HARU
I can't believe na kaharap ko na ang babaeng sampung taon kong hinanap. And now, she's carrying her little brother.
Kinabahan pa ako na ang buong akala ko ay anak niya ito. Mabuti na lamang at kapatid pala niya ang cute na batang lalaki.
Hindi mapagkakamalan na magkapatid ang dalawa dahil malayo ang kulay ng mga ito. Hindi gano'n kaputian si Lui, pero ang kapatid nito ay kasing kulay ko ang balat. Para pa nga kaming magkapatid ng batang ito.
Isang buntong hininga ang pinakawalan ko habang pinagmamasdan si Lui na karga ang bata. I can't imagine na magkaka-anak ito kay Earl. Parang hindi ko iyon matanggap. Hindi nga niya kayang protektahan si Lui. Nagawa pa niyang ipagkatiwala si Lui sa driver nito na may masama palang balak. Mabuti na lamang at hindi ko inalis ang mata sa kan'ya.
Simula ng magkita kami ay hindi ko na inalis ang tingin sa kan'ya. Kahit may mga kumakausap sa 'kin na mga babae ay hindi ko siya maiwasang tapunan ng tingin.
When I saw him with Earl at the center, nakaramdam ako ng inggit, at the same time jealous. Yes, I am jealous. Dahil hindi ko lubos akalain na ang babaeng nagpasaya sa akin noon ay ikakasal sa lalaking naging mortal kong kaaway.
Mas lalo pang kumulo ang dugo ko ng dumapo ang labi ni Earl sa pisngi ni Lui ng maghiyawan ang mga bisita at humingi ng halik sa dalawa. Hindi ko matanggap na may ibang lalaking dadapo sa balat niya.
Fuck! I want to scream and tell everyone that Lui is mine. But that was 10 years ago. The fact that ten years ago, she had no choice but to pretend as my girlfriend.
Parang gusto ko ng hilahin si Lui paalis sa gitna at umalis kami sa lugar. Pero sino naman ako para gawin ko iyon? I'm not desperate to ruined her moment.
Wala siyang pinagbago. Napakalamyos pa rin ng tinig niya. Kung paano ko siya nakilala sampung taon na ang nakalilipas ay gano'n pa rin siya hanggang ngayon.
She was too firm and proper. Napahanga pa rin niya ako kahit kailan.
Nang makita ko siyang umiinom mag-isa ay hindi ko mapigilan ang sarili na pagmasdan siya kahit may kausap ako. Gusto ko na siyang lapitan at ibalot ang coat ko dahil lantad na lantad ang balikat niya na ni minsan ay hindi ko nakitang magsuot siya ng ganoong kasuotan. Hindi nga nito nagawang isuot ang gown na binigay ko noong Masquerade Ball dahil nagkasakit ito.
Kung sinuot niya ang gown ng araw na iyon, I'm sure, siya ang pinakamaganda sa ball. Mabuti na rin siguro iyon dahil hindi ko kayang makita na lahat ng mata ay sa kan'ya nakatingin.
Tulad na lamang no'ng nasa party kami, maraming mata ang panaka-nakang tinatapunan siya ng tingin. Hindi lang ito malapitan dahil fiancée ito ni Earl.
Gusto ko na nga sugurin si Earl at undayan ng suntok dahil iniwan nitong mag-isa si Lui. I can't believe na nagagawa niyang hindi samahan si Lui samantalang siya ay busy sa mga bisita.
Dahil hindi na ako nakatiis ng mga oras na iyon ay tumayo ako kahit kinakausap pa ako ng dalawang babaeng lumapit sa akin. I don't f*****g care about them. All I want to do is to get Lui out of this so called engagement party.
Napansin niya akong papalapit sa kan'ya kaya tumayo siya. Muntik na akong maging flash ng tila nawala ito sa balanse ngunit nakalapit na agad sa kan'ya si Earl.
Parang kinurot ang puso ko ng nakangiti nitong pinisil ang ilong ni Earl. Sa akin n'ya unang ginawa iyon. Ako dapat ang nasa lugar ni Earl.
Hanggang sa pinasya na nga niyang ipahatid si Lui. Mabuti na lamang at nakasunod ako dahil kitang-kita ko kung paano huminto ang driver ng kotse sa madilim na bahagi ng lugar na puno ng talahib. Doon ako nakaramdam ng hindi maganda.
Pinatay ko ang ilaw ng sasakyan para hindi ako mapansin ng driver niyon. Nakita ko itong bumaba ng sasakyan ngunit nanatiling nasa loob si Lui. Nagsimula na akong kabahan ng mapansin ko na may kinukuha ito sa bulsa nito.
I opened the car door. Hindi ko na nga iyon nagawang isara ng makita ko ang lalaki na pwersahang binubuksan ang pintuan ng sasakyan kung saan naroon nakaupo si Lui.
Dinig ko mula sa loob ang tili ni Lui ng makalapit ako sa hayop na lalaki. Agad ko itong inundayan ng suntok sa mukha hanggang sa humandusay ito sa damuhan at mawalan ng malay. Nakita ko na may hawak itong lubid. Marahil ito ang gagamitin niyang pantali kay Lui para hindi makapanglaban.
Nang katukin ko ang bintana ng sasakyan ay nagulat pa si Lui sa ginawa ko. Nabanaag ko ang takot sa mukha nito. Nang lumabas ito ng sasakyan ay ramdam ko ang panginginig ng kamay nito. Gusto ko ito yakapin pero nagpigil ako. Ayaw ko na may isipin ito.
Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang hangaan o kainisan. She never changed. Ayaw niyang ipaalam ko kay Earl ang nangyari sa kan'ya. Tulad noon, ayaw niyang may gawin kami ng mga kaibigan ko sa mga nanakit sa kan'ya. Mas iniisip pa rin niya ang iba kaysa sa sarili niya.
Nang hinatid ko s'ya sa bahay nila ay agad niyang ginamot ang sugat ko. Nag-aalala rin pala siya sa akin.
Habang ginagawa niya iyon ay hindi ko napigilan ang sarili na titigan siya. Saka ko lang napagtanto na may nagbago rin pala sa kan'ya. She's a beautiful woman now. Hindi na siya tulad ng dati na hindi marunong mag-ayos. Ang ganda niya lalo na sa malapitan.
Nagkaroon ako ng pagkakataon na tanungin siya. Ngunit kahit tanungin ko siya ay wala akong makuhang sagot sa kan'ya.
Sampung taon na ang nakalilipas pero pareho pa rin ang epekto niya sa buong pagkatao ko. Siya pa rin ang Lui na nagpapabilis ng t***k ng puso ko.
Marami akong natutunan sa kan'ya noon na mga maliliit na bagay na hanggang ngayon ay baon ko. Those things keeps reminding me that Lui is a part of it.
Natatawa na lamang ako sa tuwing naiisip ko ang mga bagay noon na sa kan'ya ko lamang nalaman. Inosente pala ako ng mga panahon na iyon na nakilala ko siya.
"Hey, buddy. What's your name?" tanong ko ng makalapit ito sa akin.
I stared at him as if knew him. Napangiti na lamang ako dahil sa kabibuhan nito. How I wish na may kapatid din akong katulad nito.