HINDI pumayag si Cruz na hindi ako ihatid sa bahay namin. Napilitan na lamang ako na sumakay sa kotse niya. Kahit na hindi ko naman ituro ang bahay namin, alam ko na alam niya kung saan ako nakatira. "Salamat sa paghatid at sa pagkain," parang napipilitan kong pasasalamat. Masyadong mapilit, kahit ayaw ko. "Mel, pag-isipan mo ang sinabi ko sayo. Marry me, and I will release your father inside the jail." Napatitig siya sa aking mga mata habang nagsasalita. "Mr. Mayer, ano ba talagang pakay mo sa 'kin? Ang dami daming ibang babae d'yan. Bakit ako pa ang napili mong pakasalan?" Untag ko na 'di makapaniwala sa gusto niyang mangyari. Kung malalaman siguro ni tatay ang tungkol dito ay baka kagalitan ako. Si Cruz Mayer ang dahilan ng pagkakakulong ko tapos magpapakasal ako sa kanya. Napabunto

