"HEY! What are you doing here in my suite?" Galit na tanong ng lalaki sa akin. Ilang beses na ba kaming pinagtatagpo ng tadhana? Sa University at pati ba naman dito sa gusaling ito ay makikita ko s'ya. Sabay na pinikit ko ang mata ko. Nagkakasala ang virgin kong mga mata. Hindi pa ito nakakakita ng hubad na lalaki, lalo na ang malaking birdie. "Della, throw her outside your suite! Ang istorbo naman niya," dinig kong naiinis na sabi ng babaeng nasa ilalim nung lalaki. Hmm... Della pala ang pangalan niya. "Will you sh*t up, Ericka! Ikaw ang umalis sa suite ko!" Napaamang ako sa tinuran ng lalaki. Pumalakpak ang tenga ko nang marinig na mas pinapaalis pa nito ang babae. "Ako ang pinapaalis mo, Della?!" Bulyaw na tanong ng babae. Mariin pa rin akong nakapikit. Ayoko silang tignan na da

