BAD RECORDS

1618 Words

SA pagkabukas ko Mel ng pinto ay agad bumungad ang katahimikan sa maliit na bahay namin. Ang mga gamit ay walang nagbago pero walang katao tao. Inilapag ko ang bag na dala ko. At naupo ako sa upuang kahoy. Isinandal ang likod at ipinikit ang aking mga mata. Marahas akong napabuntong hininga. Pinipigilan kong tumulo ang luha dahil sa labis na kalungkutan. Wala na bang katapusan ang mga pagsubok na darating sa buhay ko? Napapagod na ako pero kailangan kong lumaban. Para kay tatay at para sa sarili ko. Sumagi sa isip ko ang pinag-usapan namin ni Cruz. "Nay, tulungan niyo naman po akong mag-isip. Hindi ko na po kasi alam ang gagawin ko. Nahihirapan na po ako, na mag-isa," usal ko sa hangin at napaiyak na napayuko ng ulo. Sumapit ang bagong umaga, maaga akong naghanda para makauna sa pila.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD