"ANO ba?! Bitiwan mo nga ako! Hindi ako sasama sa'yo!" Malakas kong bulyaw. Pilit kong binabawi ang aking braso na hawak pa rin ni Cruz. "Sir, may problema po ba?" Hindi nakatiis ang isang lalaki at nilapitan kami. "Nothing. Umalis ka at 'wag makialam dito!" Bulyaw niyang taboy sa lalaki at muli akong binalingan. "Sasama ka sa akin sa ayaw o sa gusto mo!" Nagtatagis ang bagang ni Cruz sa galit. 'Di ko alam kung saan nanggagaling ang pinaghihugutan niya ng galit sa akin. Wala naman akong ginawang kasalanan sa kanya para ganitohin niya. Hila pa rin niya ako hanggang sa pagpasok namin ng executive elevator. Wala akong imik na nakasimangot. Humalukipkip ako at tumalikod kay Cruz. Narinig ko naman ang kanyang pagbuntong hininga. "Look, I'm sorry if I dragged you into this. Gusto lang kitang

