Mel's POV NAGPALINGA LINGA ako habang naglalakad. Feeling ko mayroong sumusunod sa akin. Papunta ako sa part time job ko at hindi ako pumasok. Dahil nauubusan na ako ng panggastos. Kailangan kong kumayod para ako mabuhay. Sa ngayon, magtitiis muna ako. Hindi ko na kayang tustusan pa ang pag-aaral ko. Balak kong ipabukas ang kaso ni tatay at kakailanganin ko ng malaking pera. Lakad takbo ang ginawa ko. Ramdam kong may mga mata ang nakamasid sa akin. Nag-antanda ako dahil sa takot. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa takot. Napahawak na ako sa dibdib ko at taimtim na nagdasal. Nang may humawak sa balikat ko. Kaagad ko itong nilingon. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at inihataw nang malakas ang bag ko sa lalaking misteryosong sumusunod sa akin. "Walang hiya ka! Papatayin mo ako s

