Chapter IX

1126 Words
Nanatili pa rin ako nakatayo sa labas kahit nakapasok na sa loob si Max. I really cannot believe how he can quickly change his mood. Naririnig ko pa rin ang pagmamakaawa ni Elena sa labas kaya akmang susundan ko sila palabas nang may humila sa braso ko. " Iha, mabuti pa ay pumasok ka na sa loob. " mahinang sambit ni Manang Bising na nasa likod ko lang pala. Dala na niya ang medicine kit na hinihingi ni Maximo. " Pero manang... " usal ko. Umiling-iling nalang si Manang Bising at tinanaw ang gate kung saan nakaluhod si Elena at parang estatwa namang nakaharang ang mga bodyguard sa gate. " Noon pa man ay may gusto na si Elena kay Maximo. Umaasa siya na isang araw ay matitipuhan din siya nito. Ilang beses ko na siyang pinagsabihan pero ayaw makinig ng batang iyan. Magmula nang dumating ka rito e nag-iba siya ng ugali, hindi niya rin siguro inaasahan na mag-uuwi ng nobya si Maximo dahil ako man ay walang kaalam-alam. " kwento ni Manang. Napatanaw din ako sa gate. Ngayon naintindihan ko na ang hostility sa akin ni Elena. Hindi niya rin siguro inaasahan ang bilis ng mga pangyayari. Hindi ko rin naman alam kung paano sasabihin kay Manang na hindi naman talaga ako nobya ni Maximo. Isang haplos sa baywang ko ang nagpalingon sa akin. Halos masubsob ako sa dibdib ni Maximo sa paglingon ko, napakalapit naman kasi agad ng damuhong ito sakin. " What are you still doing here? " tanong niya. He seems oblivious to what's happening outside. " Kailangan mo ba talagang gawin 'to?" balik tanong ko. " Don't push your luck today, Gia." warning niya. Nakita ko ang tingin ni manang na parang nagsusumamo na huwag na ako tumutol pa. Bumuntong-hininga nalang ako at hinayaan na hilahin niya papasok sa loob. "When can I go home?" tanong ko habang paakyat kami ng hagdan. " This si your home." walang kagatol-gatol na sagot niya. " Kailan ako uuwi sa bahay ko?" ulit ko sa tanong ko. " Ito nga ang bahay mo. " sagot ulit niya. Pumasok na siya sa loob ng kwarto pero sinadya ko na huminto at hilahin pabalik ang kamay ko. " This should stop, Max." " What? " he turned to me and stared coldly. Naramdaman ko ang lamig ng pagtitig niya sa akin. Parang may kuryenteng gumapang sa spinal cord ko pababa sa paa ko. " Kung ang tinutukoy mo ay ang pagpapaalis ko kay Elena. tigilan mo na. Hindi magbabago ang desisyon ko. " " No, tigilan mo na itong kalokohan mo na 'to. I want to go home. I need to go home!" halos tumaas na ang boses ko sa panic na nararamdaman ko. Naalala ko ang bahay na naiwan ko, ang shop ko, ang mga bills na kailangan ko mabayaran. He let out an exasperated sigh. " I told you many times already. THIS is YOUR home." Mariin at pinal na sagot niya. Sa sobrang frustration ay hindi ko na napigilan ang maiyak. " Hindi mo ako naiintindihan. " naitakip ko sa mukha ang mga kamay ko sa sobrang frustration at sa pag-iyak. Naramdaman ko nalang ang mga bisig niya na yumakap sa akin. "Hush, don't cry. Tell me, gusto ko maintindihan." bulong niya habang hinahaplos ang likod ko. Hindi ko maintindihan kung bakit biglang umagos ang luha ko. Parang lahat ng hinanakit ko sa buhay ay nilabas ko ata sa iyak ko. Ilang minuto rin nang makalma ko ang sarili ko at tinulak ko siya palayo. Hindi naman ako nahirapan na itulak siya dahil siya mismo ay kumalas rin sa pagkakayakap sakin. " You feel better now? " tanong niya habang hawak ang mga braso ko. Nakatingin siya ng mariin sa mukha ko. Tumango lang ako dahil parang nawalan ako ng energy na makipagbangayan sa kanya. Hinila niya ang kamay ko papasok sa kwarto at iginiya paupo sa kama.  Marahan niya kinuha ang braso ko na may paso at sinimulan lagyan ng ointment. Hindi na ito makirot tulad kanina pero namumula na ito. Napansin ko ang pagdilim ng mukha niya habang nilalagyan ng ointment ang braso ko. "Malayo yan sa bituka, wag kang OA. " wala sa loob na sambit ko. Tinaasan lang niya ako ng kilay pero walang sinabi. "Gusto ko na umuwi sa bahay ko, Max." ulit ko sa kanya. "This is not my home, this is your home. Hindi ko alam kung bakit mo ko dinala dito, bakit mo ko kinukulong dito sa bahay mo. Marami ako responsibilidad na kailangan ko gawin. Baka nag-aalala na sakin ang mga staff ko." "Bakit naman sila mag-aalala kung kasama mo ang asawa mo? " seryosong sagot niya habang nakatingin sa mga mata ko. Napanganga ako sa sinabi niya at wala sa loob na natawa. " Patawa ka rin e no. This is not the right time to joke about my civil status." "Sino ba nagsabi na nagbibiro ako?" seryosong tanong niya. Halos manlaki ang ulo ko sa sinabi niya. Asawa? Asawa ko? "Wala ako maalala na nagpa-kasal ako least of all na ikaw ang asawa ko. " " Wala pa pero soon." confident na sagot nito. Napa-awang ang mga labi ko at sinamantala nito iyon para halikan ako. Hindi ako agad nakapagreact kaya nilaliman pa nito ang halik sa akin. Namalayan ko nalang ang sarili ko na tinutugon ang halik niya. Nang maputol ang halik ay pareho na naming habol ang paghinga. "Don't ever do that again in front of me." he said while looking at my lips. " Ang alin?" maang na tanong ko. Ngumisi lang siya at pinisil ang baba ko. " Nothing, babe. You should rest." tumayo na siya at akmang lalabas na ng kwarto nang pigilan ko. "Wait." "What? You want me to stay? " may pilyong kislap sa mga mata niya. Sinamaan ko siya ng tingin na nagpatawa rito. He looked so good kapag nakangiti o kapag tumatawa, parang walang bahid ng kasamaan sa katawan. " Seryoso ka ba sa sinabi mo?" tanong ko. " Saan? " balik tanong din niya. " Sa sinabi mo na alam nila kasama ko ang.. " hindi ko maituloy ang sasabihin dahil maski ako ay hindi makapaniwala. "Asawa mo? Oo. I made it clear to them that I am your husband. " " How? Paano? Kelan?" sunod-sunod na tanong ko. " Relax, you'll find out tomorow." lumapit siya sa akin at hinagkan ako sa noo. " For now, you should rest. I'll explain everything to you later, may gagawin lang ako." he said at umalis na sa kwarto. I stared at myself in the mirror in disbelief. OH MY FREAKING GOSH. NO WAY!!  Hindi ko na maintindihan kung ano ang mga nangyayari. Humiga ako sa kama at hinayaan na lamunin ng antok. Sana paggising ko ay isang panaginip lang lahat ng ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD