MARAMING tao sa store. Lahat kami ay abala, ako sa cashier at si Sassy ay kausap ang ibang namimili na nagtatanong. Tatlong araw ang lumipas noong huli kaming nagkita ay hindi ko na nakikita si Della. 'Di ko na mapansing may umaaligid sa akin. Pero maigi na 'yon kesa sayangin niya ang oras sa akin. "Ma'am, five thousand two hundred pesos po lahat," sabi ko sa customer na nasa harapan ko. Pusturang pustura ito at 'di mo aakalaing bibili sa sa tindahan. "What?! Five thousand two hundred pesos? Ano ba ang mga binili ko at ganyan kalaki abg presyo?" Asik nito sa akin. Tila kinabahan naman ako sa pagtaas ng boses ng customer. "Ma'am, nasa dalawang cart po ang mga pinamili n'yo at mga malalaki pong halaga," magalang na paliwanag ko. Pilit kong pinapaintindi ang mga binili niya, ipinakita ko n

