ISANG mahabang buntong-hininga ang pinakawalan ni Elena habang nakaupo sa gilid ng kama. Hanggang sa mapaangat siya nang tingin ng may pumasok na dalawang kasambahay at may dala-dalang mga paper bags. Napaawang ang labi ni Elena nang sabihin ng mga ito na sa kanya ang lahat ng iyon. Ipinaakyat daw iyon ng dating nobyo niya sa kuwarto niya. Biglang napalunok si Elena. Pagka-alis ng mga ito, natitigan niya ang sandamakmak na paper bags. Napakagat-labi pa siya dahil mga sikat na brand ang nakasulat doon! Uminit ang magkabilaang-pisngi ni Elena. "Bakit niya ako binibigyan ng mga ito?" anas ni Elena sa sarili. Hindi tuloy niya maiwasang kiligin. Sa kabila ng mga nagawa niya, ito pa rin ang isinusukli nito sa kanya? May kung anong lungkot siyang naramdaman. Lalo siyang nasasaktan s

