” I cried as I hug my caress his back gently. Nuubo na rin siya dahil sa kaiiyak niya.   “Digna get Mikel’s water. Hurry!” utos ko kay Digna na kaagad naman niyang sinunod.   “Mag-usap tayo, Beatrix. I want the custody of my son,” madilim at walang paligoy-ligoy na sabi ni Yael sa akin. Galit na galit ang mga titig niya sa akin pero kitang-kita ko ang pagtutubig ng mga iyon.   I felt a pang on my chest and at the same time takot. Ito na nga ba ang kinatatakot ko.   “This is not the right time and the right place to talk about that, Yael.” Papa said at humakbang siya papalapit sa amin. Everyone was looking at us now like we’re some kind of telenovala aired during afternoon.   Yael looked at my papa and the corner of his lips lifted up.   “You’re right, sir. Dahil dapat noong ipinagbubuntis pa lamang ni Beatrix ang anak ko ay napag-usapan na namin ang tungkol dito.”   “You know, we can sue you for causing such a commotion here, Yael... Hindi ka pa nga nakakasiguro kung anak mo nga ang apo ko!” Papa said.   Seryosong tiningnan ni Yael si papa. “He is mine, sir. He looks exactly just like me. He is my son.” mariin niyang sabi at tiningnan ang likod ng karga-karga kong si Mikel.   “What if it was just coincidence? Pwede ka naming ipakulong.” malamig na sabi ni papa.   “There’s no other man who had touched Beatrix the way that I did. Akin si Mikel... At hindi ba ako dapat ang nagsasampa ng kaso sa inyo dahil itinago niyo sa akin ang anak ko?”       Ako naman ang binalingan ni Yael nang kanyang galit na tingin. “How could you do this to me?” punong-puno nang panunumbat at hinanakit ang kanyang boses.   Hindi ako nakasagot. Gusto kong mag explain pero hindi ko alam kung paano ko uumpisahan.   I was intimidated by the stares that he is giving me, mabuti na lang at dumating na si Digna dala-dala ang water cup ni Mikel.   Hindi pa rin ako sumagot at pinainom ko nang tubig si Mikel.   “Here, baby…” marahan kong sabi. Hindi na siya gaanong umiiyak. Namumula na lamang siya at sinisinok. I can still feel Yael’s gaze.   “I came with a lawyer today… by the end of this day I want my son to come with me,” malamig niyang sabi na naging dahilan upang mag-angat ako nang tingin sa kanya. I met his cold gaze. Nakaawang lang ang aking bibig habang nakatingin ako sa kanya. No, this is not happening! Hindi ito maari!   “Sandali, hindi naman pwede ang gusto mo. You can’t just gatecrash here and take away my grandson!” kontra ni papa.   Umigting ang bagang ni Yael.   “I already lost a year without being with my son at hindi na ako magsasayang pa nang kahit isang araw na hindi ko kasama ang anak ko.” Mababa ang kanyang tono ngunit ito’y desidido. He gave Mikel a brief glance.   “That’s not possible, Yael. According to article 213 of the family code, no child under seven years of age shall be separated from the mother, unless the court finds compelling reasons to order otherwise. And that’s unlikely to happen because Beatrix is not an abusive mother, she loves the kid more than her life. That’s a fact.” Biglang singit ng nakapamulsang si Atty. King Philip.   “Trust me, every mad father who hasn’t been acknowledged to his son’s life since the day he was born could bend and break whatever f*****g law you say.” Madilim nitong sabi.   “Don’t let yourself go that far, Yael. Pwede namang pag-usapan ito.” Colton immediately said.   Tumawa nang pagak si Yael. “Isa ka pa! You knew about my son all along pero hindi mo man lang nagawang sabihin sa akin! You saw me with Vien and we even talked!” iling-iling niyang sabi at frustred na naisuklay ang kanyang mga daliri sa kanyang buhok.   Napaawang ang bibig ni Colton at akmang magsasalita sana siya pero hindi niya mahanap ang mga tamang salita.   “This is all fault, Yael… hindi mo kailangang magalit kay Colton.”  I finally had the courage to speak.   “Digna, hawakan mo muna si Mikel.” sabi ko at mabilis namang sumunod si Digna. Kinukuha na niya sa akin si Mikel ngunit ayaw nitong bumitaw sa akin.   “Baby, mommy’s gonna be back, okay? Kay Yaya Digna ka muna…” marahan kong sabi sa kanya.   “Nooo…”   Tiningnan ko si mama. “Ma, ikaw na muna ang bahala kay Mikel.” Sabi ko sa kanya. Alam ko na kapag kay mama ko siya ibinigay ay sasama siya.   Mama nodded her head and I turn my head to Digna. “Digs, samahan mo sina mama.” Bilin ko. Tumango naman rin naman siya kaagad. Mama went to us at kinuha niya si Mikel mula sa akin, muling umangal si Mikel ngunit kaagad siyang inilibang ni mama.   “Oh, don’t cry… we will play with Nice-Nice! Come on!” Mama said cheerfully. Hindi nakawala sa akin ang mga pagtitig ni Yael kay Mikel habang ipinapasok siya ni mama sa loob. Nakaawang ang kanyang bibig at parang gusto niyang tumutol pero wala siyang nagawa kaya ipinaglapat na lamang niya ang kanyang mga labi at umigting ang kanyang bagang.   I cleared my throat to get his attention. “Let’s talk…” That’s it. It’s time to face him now.   He glared at me. “We should.” He replied coldly before letting out a deep harsh sigh.   “Sasama ako.” Matigas na sabi ni Papa ngunit tiningan ko siya at inilingan   “Pa, hayaan na muna natin silang dalawa. This is their son we are talking about. Sila na ang bahalang magdesisyon para sa anak nila.” Colton calmly said.   Papa looked at Yael, trying to intimidate him but Yael just remained stoic.   -   Being inside a room alone with Yael is making my hand sweat and heart beats abnormally.   “Paano mo nagawang itago sa akin ang anak ko, Beatrix?!” His voice thundered around the room. Galit na galit siya at parang ano mang oras ay handa na siyang tapusin ako.   “Did you see my son’s reaction?! Takot na takot siya sa akin! Ako ang ama niya pero ayaw niya sa akin!” Pumiyok siya at ang kanyang mga mata ay punong-puno nang sakit.   “I-I’m sorry…”   “Sorry? Will that ‘sorry’ could bring back the months that has been wasted just because you hid my son from me?! Ilang pagkakataon ang meron ka para sabihin mo tungkol sa akin ang tungkol sa anak ko pero hindi mo ginawa! Imbes na ipagtapat mo sa akin ang lahat ay pinagtaguan mo ‘ko na parang isang kriminal!” galit na galit niyang sabi at marahas na isinuklay ang kanyang mga daliri sa kanyang buhok.   I was shocked about what he said. Hindi ko alam kung paano niya nalaman na umalis ako noon para magtago sa kanya, ni hindi ko nga rin alam kung paano niya nalaman ang tungkol sa birthday party ni Mikel at itong lugar kung saan namin ito ginanap!   I’ve got thousands of questions running through my mind right now and most of them are starting with “How”   I swallowed the lump in my throat.   “Can you please listen to me first, Yael?” pakiusap ko. Tumawa siya nang pagak at sunod-sunod na umiling.   “And you’re explaining now when you could’ve done that a long time ago?” sumbat niya sa akin.   “You don’t understand!”   “You’re right, Beatrix! I don’t! Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mong itago sa akin ang anak ko!”   “Believe me, noon ko pa gustong sabihin sa’yo ang tungkol kay Mikel pero hindi kita mahanap. I was hoping that you’d show up on Colton’s wedding but you didn’t.”   Humakbang siya papalapit sa akin at pinaningkitan ako ng mga mata. “How can I believe you? Nagkaroon ka na nga nang pagkakataon para sabihin ang lahat sa akin noong nagkita tayo sa New York pero hindi mo ginawa!”   “Natakot lang naman ako na baka kunin mo sa akin ang anak ko!” depensa ko at hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko sa harapan niya.   He looked at me heartlessly. “Well, your worst fear has come.”   Namilog ang mga mata ko at lalo akong nakaramdam ng takot. “Hindi mo pwedeng kunin ang anak ko sa akin, Yael! Didn’t you hear what Philip said awhile ago? No child under seven years of age shall be separated from the mother.” Paglalaban ko.   “Unless the court finds compelling reasons to order otherwise,” dagdag niya at ngumisi nang malademonyo.   “Wala kang maibibigay na rason sa korte para bawiin sa akin ang custody ni Mikel. I love my son and I can never do such things that you were trying to accuse me!”   “I know but I want the custody of my son so bad and clearly, you don’t want to give that to me.”   Umiling ako. “No, that’s why we’re talking right now… w-we… we can have joint custody.” Sabi ko sabay kagat sa pang-ibaba kong labi. Tanggap ko na. Tanggap ko na na hanggang dito na lang kami. Hindi na dapat ako umaasa na mabuo pa kami. Isa pa, pagod na rin naman akong pagtaguan siya. Ibibigay ko na kung ano ang gusto niya.   We can have joint custody. We will take care of our son kahit na hindi kami magkasama. Too bad Mikel has to experience all of these. Yael and I both grew up with a complete family. Pero bakit ang anak namin ay kailangang maranasan ito?   “Good… I want my son to come home with me today.”   My eyes narrowed at him. “Masyado naman yatang mabilis ‘yan, Yael. Could you show a little mercy and let me and my son to absorb all of these?”   He gave me a sarcastic laugh. “Bakit, naawa ka ba sa akin noong itinago mo sa akin ang anak ko? Pinagmukha mo akong tanga, Beatrix!” He pronounced my name through gritted teeth.   “Oo, nandoon na ‘ko. Pinagmukha kitang tanga and I’m sorry. Believe me, I am really sorry! Pero h’wag mo namang biglain si Mikel. Give him time to absorb things. Kahit siya na lang.” I begged.   Mula sa matigas niyang eskpresyon ay unti-unti itong lumambot. “Alright… I will give my son the time that he needed for him to loosen up and after that he’ll stay with me for a year straight before we could come up to doing schedules just like how separated couples do.”   Para akong nabingi sa sinabi niya. “Anong sinabi mo? You want Mikel to stay with you for a year… straight?!” Hindi ko makapaniwalang sabi. Hindi naman ata tama ito!   “You heard me…” he replied coldly at ipinasok ang kanyang mga kamay sa kanyang bulsa.   “And what about me, Yael? You won’t let me be with my son for that whole year?!” napasabunot ako sa aking sariling buhok.   “Good guess.” Sarcastic niyang tugon.   Napapikit ako nang mariin. God! This is frustrating! Pakiramdam ko ay mababaliw na ako!   I didn’t know that talking and making a deal with Yael could be this hard!   Making deals with Yael before was so damn easy. He always considers my feelings or the good outcome before he makes a decision.   But making deals with Yael now was like making deals with the devil.   How did we end up here? How did he end up being so cruel?   He’s changed… a lot.   “You can’t do that, Yael! You’re being unfair!” Maluha-luha kong sabi.   Dinilaan niya ang kanyang pang-ibabang labi at pinaningkitan ako ng mga mata. “Sige nga, Beatrix. Let’s talk about ‘fairness’.” nanghahamon niyang sabi.   Mabagal siyang humakbang papalapit sa akin. Bawat hakbang niya papalapit ay humahakbang ako paatras.   I’m not gonna lie, I’m intimidated and being near with him was just too much to handle.   “You hid my son from me for a year and I won’t let you see him for a year too. Fair point?” aniya sa baritono habang nakatitig sa aking mga mata. His dark eyes were daring.   This is f****d up! Ni sa panaginip ay hindi sumagi sa akin na mawawalay sa akin ang anak ko nang ganoon  katagal!   Para na rin niyang sinabing papatayin niya ako!   Alam ko na gusto niya akong gantihan at alam ko rin na galit siya sa akin pero hinding-hindi ako makakapayag sa gusto niya!   We could just bring this to the court or we could just kill each other right at this moment. Either way, I’m not going to give up my son.   Kahit na takot ako ay lalaban ko siya! I will fight for my son and my right to be with him.   