HABANG hinihintay ni Gail si Henri, iniisip niya kung anong maaaring sabihin sa lalaki. Nagtaas-baba ang paghinga niya dala ng galit! Ni wala siyang kamalay-malay na may ganitong plano ang lalaking iyon! "Anong pag-uusapan natin?" Napalingon si Gail. "Anong ibig sabihin nito, Henri? Bakit nandito siya? Nakalimutan mo na ba ang ginawa niya sa iyo?" Lalong nairita si Gail at hindi ito kumibo. "Ipinagpalit ka niya sa trabaho! Iniwan ka na lang basta! Hindi siya maaaring tumira dito!" nanggigigil na wika ni Gail sa harapan nito. "Isa siyang bayarang babae --!" Nang mapasinghap si Gail nang bigla itong magsalita ng may kalakasan. Tumalim din ang mga mata nito at gumalaw ang panga. "Watch your words!" Bahagyang napaatras si Gail ng marahan itong lumapit sa kanya. Tumigas ang awr

