LUISEE Naramdam ko ang paglakbay ng kamay ni Haru sa akin. Hindi nito pinapakawalan ang labi ko. Kinakapusan na rin ako ng hininga. Dahil baka maubusan ako ng hangin at baka tuluyan na naman ako tangayin ng damdamin ko at mawala ako sa aking katinuan ay tinulak ko ito na ikinagulat nito. "Mahal mo nga ako Lui," ngunit ay sambit nito at muli akong nilapitan ngunit huminto ito sa paghakbang ng may kumatok sa pinto. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa kung sino man na nagligtas sa akin sa labas. Nagpapasalamat na rin ako sa kumatok dahil kung hindi ay baka tuluyan na akong bumigay. Kaya ayoko ang mapalapit kay Haru. Nagiging marupok ako. Ipinilig ko ang aking ulo. Hinayaan ko na si Haru ang kumausap sa kumatok. Nahiga ako at nagtalukbong ng kumot. Hindi na ako nilalamig bagkus ay

