Chapter 25 Hurt "Gusto mo ng pineapple? Watermelon?" tanong sa akin ni Yael. Sabay-sabay na kaming kumain sa dining area kasama ang mga pinsan niya, mama niya, at lola't lolo niya. Halos magkasabay kaming natapos ni Yael sa pagkain ngunit itong anak namin ay gusto pa. "Watermelon na lang, hindi pa naman nababalatan iyong pineapple." Natatawa kong sabi sa kanya. Binigyan niya pa ako ng choice e pakwan lang naman ang available sa hapag. "Ipagbabalat kita, sandali lang." "Tsk. H'wag na, Yael. Pakwan na lang. Magpapagod ka pa." "Hindi ako mapapagod... Sandali lang ito." pinal niyang sabi sa akin bago tuluyang tumayo mula sa kanyang pagkakaupo. "Respeto naman sa mga single, oh!" Parinig bigla ni El na naging dahilan upang mapatingin ako sa kany

