Chapter 3

2974 Words
LUISEE "Lui, iha your here. Kanina pa kita hinihintay," sabi ng ina ni Earl na yumakap siya sa akin. "Hi po tita, Kararating ko lang din po," sabi ko na pilit na maging natural ang kilos kahit pa nanginginig na ako sa presensya ng kasama nila. Akma kong bibitawan ang kamay ni Earl para sana gumanti ng yakap sa ina nito pero humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Pagkatapos ay ang ama naman nito ang yumakap sa akin. "Good evening po Tito," bati ko. "Napakaganda mo iha, hindi nagkamali ang anak ko sayo. Magkakaroon tayo ng magandang lahi anak," sa sinabing iyon ng ama ni Earl ay binalot ako ng hiya. Nag-init ang buong mukha ko. Mabuti nalang at medyo hindi ganoon kaliwanag sa lugar na kinatatayuan namin dahil kong hindi ay kitang-kita ng mga ito ang pamumula ng pisngi ko. "Pa, stop it. Darating din tayo dyan,"sinulyapan ko si Earl. Hindi ito nagbibiro. Seryoso ang mukha nito ng sinabi niya iyon habang titig na titig ito sa kasama ng magulang. "Oh! Before I forgot. Remember Haru? Harold Stevan only son," baling nito sa kasama. Gusto ko siyang tingnan ngunit hindi ko kayang salubungin ang mga titig niya. Para akong napapaso oras na salubungin ko ang mga mata niya. "Of course, Pa. How can I forget him?" tila may kakaiba sa sinabi nito. "Kumusta pare, long time no see," inilahad nito ang kanang kamay sa kaharap. Habang nakahawak pa din ang isang kamay nito sa aking kamay. "You've never changed." malamig nitong wika. Ang baritono nitong boses na hindi ko narinig ng sampung taon ay tila naging musika sa pandinig ko. Nagkaroon ako ng pagkakataon na titigan siya. He never changed too. Sinulyapan niya ako. Huli na para umiwas ako ng tingin. "You must be his fiance. Luisee Strella, right?" baling nito sa akin. He never say my whole name 10 years ago. But now it's different when he said that. Binitawan na niya ang kamay ni Earl at inilahad naman sa akin. Hindi ako nakahuma. Aabutin ko ba? Paano? Hawak ni Earl ang kanang kamay ko. Nakalahad naman ang kanang kamay niya. Hindi ko alam kung sinadya ba niya. Tumawa si Tito Ernest. "Earl, iho baka gusto mo muna bitawan ang kamay ni Lui. Hindi niya alam kung alin ang i-aabot niya," biro ng ama nito. Sinulyapan ako ni Earl, hindi ko mabasa ang nasa isip nito kaya nginitian ko siya. Naramdaman ko ang pagluwag ng pagkakahawak ng kamay niya sa kamay ko hanggang sa binitawan na niya ng tuluyan. Tiningnan ko muna ang nakalahad na kamay ni Haru. Kinalma ko muna ang sarili. Sana lang hindi niya mahalata ang panginginig ng kamay ko. Inabot ko ang kamay niya. Ngayon na lang ulit. Ang init ng palad niya. Ramdam ko din ang marahan niyang pagpisil sa kamay ko. Wala din akong makitang emosyon sa mukha niya. Ang tanging alam ko lang ay patuloy parin na tumitibok ang puso ko. "Nice meeting you Mr. H-haru Stevan," ngayon ko na lang din ulit nabanggit ang pangalan niya. Nagsisi ako kung bakit ko pa sinabi iyon. Sana lang din hindi niya napansin ang panginginig ng boses ko. Kumibot ang labi nito ngunit wala akong narinig na naging tugon nito. Bagkos ay. . . "You should wear jacket Ms. Strella. Your cold," saka binitawan ang kamay ko. Natigagal ako, ano daw? Saka ko lang napagtanto kung ano tinutukoy nito. Malamig ang kamay ko. "O iho, kailangan mo bakuran itong si Luisee dahil maraming mata ang kanina pa nakatingin sa fiance mo. Don't leave her alone, ok?" bilin ni Tito Ernest. "Haru, iho halika at ipapakilala kita sa mga kaibigan ko." yaya nito kay Haru. Hindi na kami nito tinapunan ng tingin ng sinama ito paalis ng magulang ni Earl. Nakahinga naman ako ng maluwag ng makalayo ang mga ito. "I don't like the way how he looks at you." anas ng katabi ko. Tiningnan ko si Earl, seryoso itong nakatanaw sa papalayong magulang at kay Haru. "This is our night, walang pwedeng umeksena," sabi nitong may ngiti na sa labi. Alanganin akong ngumiti sa kan'ya. Pakiramdam ko magugulo na naman ang buhay ko dahil sa pagpapakita ni Haru. Hindi pumasok sa utak ko na nasa business world din pala ang pamilya ni Earl at malapit ang ama nito sa ama ni Haru. Ngunit ang makita siya dito sa Isla ay hindi ako makapaniwala. "Ladies and gentlemen, please lend me your ears for a moment," pukaw ni Tito Ernest sa mga bisita. Tumahimik naman ang lahat. Itinuon ang atensyon na nasa harapan. Nakaupo na kami ni Earl. Hindi niya ako hinayaang mag-isa. Ginawa nga nito ang sinabi ng ama na bakuran ako. "Before anything else ay gusto ko magpasalamat sa mga dumalo ngayong gabi. Maraming salamat at pinaunlakan ninyo ang aming imbitasyon. Hindi ko na din papatagalin dahil hindi ko naman moment ito. Baka isipin ng anak ko ako ang ikakasal," nagtawanan ang lahat sa sinabi ni Tito Ernest. "Anak, iho my only son. Ang hiling ko sayo ay maging maligaya ka sa iyong panibagong yugto ng buhay na kasama ang iyong magiging asawa na si Lui. 'Wag mo ng pakawalan ang dalagang iyan. Hindi ka na makakakita pa ng tulad ni Luisee. O sige na, pumunta na kayong dalawa dito at baka maiyak pa ako," nagkunwari itong suminghot. Hinimas naman ni Tita Violy ang asawa sa likod. Nagtawanan ulit ang mga bisita, pagdating sa pagbibiro magaling doon si Tito Ernest. Hinawakan ulit ako sa kamay ni Earl at magkasabay kaming pumunta sa gitna. Kinuha nito ang microphone na inabot ng ama. "Well, ahm, thank you again for coming tonight. I hope everyone will enjoy the night as I enjoyed my night with my beautiful future wife," nakangiting tumingin sa akin si Earl. "The most beautiful woman I've ever met in my whole life," naghiyawan ang mga bisita sa sinabing iyon ni Earl. Ramdam ko ang sinseridad sa bawat sinasabi nito. Umiwas ako ng tingin sa kan'ya at tumingin ako sa mga bisitang naghihiyawan. Hindi ako sanay sa ganito kaya nahihiya na ako. Nahagip ng mata ko si Haru. Matalim ang tingin pinupukol nito sa katabi ko. May narinig akong nagsabing halikan ako ni Earl pero wala na ang atensyon ko sa mga naghihiyawan na bisita. Tumawa si Earl. "Sorry guys, hindi ko kayo mapagbibigyan. Masyadong conservative ang mapapangasawa ko," sa sinabing iyon ni Earl ay awtomatikong napatingin sa gawi ko si Haru. Nagsalubong ang aming mga mata. Hindi ko maalis ang tingin sa kan'ya. Nakakahipnotismo ang matalim na titig nito. Nagtatanong ang mata nito at nanunumbat ang paraan ng pagtitig nito. Gayon na lang ang pagkadismaya ko ng may lumapit na babae dito. Naramdaman ko din ang pagpisil ng katabi ko sa kamay ko. Saka ko siya binalingan. Nakangiti si Earl ng tingnan ko pero nakikiusap ang mata nito. "They were requesting for a kiss. Is that ok with you?" my lips parted. Hindi ako handa. Lalo pa at nandito si Haru. Hindi ako nakahuma. Para hindi mapahiya ang kaharap ay napilitan akong tumango. Muling nag hiyawan ang mga bisita. Sumilay sa labi ni Earl ang isang malawak na ngiti. Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha sa akin. Napapikit ako, bahala na. Dapat inaasahan ko na mangyayari ito. Kapag nagkataon siya ang unang halik ko. Ngunit gayon na lang ang pagkasorpresa ko ng hindi sa labi ko dumantay ang labi nito. Bagkos ay sa aking pisngi. Dumilat ako. Hindi ko alam kung ano ang nasa utak niya at sa pisngi ako hinalikan. Nagpalakpakan ang mga bisita. Pagkatapos niyon ay bumalik na kami sa aming mesa. Naging abala na din si Earl sa pag-entertain ng mga bisita. Hinayaan ko na lamang siya. Naupo lang ako, may kumakausap din sa akin pero kalauna'y umaalis din. "Anak," tawag sa akin ni Tatay. "Tay, kanina ko pa kayo hinahanap," yumakap ako rito. "Nandyan lang ako pinagmamasdan ko ang maganda kong anak," nakangiti nitong wika. "Sabay na kayong umuwi sa'kin Tay. Mamaya magpapaalam na ako kay Earl. May pasok pa kasi ako bukas," sabi ko. "Naku anak, ang sabi sa akin ni Earl ay dito na daw tayo matulog. May kwarto naman para sa'yo dito sa mansion. "umiling ako sa sinabi ni tatay. Hindi ako pwede matulog dito at hahanapin ako ni Lance. "Tay, Hindi pwede, ako ang magsasabi kay Earl. Baka umiyak si Lance kapag hindi ako nakita sa umaga. Alam mo naman 'yun mas maaga pa nagigising sa akin." paliwanag ko. "O sya sige. Ikaw na bahala magpaliwanag. Baka bukas pa ako makauwi. Ibilin mo na lang si Lance kay Isabel," bilin nito. Saglit lang din nagstay sa tabi ko si tatay dahil may kakilala din itong dumalo. Dahil wala akong makausap ay kumuha ako ng inumin. Inunti-unti ko ang pag-inom. Panay naman ang silip sa akin ni Earl habang nakikipag-usap sa mga kakilala nito. Nginingitian ko lamang siya kapag napapasulyap siya sa akin at nagta-thumbs up lang ako sa kan'ya para malaman niya na ok lang ako. Umikot ako ng tingin, muli kong nakita si Haru. Dalawang babae na ang kausap nito. "Tsk! Katawan lang ang nagbago dito. Pero ang pagiging lapitin nito sa mga babae ay hindi parin nagbago,"sabi ng isip ko. Muli akong nagsalin ng inumin sa wine glass saka humugot ako ng malalim na hininga. Ang buong akala ko ay hindi na kami magkikita. Tignan mo naman at abot tanaw ko pa ang lalaking ito. Kinuha ko ulit ang bote ng wine. Naglagay ulit ako sa wine glass. Tsk! Kaunti na lang ang laman. Naparami na din yata ang inom ko at nakakaramdam na ako ng pagkahilo. Bumuga ako ng hangin. Muli ko siyang sinulyapan at sa pagkakataong iyon ay nagkasalubong ang aming mga mata. Kanina pa kaya siya nakatingin sa akin. Madilim ang mukha nito. Salubong ang kilay nito. Nagtatagisan ang mga bagang nito. Galit ba siya? Inilapag nito sa mesa ang hawak na champagne glass. Tumayo ito at hindi na yata nito tinapunan ng tingin ang dalawang babae na kausap na nagtataka naman na nakatunghay sa kan'ya ng humakbang ito at nagsimula itong maglakad. Naglakad papalapit sa akin. Wala sa loob na ibinaling ko ang atensyon sa inumin at mabilis kong tinungga iyon. Bigla na naman akong binalot ng kaba. Muli ko siyang sinusulyapan. Malapit na siya, hindi ko mabasa ang emosyon niya. 'Haru, please 'wag mo gawin sa akin 'to," protesta ng utak ko. Tumayo ako pero nawala ako sa balanse dahil nahilo ako. May maagap naman na kamay ang sumalo sa akin. Nilingon ko kung sino iyon, si Earl na seryoso ang mukha nito. Nginitian ko siya at umayos ako ng tayo. Hinawakan ko ang mukha niya. Napakagwapo nito. Pinisil ko ang ilong nito. Natigilan ako, hindi siya iyon. "s**t! Lasing na nga talaga yata ako." "You need to rest. Halika na sa kwarto," marahan niya akong inalalayan pero pinigilan ko siya ng naglalakad na kami. "Uuwi ako, hahanapin ako ni Lance," nakangiti kong wika sa kan'ya. He heaved out a deep sigh. "Ok, ipapahatid na kita." "K-kanino?" nag-alangan ako bigla. "Kay Randy," tipid nitong sagot. "Pwede bang ikaw na lang maghatid sa'kin?"pakiusap ko. Ayoko sabihin dito na iba ang mga titig ng driver nito sa kanya. "I can't, kailangan ko silang asikasuhin. Anyway, you can file leave tomorrow kung hindi mo kaya pumasok. Ako na bahala," suhestiyon nito. Umiling ako. Hindi ko pwedeng gamitin excuse ang pagiging fiancee ng mayari ng hotel. Gusto ko maging patas lalo na sa mga katrabaho ko. "Ok then, let's go. Naghihintay na si Randy sa labas," wala akong nagawa kun'di ang sumang-ayon na lang sa kan'ya. Nang makapasok sa sasakyan ay ibinaba ko ang bintana. "Hindi ka talaga sasama?" kinakabahan talaga ako. Lalo na at nakakaramdam pa din ako ng pagkahilo. Sana mapapayag ko siya. "Don't worry, Randy will take good care of you. I trust him," I bit my lower lip. Ako wala akong tiwala sa kan'ya. Gusto ko sanang sabihin iyon kay Earl pero lumayo na ito sa sasakyan. Wala na akong nagawa ng pinaandar na ni Randy ang sasakyan. Nilingon ko pa si Earl pero wala na ito sa labas ng gate. Lalo akong napuno ng kaba at the same time ay may takot na akong maramdaman. Bahagya kong sinulyapan si Randy sa rear-view mirror. Seryoso itong nagmamaneho. Hiniling ko na sana ay may sasakyan din na nakasunod sa amin na kapag may kahina-hinalang kilos si Randy ay madali ako makakahingi ng tulong. Hanggang sa naramdaman ko na bumagal ang sasakyan at huminto ito. Lumukob ang takot sa aking buong pagkatao. Ito ba Earl ang mapagkakatiwalaan mo? "M-may problema ba Randy?" tanong ko. Sana hindi niya napansin ang panginginig ng boses ko. Tinanggal nito ang seatbelt at lumingon sa akin. "Jingle lang ako ma'am," nakangisi niyang wika. Bago ito bumaba ay nag spray ito. Hindi ko alam kung ano iyon pero hindi iyon amoy perfume. Para iyong amoy gamot. Napansin ko din na huminto kami sa talahiban. Nag-isip ako. Nakaramdam na ako ng kakaiba. Ang una lang pumasok sa isip ko ay i-lock ang bawat pinto ng sasakyan. Napatili ako ng pilit nitong binubuksan ang pinto. Bumibigat na din ang talukap ko. Inaantok ako. s**t! Saka ko lang napagtanto na pampatulog ang ini-spray niya. Mabilis ko kinuha ang cellphone ko sa pouch na hawak kahit nanginginig ang kamay ko. Ngunit nabitawan ko iyon ng may kumatok ulit sa bintana ng sasakyan. Sa pagkakataon na iyon ay nawala ang takot na bumalot sa akin. I saw Haru. Puno ng paga-alala ang mata nito. Dinampot ko ang phone ko bago ko binuksan ang pintuan ng sasakyan. "Are you alright.?" bungad nito sa akin. Tumango lang ako sakab Inalalayan niya ako makababa. Nanginginig pa din ako kaya hindi ko naiwasan na mawalan ng balanse. Maagap naman si Haru na inaalalayan ako. Nakita ko din si Randy na nakahandusay sa damuhan at wala itong malay. Duguan ang mukha nito. Paano kung wala si Haru? Malamang pinagsamantalahan na ako nito. "Let's go. I'll drive you home"inalalayan niya ako patungo sa sasakyan nito na hindi kalayuan sa sinakyan ko. Hinawakan niya ang ulo ko pagpasok ko sa sasakyan sa front seat. Umikot siya para sumakay naman sa drivers seat at binuhay na nito ang sasakyan at pinaandar. "S-salamat," tanging nasambit ko. Bakas pa rin sa boses ko ang panginginig. "He shouldn't entrust you to others," bakas sa boses nito ang galit. "Please, 'wag mo sabihin sa kanya," pakiusap ko. "f**k!" hinampas nito ang manibela. "You've never changed, Lui. I can't believe you," nagtatagisan ang bagang nito. Mariin nakalapat ang kamay nito sa manibela ng sulyapan ko. I bit my lower lip at umiwas ako ng tingin sa kan'ya. Naalala ko ang ganitong eksena sampung taon ang nakakalipas. Ang naging huli naming pagkikita. The way he calls my name has not changed either. How I missed this man. "Bakit ka nandito?" lakas loob na tanong ko. Kailangan ko malaman dahil ayoko mag-assume na kaya siya nandito ay dahil sa akin. "Mr. Quisedas invited me. What else am I going to do here?" sarkastiko nitong wika. I heaved out a deep sigh. So assuming nga lang talaga ako. "And I need an answer and explanation, Lui," inihinto nito ang sasakyan at bumaling ng tingin sa akin. Hindi ko alam na darating kami sa ganitong sitwasyon. Alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin. "Matagal na iyon Haru. Bata pa ako ng panahon na iyon," sabi ko ng hindi tumitingin sa kan'ya. "f**k!" napaigtad ako ng hinampas ulit nito ang manibela. Sinulyapan ko siya. Nakagat ko ang ibabang labi ng makita kong may sugat ang kanang kamao nito. Marahil gawa iyon sa pagsuntok nito kay Randy. "Ihatid mo na ako para magamot ko ang sugat mo," itinuro ko sa kanya ang daan pauwi. Pagdating sa bahay ay pinaupo ko siya. Sinilip ko muna ang kapatid bago ako pumunta ng kwarto at nagpalit. Naghilamos na din ako dahil nangangati na ang mukha ko sa make-up. Bago ako lumabas ng kusina ay tinawagan ko si Earl. Sinabi ko na nakauwi na ako ngunit hindi ko sinabi ang nangyari. Paglabas ko ng kusina ay dala ko na ang panlinis ng sugat. Tahimik lang siyang nakaupo at nagmamasid siya sa loob ng bahay namin. Kinuha ko ang kamay niya na may sugat. Nilinis ko muna iyon bago ko nilagyan ng betadine. Kinuha ko ang bandage para ibalot iyon sa kamao niya. Nang matapos ay nakangiti ko siyang sinulyapan. Tumigil ang paghinga ko ng pag-angat ko ng mukha ay seryoso siyang nakatitig sa akin. "O-ok na," umiwas ako ng tingin sa kan'ya. Kinuha ko ang mga ginamit ko na pinanlinis sa sugat niya saka tumayo. "Why? Why Lui?" huminto ako sa paghakbang. "Sinagot ko na ang tanong mo," mahina kong sagot na hindi siya sinulyapan. "Is that an answer to you, huh?" tila hindi makapaniwala nitong wika kaya hinarap ko siya. "Ano ba ang gusto mong isagot ko?" hindi ko napigilang turan sa kan'ya. May bakas na ng pagkainis sa boses ko. "The truth, Lui. The whole truth," maawtoridad nitong wika. Tsk! He never changed, kapag gusto niya ay dapat masunod. I heaved out a deep sigh. Bakit ko pa sasabihin kung nakatakda na akong ikasal? Wala naman na magbabago. "Ate, Sino sya?" napalingon ako sa nagsasalita. Nagising pala ang kapatid ko. Nilapag ko sa lamesita ang hawak at nilapitan ko si Lance, pupungas-pungas pa ito ng mata. Kinarga ko si Lance para dalhin sa kwarto. "I want to meet your brother," malamig nitong wika. Humugot ako ng malalim na hininga saka hinarap ko ulit siya. Tiningnan ko si Lance. Salubong ang kilay nitong nakatunghay kay Haru. May pagkakahalintulad ang dalawa. "Siya si kuya Haru, kaibigan ni Ate," nakangiti kong turan ko sa kapatid ko. Binaba ko siya at pinalapit kay Haru. Katulad ni Lance ay salubong din ang kilay nito. Kung hindi ko lang kapatid ni Lance ay napagkakamalan ko na mas magkapatid ang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD