NAPATAYO si Elena nang makita ang isang kasambahay. "Ma'am, nakahanda na ho ang hapag-kainan. Pinapatawag kayo ni Sir Henri," magalang nitong wika. Namula ang mukha ni Elena. Lumakas din ang t***k ng puso niya. Hindi lang siya makapaniwala na ipinapatawag siya nito? Napatanong tuloy siya sa sarili: sasabay ba siyang kumain sa mga ito? Lihim siyang napailing. Alam ni Elena na hindi iyon maaaring mangyari, baka lalo siyang masaktan ni Gail at tiyak na siya ang magiging kawawa dahil kakampihan na naman ito ni Henri. "Ah, pakisabi na lang ho na hindi pa naman ako nagugutom." Magalang itong tumango at umalis sa harapan niya. Dahan-dahang napaupo si Elena sa gilid ng kama, kinapa pa niya ang sariling dibdib. Ang lakas ng t***k ng puso niya. Nagtataka kasi siya kung bakit ipinapatawa

