Naalimpungatan ako na may nakadantay sa braso ko at may mainit na hangin na tumatama sa leeg ko. Sinubukan ko kumawala pero lalong humigpit ang pagkakayakap sakin. Nawala bigla ang antok ko at biglang napabangon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita na si Maximo ang katabi ko at walang suot na pang-itaas. Sumilay ang ngiti sa mga labi niya at dahan-dahang bumangon. Napatakip ako ng mga mata dahil baka kung ano pa ang makita ko na hindi angkop sa inosente kong mata.
"Hey, beautiful!" bati niya sa akin na nasa tono ang pagtawa.
" Beautiful mo mukha mo. Pwede ba mag-bihis ka naman!" asik ko sa kanya. Ang damuhong to hindi na nahiya!!
" Why should I? Ganito naman talaga ako matulog." naghihikab na sagot nito.
Sinubukan ko sumilip sa pagitan ng mga daliri ko at nakita ko siyang nag-iinat. Nakahinga ako ng maluwag nang makita na may saplot naman pala siya na boxer shorts! Inalis ko ang mga kamay ko pero iniwasan ko tumingin ulit doon.
" Do you like the view? " nakangisi niyang tanong. Nahuli niya ata ako na napasulyap doon.
Naramdaman ko ang pag-iinit ng mga pisngi ko kaya tumikhim ako para ma-compose ang sarili. Umiwas rin ako ng tingin para hindi pa lalo uminit ang pisngi ko.
" Bastos! " angil ko sa kanya. " Anong ginagawa mo rito sa kwarto ko? " tanong ko.
" Kwarto NATIN. " pagdidiin niya sa salitang natin. " At para sagutin ang tanong mo, matutulog sana ako pero bigla ka nagising. Pagod na ako sa trabaho sa opisina, can we go back to sleep? " malambing na ang tono niya ngayon.
Napalingon ako sa orasan. Alas dos na pala ng madaling araw. Gaano na ba kahaba ang tulog ko? Bakit hindi man lang ako nagising para maghapunan?
"Hindi na kita pinagising kina manang dahil naghihilik ka pag-pasok ko kanina."
"WHAT??" hysterical na tanong ko.
" Kidding. I didn't have the heart to wake you up kanina kaya hinayaan nalang kita matulog." hinaplos niya ang mga pisngi ko at parang may kung anong kumirot sa puso ko sa paraan ng pagtitig niya.
" Can we go back to sleep now? " ulit niya sa tanong niya kanina.
Akmang tatayo ako nang pigilan niya ako sa braso. Napatayo rin siya sa pagkakahilata kaya medyo nalilis ang kumot sa katawan niya.
"Ay baklang kabayo." sigaw ko sabay takip sa mga mata ko. Sa pagkabigla ko ay muntikan pa ako mahulog sa higaan dahil nasa edge na ako kanina pa, buti nalang at nahila ako ni Maximo pero dahil don ay napaibabaw naman ako sa kanya.
"Hmm.. I'm kinda enjoying this position." pilyong banat ni Maximo.
Agad ako tumayo at hinampas siya sa braso. Hinila ko rin palapit sa akin ang kumot para iharang sa aming dalawa.
"Napakabastos mo talaga!" gigil na asik ko sa kanya. Humalakhak naman siya at pagapang na lumapit sa akin. Hinapit niya ang baywang ko at hinilig ang ulo sa kandungan ko.
"Please let me sleep. I feel at peace when I'm with you." he said and hugged me even closer. Inisip ko kung lalayo o hahayaan siya sa ganoong position pero nanaig ang pagkahabag ko sa kanya dahil wala pang minuto ay parang mahimbing na ang tulog niya. Pinagmasdan ko mabuti ang mukha niya, napakaamo nito habang natutulog aakalain mo na walang sungay na tumubo sa ulo nito. Hinaplos ko ang buhok niya, dahil dito mas lalo siyang sumiksik sa tabi ko. He's got very nice features, from his nose up to the lines of his jaws. Siguro nung nagsaboy ng kagwapuhan si Lord, sinalo lahat ng nanay niya kaya ganito ka-define ang features ng mukha niya. Pinagpatuloy ko lang ang paghaplos sa ulo niya. I hummed a lullaby to help him sleep better. Hindi ko namalayan na unti-unti na rin ako hinila ng antok.
***
Ang init ng sinag ng araw ang gumising sa akin. Hmm.. malamig but somehow my bed feels so warm and... soft. Ang bango rin ng unan ko, sarap yakapin. Nanatili ako nakayakap sa "unan" ng mga ilang minuto nang maramdaman ko na may mga braso ang "unan" na yumakap sakin. Bigla ko naimulat ang mga mata ko, omaygulay. Bigla ako napabalikwas ng bangon nang marealize ko na nakayakap pala ako kay Maximo at hindi sa unan.
" Good morning, sleepyhead. " may pagka-husky na bati niya sa akin.
Napatakip ako ng bibig dahil bigla ako naconscious. Duh! Di pa ako nakapagtoothbrush.
" Good morning." ganting bati ko habang takip ang bibig ko.
" Wala naman ako bad breath pero bakit nakatakip ang bibig mo? " nakakunot ang noo na tanong nito.
" Hindi pa ako nagtoothbrush!! " pagkasabi niyon ay mabilis akong tumayo at tumakbo sa banyo. Narinig ko pa ang paghalakhak niya pagsara ng pinto. I took my time inside the bathroom. Nahihiya ako lumabas at baka mabungaran ko sya na nakaboxer shorts lang. Ang damuho, napaka-komportable na nakashorts lang sa harapan ko. Nagkakasala tuloy ang virgin eyes ko.
Pagbaba ko ng hagdan ay agad ko nakita si Maximo na nakaputing t-shirt at shorts lang, napaka-relax tignan. Iba talaga kapag mayaman ka, pwede ka hindi pumasok sa trabaho. Nalipat ang tingin ko sa kausap niya. He's equally as handsome as him pero mas maamo nga lang ang features ng mukha nito. Hindi nila ako napapansin kaya dahan-dahan ako bumaba ng hagdan, trying with all my might na wag makagawa ng ingay.
" So.. the reason why my brother is not in his office today is because of you my lady? " biglang baling sa akin ng lalaking kausap ni Maximo.
Napatuwid ako ng tayo ng lumingon si Maximo sa gawi ko. He smiled a dashing smile at lumapit sa akin. Hinapit niya ang baywang ko habang ang isang kamay ay nasa loob ng kanyang bulsa.
"Yes, and don't you dare call her your lady. She's all mine." there he goes again with his warning tone.
" Chill, Kuya." nakataas ang mga kamay na sambit ng lalaki sa harap namin.
" Kuya?" ulit ko sa sinabi niya.
" Yes, I'm his brother. Mikael." inilahad niya ang mga kamay sa akin.
Akmang kukunin ko ang kamay niya para makipag-shake hands ng tabigin ito ni Maximo.
" So possessive. You can call me, Mik. So kelan ka pa dito, ate gia?" tanong ni Mikael.
Hinarang na nang tuluyan ni Maximo ang katawan niya sa pagitan naming dalawa ni Mikael. Napangiti ako nang sinubukan sumulyap ni Mikael sa balikat ni Maximo pero napaatras nang subukan siyang banggain ng kuya nito.
" Chill, kuya. I'm just asking her kung hanggang kelan siya mag-stay dito."
I am appalled when he called me by my name. I just met him pero he knew me already. I looked up at Maximo and there I saw his mood changed. Who on earth is this man?