I looked at him daringly. “Alright… Mikel could stay with you for a year… straight!” ngumuso ako at nginisian siya. Tumaas ang kanyang dalawang kilay, waiting for me to say my next sentence. Oo, naniniwala siya sa sinabi ko pero alam niya sa sarili niya na hindi ako basta-basta papayag nang ganoon na lang.   “On one condition…” Pagtutuloy ko. Ngumuso siya at itinaas ang isang kilay. He’s giving me the I-knew-it-look.   “Dapat kasama ako.” matapang kong sabi sabay lunok.   Call me desperate and I’m not gonna deny it. I would probably even say ‘I know right!’ because I know right! Desperada na ‘ko!   Kahit ako gagawin ko para lang hindi malayo sa akin si Mikel.   He wet his bottom lip before letting out a mocking laugh.   “And what do you mean by that?” Nagtanong pa rin siya kahit na nakatingin na siya sa akin na para bang nababaliw na ako.   I clenched my jaw. “You can start by marrying me…”   Tumawa siya ngunit halata sa kanyang mukha na hindi siya natutuwa sa sinabi ko.   Ipiniling niya ang kanyang ulo at muli nanamang bumalik ang kanyang madilim na aura.   “I have a girlfriend, desperate woman.” his voice was low and firm.   I felt a pang on my chest. Hindi ko nga alam kung saan ako nasaktan. Sa pangiinsulto niya ba o sa sinabi niyang may girlfriend siya.   Tumikhim ako at nilunok ko ang tanging pride na natitira sa katawan ko.   “You two aren’t married, right?”   His jaw clenched. “No.” He replied with a straight face.   “Then you can still marry me.” sabi ko.   I saw his fist clenched. “Hindi ako nakikipaglaro sa’yo, Beatrix! H’wag mo ‘kong ginagago! All I want is to be with my son!” he hissed through clenched teeth. Halos maputol na nga ang mga ugat niya sa leeg.   “Well, same here, Yael Salcedo! I want to be with my son too! Kapag pinakasalan mo ‘ko it would be a win-win dahil pareho nating makakasama si Mikel.”   “What am I exactly doing? Making deals with the devil? At Iyan ba ang sinasabi mo sa aking ‘delikadesa’, Beatrix? Alam mong may girlfriend ako!”   Nagpakawala ako nang marahas na buntong hininga at tiningnan ko siya sa mga mata kahit na alam kong malapit nanaman akong maluha.   “Kayang-kaya kong itapon ang delikadesa, digninad, at kung ano mang meron ako para sa anak ko, Yael. Tandaan mo ‘yan.” seryoso kong sabi sa kanya.   Umiling siya. “I’m still not going to marry you.” He rejected me… again. f**k! I felt my heart clenched in pain. “Y-ou must love her so much that you couldn’t accept my proposal… m-mas importante pa ba siya kaysa sa makasama mo ang sarili mong anak?” Hindi ko mapigilang tanong. She’s one of a lucky b***h.   “Hindi kita kailangang pakasalanan para makasama ko ang anak ko… h’wag na tayong mag-gaguhan dito. Ngayon, kung hindi ka makuha sa pakiusapan, pwes, pasensyahan tayo pero mapipilitan akong baligtarin ka sa korte.”   “I have a great lawyer with me. Pwede naming palabasin na pinapabayaan mo ang anak ko kaya sa akin mapupunta ang custody niya. Pwede ko nga ring gamitin laban sa’yo ang pagtakbo mo kasama ang anak ko. If I have to play dirty then I will... You know how filthy rich a Salcedo is at handang-handa akong ubusin lahat ng yaman ko para lang makasama ang anak ko.”   He’s scaring me. Alam ko iyon at hindi ako magpapatinag! This is one thing that I learned from him. Kapag ipinakita mong mahina ka ay sasamantalahin niya iyon.   I stood straight and grinned at him with full of confidence.   “I bet walang sinabi ‘yang lawyer mo sa pinsan kong si Attorney King Philip. He was a topnotcher at lahat ng kasong hahawakan niya ay naipapanalo niya… And mind you, Mr. Salcedo, hindi lang pamilya mo ang makapangyarihan dito at handang-handa rin akong ubusin ang yaman ko para lang manatili sa akin ang anak ko.”   “Kahit saang impyerno tayo makarating ay ilalaban ko ang anak ko… at sigurado naman ako na ako ang mananalo, Yael. Mark my words.  Your efforts will just be put up to waste!”   “The only thing that could make the both of us win is for you to marry me… take it or leave it.”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD