KAAGAD na isinakay si tatay sa ambulansiya. Iyak na ako ng iyak, 'di na malaman ang gagawin sa pagkataranta ko nang makita ang dugo sa palad niya. Hinaplos haplos ko ang kanyang noo. May oxygen na nakakabit sa kanya at kung ano ano pa ang isinaksak nila. Nakapikit na ang mga mata ni tatay at kinakabahan ako. "Tay, lumaban po kayo para sa akin. Please. H'wag kayong bibitaw," pakiusap ko na hinawakan na ang dalawang kamay niya at mariing napapikit ng mata. Nakarating na ang ambulansiya sa malaking ospital. Kausap ko ang doktor ni tatay. Malala na ang sakit niya sa baga. Kakailanganin ko ng malaking halaga. Paano ko matutustusan ang pagpapagamot ni tatay kung wala akong trabaho? Walang wala na ako talaga. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Naalala ko si Della. Baka puwede akong makahiram ng

