NANGINGINIG na napayuko si Elena at mariing kinagat ang ibabang labi. Ramdam niya ang matinding kaba sa kanyang dibdib lalo na't sobrang lapit na nito sa kanya. "Ngayon, kailangan mo ang tulong ko?" wika nito. Biglang napalunok si Elena. Gusto na namang kumawala ng kanyang mga luha. Inaasahan naman niyang susumbatan siya nito. "P-pasensya ka na, wala na akong ibang taong p'wedeng malapitan. Ikaw na lang --" "Bakit hindi ka lumapit sa may-ari ng KZ Modeling Agency?" tila nang-aasar na wika nito sa kanya. Kaagad pinunasan ni Elena ang luha sa mga mata niya. Alam niyang pahihirapan siya nito dahil alam nitong kailangan niya ang tulong nito. Nakahanda naman si Elena. Kung kinakailangan niyang lumuhod, gagawin niya alang-alang sa buhay ng kanyang ina. "Nakaraang taon pa niya ako tinan

