Chapter 26 Sobra Pinagmasdan ko ang mahimbing na natutulog na si Yael. Nakapatong ang kanyang ulo sa aking dibdib habang mahigpit na nakayakap sa bewang ko. Hanggang sa pagtulog niya ay bakas pa rin ang pamomroblema niya. Nakakunot ang kanyang noo at lapat na lapat ang kanyang labi. Pero kahit ganito ay hindi ko pa rin maitanggi ang kanyang kagwapuhan. I brushed my fingers through his soft black messy hair while staring down at him sadly. It really pains me to see him like this. Kanina pa sumasakit ang dibdib sa tuwing tinitingnan ko siya. Tahimik lang siya simula kanina hanggang sa makatulog na siya sa dibdib ko. Gusto kong sabihin sa kanya na pwede niyang sabihin sa akin kung ano ang nararamdaman niya but I noticed that silence is his way of coping w

