BAGO ANG PAGKIKITA

1611 Words
"NANAY! Tatay! Nakauwi na po ako," anunsyo ko. Masiglang inilapag ko ang gamit ko sa upuan. Kauwi ko lang sa bahay namin galing sa University. Walking distance lang ang bahay namin sa University na pinapasukan ko. Hindi naman kamahalan ang tuition fee kaya siro ko napiling mag-aral. Wala kaming yaman na kagaya ng iba. Simple lang ang buhay namin pero masaya kami. Basta kasama ko lang sina nanay at tatay. "Carding, 'wag ka ngang mangiliti. At baka makita tayo ng anak natin. Nakakahiya. Iisipin 'nun ang tanda tanda na namin. Naghaharutan pa tayo ng ganito," rinig kong saway ni nanay kay tatay. "Oh, hayaan mo nga ang anak mo. Minsan lang ako maglambing sayo. Saka malaki na 'yon, alam niya ang ginagawa natin. At normal lang sa mag-asawa ang maglambingan." Napailing na lang ako na naglalakad palapit sa mga magulang ko. Napaka-sweet ng parents ko sa isa't isa at hanga ako sa pagsasama nila. Kung magkakaroon ako ng asawa, ang gusto ko sa lalaki ay katulad ni tatay. Pero malabo atang makatagpo ang ng katulad ni tatay. Ni wala ngang nanliligaw sa akin. Hindi ako maganda, nagmamaganda lang minsan. Tumikhim ako para mapukaw ang kanilang atensyon. Natawa ako na napaayos bigla ng upo si nanay. Nilapitan ko sila para magmano. "Ano pong ginagawa n'yo?" Nagmamaang maangan kong tanong. Dinig na dinig ko ang usapan nila. At pulang pula naman ang pisngi ni nanay. "Itong tatay mo kasi. Ang kulit," hinampas ni nanay ng mahina sa balikat si tatay. Napadaing ng mahina si tatay. Tinatawanan ko lang sila. Matagal na silang kasal pero hindi nagbabago ang pagmamahal nila sa isa't isa. "Nanay, naman alam na ni Mel ang ginagawa natin. Malay mo masundan pa natin ang anak natin," biro ni tatay na mas lalong ikinapula ng pisngi ni nanay. Si nanay talaga habang mas lalong tinutudyo ay mas lalo naman na nahihiya. Sanay na ako sa pagiging mapagbiro ni tatay. At hinahangaan ko siya dahil ipinalakita niyang mahal na mahal niya ang nanay ko. "May pagkain na po ba? Nagugutom na po ako," pag-iiba ko sa usapan nila. Hindi ko na kasi matagalan na makita ang pamumula ng mukha ni nanay. "Oo, anak. Nagluto ako ng masarap na hapunan para sayo. Umupo ka na," si nanay ang sumagot. Tumayo na ito at pumunta sa kalan. Naupo ako katabi ni tatay. Niyakap niya ako ng patagilid at inilapit sa kanya. "Kumusta ang eskwela? Ayos na ba ang tuition mo?" "Okay naman po. May kulang lang po ako, pero nasa tatlong libo na lang po. Makakahabol po ako sa bayarin at makakapag-exam pa rin po ako," sagot ko. Hinuhulugan ko ang tuition ko para hindi masyado kaming mahirapan sa pagbabayad. Kaya lang minsan ay gipit na gipit talaga kami. Dalawang taon lang naman ang course na kinuha ko para 'pag nakatapos na ako ay maghahanap na ako agad ng trabaho o 'di kaya'y mag-a-abroad ako. Susubukan ko rin ang swerte ko sa ibang bansa. Baka roon ako yumaman. Maibibigay ko na rin ang gusto nina nanay at tatay. Pahihintuin ko na rin sila sa pagtatrabaho. Parehong may edad na sila at masyadong mabigat ang uri ng trabaho nila. Napansin ko ang pag-iiba ng mukha ni tatay. Hindi man niya sabihin, alam kong nalulungkot siya. Gayunpaman, maswerte ako na nagkaroon ako ng mababait na magulang. Salat man kami sa pera, masayang masaya pa rin ako. Kaya ko naman magtiis. "Pasensiya ka na, anak. Hayaan mo mababayaran din natin ang natitirang balance sa tuition mo. Ako na ang bahala at hindi mo na kailangang alalahanin 'yon." "Tay, may makukuha po akong pera. Huwag niyo na po akong problemahin masyado." Kumukuha ako ng mga trabaho sa University. Mayayaman ang mga estudyante sa East. Ginagamit ko ang pagiging matalino ko para kumita. Gumagawa ako ng mga term paper, project at mga research. Nakakasapat naman ang kita para sa pag aaral ko. Minsan naiisip ko kung naging mayaman siguro kami hindi ganito ang sasapitin ng buhay namin. Sagana kami sa pagkain sa lamesa, maraming pera para bumili ng kahit na gusto namin at nakakapasyal sa iba't ibang lugar. Baka nga minsan ay magtravel kami abroad. Pero, ipinanganak kaming mahirap. Ngunit, hindi naman habang buhay na magiging mahirap kami. Gagawin ko ang lahat para maiahon ko sina nanay at tatay sa hirap ng buhay. Darating din ang araw na hindi na kami kinakapos sa pera. May magandang bahay at maraming sasakyan sa garahe. Ang taas ng pangarap ko. Sabi nga nila, libre lang mangarap. Kaya lulubusin ko na. "Salamat, Mel. Pati ang pag-aaral mo ay sinasagutan mo na. Tungkulin ko dapat at resposibilidad bilang ama mo ang bigyan ka ng magandang kinabukasan. Pero ito lang ang tatay mo. Dakilang kargador lang sa palengke. Nagsisikap naman kami ng nanay mo na naging maayos ka sa abot ng aming makakaya. Ayaw namin na tumulad ka sa amin na walang pinag-aralam. Grade three lang tinapos ng nanay mo at ako naman, 'di ko pa natapos ang grade one. Ni pagbasa ng mabilis hindi ko kayang gawin. Maigi nga ang nanay mo magaling bumasa kaysa sa akin." Malamlam ang himig nitong sabi. 