HANGGANG sa opisina ay nag-iinom pa rin ako. Pinag-iisipan ko ang napag-usapan namin kagabi ni Della. Ang pakiusap nito na sobrang hirap na sundin. Hindi ko maaring pakawalan si Carding. Kailangan ko siya para makuha ko si Mel. Pero ngayon mas malaking balakid sa akin si Della. Alam kong nagkakabutihan na sila ni Melchora. At mahirap na akong makakalapit sa dalaga. Sa sobrang galit ko buong puwersa kong naibato ang hawak kong kopita. Nagkalat sa tiles na semento ang mga piraso ng kopita. Kuyom ang isang kamao ko na nasa ibabaw ng lamesa habang hinihilot ang aking sintido. Sumasakit ang ulo ko sa sobrang daming iniisip. "Melchora Pasanin..." "Sir, may bisita po kayo," napaangat ako ng tingi sa sekretarya kong pumasok sa loob ng opisina ko. "Pakilinis nga ang nagkalat na basag na baso

