HABANG nakapikit si Elena, umalpas ang luha sa mga mata niya. Kumpirmado ngang nagdadalawang-tao siya. "Congratulations, bro. Ikaw nang bahala sa mag-ina mo, alam kong marami kang dapat ipagtapat sa kanya." Hindi man makita ni Elena ang mukha ng lalaki, alam niyang si Dr. Ramula ang naroon sa silid! Ibig sabihin, magkaibigan ang dalawa! "Thanks, bro!" Hanggang sa marinig niya ang papalayong yabag. Nang masigurong nakalabas na ang dalawa, saka naman siya nagmulat ng mga mata. Dahan-dahang kinapa ang sariling tiyan. Muli siyang napaluha, nag-uumapaw ang puso niya sa isiping magiging isang ganap na siyang ina! "M-magkakaanak na ako.." Hinaplos-haplos niya ang sariling tiyan. Nang maisipan niyang umupo at isinandig ang sarili sa headboard ng kama. Biglang pumasok sa isip ni Ele

