LUISEE Mabuti na lamang sabado at nagawa ko ang matulog ng matulog. Alas nuwebe na rin ako nagising. Mamayang hapon pa naman ang pasok ko sa shop ni Ate Jaydee kaya may panahon pa ako para maglinis ng aking silid. Bumangon ako at kinuha ang cellphone sa tabi ng aking unan. Tiningnan ko kung may text ang magulang ko. Wala naman ako nakita. Maging text ni Haru ay wala. Sabagay, wala naman iyon ginawa kun'di ang tumawag ng tumawag. Simula ng umalis kami sa party ay wala ni isa ang umimik sa aming dalawa. Pagkatapos ng palitan namin ng mga salita at nang niyakap niya ako ay awkward ang namagitan sa aming dalawa ng hinatid niya ako dito sa dorm. Wala rin naman akong planong kausapin siya dahil hindi parin nawawala ang inis ko sa kan'ya. Napahiya rin ako sa harap ni Earl. Kapag nagkita kami

