NAPABALIKWAS si Elena. Napalunok si Elena nang makita ang lalaking kanang-kamay ng dating nobyo niya. Marahan itong ngumiti at bahagyang yumuko na tila nagbibigay galang sa kanya. "Nasaan ako?" "Nasa hospital ka, Miss Trinidad. Dinala ka namin dito ni boss at bigla ka na lang nahimatay. Iyong cheque nga pala," ani nito sabay abot sa kanya. Nakagat niya ang ibabang-labi. "Maraming salamat." Kaagad na rin itong nagpaalam sa kanya. May kung anong kalungkutang bumalot sa puso ni Elena. Inaasahan niyang pagmumukha ni Henri ang makikita niya. Malungkot siyang napabuntong-hininga at nagmamadaling lumabas ng kuwartong iyon. Laking pasalamat ni Elena at sa mismong ospital kung saan din naka-confine ang kanyang ina. Nagmamadali siyang tumungo sa kuwarto. "Itay.." "Anak!" Bigla iton

