LUISEE Araw ng linggo, kasalukuyan naming tinatahak ang daan patungo sa tirahan ng mga Quisedas. Pinasundo kami dahil may mga pag-uusapan daw si Sir Ernest at tatay. Ayoko sana sumama ngunit hindi raw ako maaaring iwanan dahil baka masalisihan na naman daw. Napapakamot na lamang ako sa ulo sa mga pasaring na iyon ni tatay. Nang umagang pumunta si Haru sa dorm ko ay pinilit ko maging natural sa harap nito at sa magulang ko. Pagkatapos ng sinabi niya ay hindi na nawala ang kaba sa dibdib ko. Nagtataka naman ako dahil sa kan'ya lang tumitibok ng mabilis ang puso ko. May mga pagkakataon na nahuhuli ko s'yang nakatingin sa akin habang kinakausap siya ng magulang ko. Pilit ko naman iniiwasan ang mga mata nito. Dahil niyaya siya ni nanay na sa dorm na mananghalian ay hindi ito tumanggi.

