"HAPPY birthday po, tatay!" Masayang bati ko sa aking tatay. Kaarawan niya ngayon at kasama ko si nanay para i-celebrate ang espesyal na araw nito. Hinalikan ko sa pisngi si tatay. Sumunod na bumati ay si nanay. Hindi pa rin mapigilan nito ang pangilidan ng mga luha. "Salamat sa inyo. Akala ko ay hindi niyo ako dadalawin dito." Napaismid ako at tumawa ng mahina. "Tay, hindi naman po puwedeng 'di tayo kumpleto sa birthday niyo. Kahit wala pa po tayong handa. Basta hindi namin makakalimutan ni nanay ang mahalagang araw na ito sa inyo." Gumanti ng ngiti si tatay sa akin at napabaling kay nanay. Tahimik lang itong nakaupo. "Milora, may problema ba? Tahimik ka." "Tay, b-baka po pagod lang po si nanay. Alam niyo naman po, araw araw siyang naglalaba kay Mrs. Concepcion," sabat kong sagot, n

