MAYAMAN SILA

1502 Words
MAAGANG natapos ang klase namin. I decided to take off sa part-time job ko at naisipang puntahan si tatay sa palengke para tumambay. Wala naman akong gagawin sa bahay. Bukod sa si nanay lang ang andoon ay tiyak na maiinip lang ako. "Mel, sana dumiretso ka ng uwi sa bahay nang nakapagpahinga ka pa. Malilibagan pa ang puting uniform mo," reklamo ni tatay nang tulungan ko siyang dalhin ang isang plastic ng mga grocery items. Kargador si tatay ng kung ano ano, bigas, isda, at may ibang customer sa palengke ang kinokontra siyang magbuhat ng mga pinamili nila hanggang sa makasakay sila ng tricycle. "Tay, okay lang po. Gusto ko lang pong makatulong sa inyo para maagang matapos ang trabaho niyo. At makauwi kayo ng maaga sa bahay." Binuhat ko na ang dalawa sa supot na dala ni tatay saka naglakad papunta sa sakayan ng tricycle. "Carding, ito na ba lahat ang pinamili ko?" tanong ng ginang na naghihintay sa amin sa tapat ng isang tricycle. "Opo, Mrs. Sanchez. Binuhat na nga po ng anak ko." Sinuyod ako ng tingin ng ginang at napabaling kay tatay. "Maganda iyan para habang bata pa ay nakakatulong na sayo." 'Naku, ang gusto ko po ay makatapos muna siya ng kolehiyo bago siya tumulong sa aming mag-asawa," sabi ni tatay at nginitian ako. "Hamo na. Mukhang ang anak niyo ang magiging swerte ninyong mag-asawa." Dumukot ito sa bulsa niya at ibinigay kay tatay ang isang daang piso. "Bayad ko, bukas ulit. Mamimili pa ako ng mga paninda ko. Salamat sa tulong mo, Carding." At binalingan ako ng tingin nito. "Salamat din sayo, ineng." "Mel po ang pangalan ko. Salamat din po," pagtatama ko at nagpasalamat sa sobrang ibinayad niya kay tatay. Tumalikod na kami ni tatay kay Mrs. Sanchez. Akbay ako ng ama ko na patungo sa tindahan ng tusok tusok. "Baka gutom ka na, Mel. Kumain ka na muna at pagkatapos ay umuwi ka na sa bahay. Hindi ka bagay sa palengke, anak," sabi ni tatay sa akin na ikinasimangot ko. "Tay, ano po ba ako para hindi maging bagay sa palengke? Para n'yo naman pong sinabi na maganda ako at kutis porselana ang balat ko para hindi maging bagay sa palengke." Natawa si tatay sa sinabi ko. "Ikaw talaga puro ka biro. Pinag-aaral ka namin ng nanay mo, hindi para magtrabaho sa palengke. Paghusayan mo lang ang pag-aaral mo at makaapak ka ng stage. Masaya na kami at nakabawi ka na sa amin." Gagawin ko at tutuparin ko ang pangarap nila sa aking makapagtapos ng kolehiyo. Ako lang ang pag-asa nila na makakapag-ahon sa kanila sa hirap. Kaya 'di rin ako titigil na matupad ko 'yon para sa kanila. "Kumain na lang po tayo, tay. Marami pa tayong trabaho," sa halip ay aya ko sa kanya. Pansin ko rin na gutom na siya. "Sige na nga. Mel, pagkatapos mong kumain umuwi ka na." Napabuntong hininga ako. Ipipilit talaga niya sa akin ang umuwi ng bahay. "Kumain na lang po kayo," ani ko na nakangiti sa kanya. Nang matapos kaming kumain ay 'di rin ako napilit ni tatay na umuwi sa bahay. Nanatili pa rin ako na kasama siya at tumutulong sa pagbubuhat ng mga paninda. "Hoy! Ano 'yang ginagawa mo? Bitawan mo 'yan!" Malakas kong sigaw sa isang babae na kinukuha ang paninda sa isang tindahan. Umiiyak ang tindera habang nililimas ng babae ang mga paninda. Nakakunot ang noo na tumingin ang babae sa akin. Maganda naman ito at mukhang mayaman. Pero, bakit siya kumukuha ng tinda? Hindi ba ito naawa sa tindera? Napapailing na lamang ako habang papalapit ako sa dalawa. "Ikaw! Bakit ka ba nakikialam?" Napataas ang kilay ko sa tanong niya at itinuro abg sarili ko. "Miss, sa klase ng damit mo parang mayaman ka naman. Bilhin mo na lang ang mga paninda niya. 'Wag mong sapilitang kunin." Nameywang at napatiim ito. "May karapatan ako sa lahat ng mga paninda rito dahil ako ang may-ari! Nakikialam ka masyado, ang tapang mo! Sino ka ba?" "Ako po si Melchora Pasanin. Dito nagtatrabaho ang tatay ko sa palengke." Matapang na pakilala ko sa sarili ko. "Mel, 'wag ka ng makialam dito. Hindi mo siya kilala," sabat ni Ate Chona na ako pa ang sinasaway. "Ate, kahit hindi ko siya kilala. Parang hindi naman po ata tama na kunin niya ang mga paninda mo. Anong kikitain mo? Galing pa sa utang ang pinambili mo sa mga itininda mo." Nakita kong napaamang ang babae dahil sa sinabi ko. Ninanakaw niya ang paninda ni Ate Chona. Siyempre ipagtatanggol ko ang ito. Pinunasan ni Ate Chona ang mga luha niya. "Doon ka na lang sa tatay mo. Sige na, wag ka ng makialam." "Makinig ka sa kanya, bata. Baka bukas mawalan ng trabaho ang tatay mo. 'Di mo ba ako kilala?" Anito. Naningkit ang mga mata ko. "Wala akong pakialam kung sino ka! Basta ang gusto ko ibalik mo ang mga kinuha mo!" Napaawang ng malaki ang bibig nito. Pinanliitan niya ako ng kaniyang mata saka lumapit sa akin at itinulak na ikinagulat ko. Napatingin ako kay Ate Chona. Umiiling iling ito ng ulo sa akin. Napatingin ako sa babae. Hinahamon ako, ah. Itinaas ko ang manggas ng damit ko at umamba ng suntok. "Parang naliliitan ka sa akin, ah. Isoli mo na ang lahat ng kinuha mo sa mga paninda ni Ate Chona. Dahil kung hindi..." "Dahil kung hindi, ano?!" Hindi niya ako pinatapos ng sasabihin at nagsukatan kami ng tingin. "Mel!" Napatingin ako bigla sa sumigaw — si tatay. Tumatakbo ito palapit sa akin. Pero laking gulat ko ng yumuko ito sa babaeng magnanakaw. "Pasensiya na po sa nagawa ng anak ko, ma'am. 'Di niya po alam ang ginagawa niya." "Carding, pagsabihan mo ang anak mo! Pagbintangan ba naman niyang magnanakaw ako. Itong mukha kong ito magnanakaw," asik nito kay tatay na naka-halukipkip. Nangungusap ang mga mata ni tatay. Parang gustong ipahiwatig na humingi ako ng tawad sa babaeng magnanakaw. "Tay, totoo naman pong magnanakaw siya. Kinuha niya ang lahat ng paninda ni Ate Chona. Hindi na naawa. Ang ganda ng suot niya tapos wala naman palang pera." Ramdam ko na umuusok na ang ilong ng babae. "Mel, hindi mo ba kilala si Ma'am Pamy? Unang asawa siya ni Sir Cruz at may karapatan siya sa lahat ng paninda rito sa palengke dahil sila ang nagpapautang sa mga tindera dito." Litanya ni tatay sa akin. Napatingin ako sa Pamy na babaeng ito. Akala niya ata matatakot ako nang malaman kong asawa siya ng may-ari ng palengkeng ito. "Wala po akong pakialam, tay. Basta ibalik niya ang mga kinuha niya. Lalo lang mababaon sa utang si Ate Chona. Napakawalang puso niya dahil lang sa nagustuhan niya ang paninda ni Ate, kukunin na lang niya basta. Namumuhunan din siya diyan saka pagod at hirap niya para lamang makabenta ng malaki," walang pasubali kong sabi. "Kuya Carding, ilayo niyo na lang po si Mel dito. Baka po mas lalong lumala sitwasyon. Kaya ko na po ito," sabat ni Ate Chona at pilit na ngumiti. Kita ko sa mga mata niya ang lungkot. Napako ang tingin ni tatay sa akin. Hinawakan niya ako sa braso at hinila paalis, palayo sa tindahan ni Ate Chona. "Tay..." sambit ko at binitawan niya ako. "Mel, hindi ka dapat nakikialam doon. Alam ni Chona ang gagawin niya." Tinatanaw ko na lang sina Ate Chona at ang babae sa malayo. Walang habas pa rin ang paglimas ng babae sa mga paninda ni Ate Chona. Napaharap ako kay tatay. "E, sobra naman po kasi ang ginagawa 'nong babae. Hindi na po makatarungan," sabi ko kay tatay. Naiinis ako na hindi man lang ipinagtanggol ng iba si Ate Chona. Nanonood lamang sila na inuubos ang tinda na 'di man lang nagbabayad. Napabuntong hininga si tatay. Alam ko na nagpipigil ito ng galit niya sa akin. Pero tama naman ako. Gusto ko lang na ibalik 'nong babae ang mga kinuha niya. "Anak, sa palengke na ito sila ang batas. Sa lugar natin ang mga Mayer o ang mga malalapit sa kaniya ang dapat na naghahari rito sa lugar natin. Huwag na tayong makialam sa gusto ni ma'am. Kanila naman ang mga panindang 'yon. Sila lang din ang nagpapautang. Kung kinuha man kay Chona 'yon, tiyak ako na mababawi pa ni Chona." "Kailan po? Charge pa rin sa kanya 'yon. Kawawa naman siya." Umiling iling si tatay sa tinuran ko. "Kahit na, hindi ka na dapat nakialam. Wala ka kasing alam. Hindi nakabayad si Chona sa tamang araw kaya kinuha ni ma'am ang mga paninda niya." "Kahit na po, tay. Puwede naman po niyang bigyan ng pagkakataon si ate. Mel, 'wag ka ng makialam kung ayaw mo na pati ikaw ay madadamay. Mas maayos tayo na ganito. Ayoko na makialam sa gulo nila," saad ni tatay na parang sinasabi sa akin na 'wag salungatin ang pangit na ginagawa ng mga Mayer. Lintek naman! Dahil sa mayaman sila puwede na silang maghari. Hindi sila patas. Mas gugustuhin kong maging mahirap kaysa naman sa mayaman na sobrang sasama ng ugali.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD