Episode 13 Lea

826 Words
Maingat niyang inilabas ang ulo mula sa pinag kubliang malaking bato. Malakas ang pintig ng puso niya habang nakatingin sa bangkang iyon na kanyang natatanaw. Pero hindi niya iyon kailangang gawin dahil papalapit iyon nang papalapit. Mukhang balak ng mga sakay niyon na tumigil sa islang kinaroroonan niya. Lumabas siya sa pinagkublian at nagtatalon habang sige sa pagsigaw. Bumaha ng relief sa dibdib niya nang ganap na makalapit ang bangka. Habol niya ang hininga nang magising siya. Panaginip lang pala iyon. Akala niya ay totoo na. Lumabas siya sa batong pinagkublian at nagpalakad lakad. Papalubog na ang araw. Ilang oras na lang ay kakalat na naman ang dilim. Kailangan niyang manatiling gising sa gabi. Naniniwala siyang mas malaki ang posibilidad na may sasakyang dagat ang dumaan doon sa gabi. Mas makikita nito ang siga na ginagawa niya. Sige siya sa paglakad ng may mapansin siya sa hindi kalayuan. Kaagad niya iyong nilapitan. Empty can of beer ang nakita niya. Bumaha sa dibdib niya ang panghihinayang. May nag punta ba roon habang natutulog siya? Gusto niyang maiyak. Sayang ang pagkakataon. Sana pala ay hindi siya natulog. Nanguha siya ng mga tuyong tuod at mga natuyong sanga at mga dahon. Nagkiskis siya ng bato at gumawa ng siga. Sa tabi siya ng siga nakaupo. Wala siyang tigil sa pagdarasal na sana ay may bangkang dumaan sa islang iyon. Dininig marahil ng nasa taas ang panalangin niya. Natanaw niyang may ilaw na papalapit, tumindig siya hawak ang tuod na umaapoy. Iwinagayway niya iyon. " May tao rito! " paulit ulit na sigaw niya. Palapit nang palapit ang liwanag na iyon hanggang sa maging visible sa paningin niya ang isang bangka. Tinakbo niya ang buhanginan. Dala marahil ng sobrang relief ay hinimatay siya. " Kumusta ka na? " tanong ng isang lalaking nakatayo sa paanan niya. Pinakatitigan niya ito. Sa tingin niya ay limang talampakan at anim na pulgada ang taas nito. Walang pang itaas na damit. Maitim at firm ang katawan. Pero may hitsura ito. Mukhang mabait sa tingin niya. " Nakita kitang walang malay dito sa isla. Ano bang nangyari sayo? " Ikinurap kurap niya ang mga mata. " S...sino ka? " tanong niya. Ngumiti ang lalaki. " Ako si Ryan, mangingisda. " " Ikaw iyong sakay ng bangkang nakita ko? " " Ako nga iyon. Bakit narito ka? " " E...ewan ko. Ano bang lugar ito? " tanong niya. " Valle Trinidad. Ano ang pangalan mo at bakit nag kaganyan ang mukha mo? " Humawak siya sa ulo at nasalat ang sariling mukha. Makirot iyon. " Hindi ko kilala kung sino ako. B..basta nagising ako na naroon sa islang iyon at ganito ang hitsura ko. Naisip ko na marahil ay pasahero ako ng isang lumubog na barko at napadpad doon. " " At kaya hindi mo maalala kung sino ka ay dahil may amnesia ka. " seryosong wika nito. Bumangon siya. Maagap naman siya nitong inalalayan. " Gaano ka na ba katagal sa islang iyon? " " Mahigit isang buwan na siguro. " sagot niya. Kung minsan ay nakakaligtaan niyang bilangin ang mga araw niya roon dahil laging magulo ang isip niya. Pero sa tantiya niya ay mahigit isang buwan na siya roon. " Tiyak na nag aalala na ngayon sa iyo ang pamilya mo. Wala ka bang matandaan na kahit ano? " Ipinikit niya ng mariin ang mga mata at pilit na nag iisip. Ang nakita niya ay isang babae na nasa loob ng library, nagbabasa. Pero malabo ang mukha nito. Pinilit niyang maging malinaw ang mukha nito sa kanyang balintataw hanggang sumakit ang ulo niya. Napaungol siya. " Huwag mong pilitin kong wala ka talagang maalala. " wika ni Ryan. Nag isip ito. " Sa tingin ko ay taga Manila ka. Wala ka kasing accent na bisaya. Kailangan nating pumunta roon para manawagan. " " Sige. " relief niyang wika. " Pag iipunan ko pa, Miss. " wika nito. " Mahal na kase ang pamasahe patungong Manila at kailangang may baon tayong pera, mahal ang bilihin doon. " " S...salamat, tatanawin kong malaking utang na loob kung gagawin mo yan para sa akin. " " Oo naman. Nagugutom ka na tiyak. " wika ni Ryan. " Halika na sa kusina para makakain ka na. Nag iisa lang ako rito. Ulilang lubos na kasi ako at walang mga kapatid. " pagkukuwento nito. " Ngayon ay makakain ka na ng kanin. Mamaya pagkatapos mong kumain ay puwede kang maligo. Isuot mo muna ang damit ko. Bukas ay pupunta ako sa bayan para ibili ka ng mga personal mong gamit. " " Maraming salamat sa iyo, ang bait mo. " " Wala iyon. Ginagawa ko lang ang tama. " tumitig ito sa kanya. " Ano nga pala ang itatawag ko sa iyo? " Pinilit niyang isipin kung ano ang pangalan niya pero walang lumitaw sa kanyang isip. Sumakit na naman tuloy ang ulo niya. " Tatawagin na lang muna kitang Lea. " wika nito. " B...bahala ka. "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD