DALAWANG araw na lang makakauwi na si Elena. Hindi na siya makapaghintay lalo na't lumalala ang pagsusuka at panghihina nang kanyang katawan! Ang ipinagtaka nga niya, simula nang kahiligan niyang kumain ng prutas, hindi na umaalis ng bahay ang dating nobyo. At talagang sandamakmak na prutas ang binili nito. Dahil sa hindi nito pag-alis ng bahay, madalas nitong nakikita ang pagsusuka at panghihina niya. Minsan ngang niyaya siya nitong pumunta ng ospital, ngunit ganon na lang ang pagtanggi niya. Kung ano-ano na lang ang dahilang sinasabi niya rito, 'wag lang siyang piliting pumunta ng ospital. Iyon ay dahil natatakot siyang malaman nito na may dinaramdam n pala siyang sakit! Hindi nais ni Elena na kaawaan siya nito. Nagtaka nga rin siya at hindi siya nito pinipilit na tila ayaw siya

