HARU Malungkot at tahimik akong pinagmamasdan na natutulog ang babaeng mahal ko sa aking harapan. Kahit sa huling pagkakataon ay masilayan ko ang maamo nitong mukha. I've been searching her for a year. Ngayong nakita ko siya ay labis ang sayang naramdaman ko bagamat nandun parin ang maraming katanungan dahil sa paglisan nito na walang paalam. Ngunit ang pagkikita pala naming muling ito ay ang pagkadurog ng puso ko. Ang sakit. Ang sakit-sakit na hindi nito kayang ipaglaban ang tulad ko. She loves me pero hindi siya kasing tapang ko. Kaya ko s'yang ipaglaban kung gugustuhin ko. Pero paano ko ipaglalaban ang ayaw nang kumapit sa akin? Paano ko siya ipaglalaban kung siya mismo ay ayaw akong pahintulutan na ipaglaban ko siya? I'm hurt and I'm totally damaged. Hindi ko alam kung paano k