'Di ko naman sila ikinakahiya kahit na ganoon lamang ang natapos nila. Mabuting ama at ina sila sa akin. Kaya maswerte ako na sila ang mga magulang ko. Si tatay ay isang helper lang at minsan ay kargador sa palengke habang si nanay ay labandera at plantsadora. Kahit na mahirap ang buhay namin, busog na busog naman ako sa pagmamahal galing sa mga magulang ko. Doon palang ay kontento na ako. Naiisip ko lang minsan, paano kung naging mayaman pa kami? Hinawakan ko ang kamay ni tatay. Ipinatong ni tatay ang kanyang kamay. "Wala pong problema. Masagana naman po ako sa pagmamahal n'yo ni nanay. At hindi n'yo naman po ako pinababayaan. Kulang lang po talaga tayo sa pera. Pero hindi ko po 'yon inaalala." "Ano na namang drama 'yan? Kayo talagang mag ama, oo. Umayos na kayo at kakain na tayo. Mel, tulungan mo akong ayusin ang lamesa," sabi ni nanay habang lumalapit sa amin ni tatay. Dala nito ang ang mga pinggan at mga kubyertos. Tumango ako at ngumiti. Tumayo na ako para sundin ang utos ni nanay sa akin. Dalawang taon na lang ay makakapagtapos na ako sa University. Makakatulong na rin ako kina nanay at tatay. Tiis tiis muna ako habang inaabot ko ang mga pangarap ko para sa mga magulang ko. Mamaluktot muna. Gusto kong maranasan nila na hindi na maghihirap. Gusto ko ring patigilin sila sa pagtatrabaho. Nagkakaedad na rin sila at buong buhay nila ay ganoon kabigat ang trabaho alam nila. Kinabukasan, maaga akong nagising para maghanda sa pagpasok. Pupuntahan ko ang kompanya na papasukan ko para sa on the job training ko. Next year, thesis naman ang haharapin ko at kasunod niyon ay graduate na ako ng college. Matutupad ko na rin ang lahat ng pangarap ko para sa mga magulang ko. Saka ko na iisipin ang para sa sarili ko. Pagkalabas ko ng kuwarto ko ay nabugaran ko na agad si nanay na naglilinis sa maliit naming sala. "Magandang umaga po, 'nay." "Oh, papasok ka na ba?" tanong nito na hinagod ng tingin ang kabuuan ko. "Opo." "May niluto akong almusal. Nakatakip sa ibabaw ng lamesa." "Hindi na po. Sa University na po ako mag-aalmusal, 'nay." Tanggi kong sagot. Pupunta pa ako ng library kaya maaga ako papasok. Wala kaming mga gadget o internet na magagamit ko sa pag aaral ko. Ayoko nang dagdagan pa pinagkakagastusan nina nanay at tatay. Masikap naman ako at 'di ako mabarkadang tao. "Nasa palengke na po si tatay?" "Oo, kanina pa. Hindi ka na niya nahintay na pumasok para magsabay kayo. Marami raw silang trabaho ngayon sa palengke kaya kailangan niyang maagang umalis." Kilala ko si tatay. Alam kong iniisip niya ang natitira kong bayarin sa tuition ko. Naipangako niyang igagapang ang pag aaral ko. Kahit na ganito lang ang buhay namin ay gusto nilang ibigay ang magandang edukasyon para sa akin. "Alis na po ako, 'nay. Gagabihin din po ako ng uwi mamaya.ay dadaanan po akong trabaho, malapit sa University," paalam ko na ngumiti ng pilit. Sana ipinanganak na lang ako na mayaman para hindi namin nararanasan ang ganito kahirap na buhay. Ang inaalala ko lang ay ang mga magulang ko. Buong buhay nila ay nagpupursige sila para ibigay ang mga pangangailangan ko. Lahat na lang ng trabaho ay pinasok nila para sa akin. Pero hindi pa rin sapat. Kapos pa rin kami. "Huwag kang magpapagod, Mel. Saka, hindi mo naman kailangan na gawin na magtrabaho. Maiipon din namin ng tatay mo ang kulang mo sa tuition mo. Alam ko na importante ang pag-aaral. Dahil kahit kami ng tatay mo ay hindi nakatapos. Hanggang grade three lang ako, ang tatay mo ay grade five. Kaya nagsisikap kami, kahit man lang vocational ay makapagtapos ka," saad ni nanay na namumula na ang mga mata. Malungkot kong tinignan si nanay. Nilapitan ko ito at niyakap na inihilig ang ulo sa aking balikat. "Nanay, kaya nga po pinag iigi ko ang pag aaral ko. Kahit dito lang makaganti ako sa mga pagsisikap na ginagawa niyo para sa akin ni tatay. Mahal na mahal ko po kayo," napasinghot na ito, taas baba ang balikat ni nanay habang impit na umiiyak. Ito ang buhay ng isang mahirap. Tatlong beses pa rin kaming kumakain sa loob ng isang araw. Palaging iniisip ang sa susunod na araw na kakainin. Makapag aral man pero hirap na hirap. Kailangang pasanin at igapang ang buhay. Ako si Melchora Pasanin, disi otso at isang estudyante. Minsan ay nagpa-part time sa isang tindahan malapit sa University na pinapasukan ko para may pangdagdag sa pangangailangan ko sa pag-aaral ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD