LUISEE Do you love me? Katanungang madali lamang na sagutin. Pero oras na binitawan ko ang sagot ko sa tanong nito ay mas lalo lamang magugulo ang sitwasyon. Mahal ko si Haru pero hindi ko kayang iwan si Earl. Hindi ko kayang iwan ang taong walang ginawa kun'di ang pasayahin ako sa mga nakalipas na taon. Ang taong walang ibang pinakita kun'di puro kabutihan. "Lui, answer me. Do you love me?" ulit nito sa tanong nito. Yumuko ako. Hindi ko kayang sagutin ang tanong na iyon kahit madali lang dahil mahal ko naman talaga siya. Mas masakit para sa akin na hindi ko aminin ang nararamdaman ko para kay Haru. Ngayon pa na alam kong mahal din pala niya ako. Kapag sinabi kong mahal ko siya may magbabago ba? Ikakasal parin ako kay Earl. Hindi ko rin kayang malagay sa kahihiyan ang pamilya ko lal

